Bola 16

2.4K 154 32
                                    

CHAPTER 16

PAGKADATING ni Ricky sa CISA ay sa basketball court kaagad siya nagpunta. Doon nga ay napansin niyang may ilang mga estudyante ang tila ba may pinapanood na naglalaro roon. Habang papalapit nga siya rito ay naririnig na niya ang pagtalbog ng bola at ang maliksing pagtapak ng sapatos ng kung sinong naglalaro sa court.

Pagdating niya ay tumambad sa kanya ang dalawang lalaki na walang pantaas na kasuotan. Kapwa naliligo sa sariling pawis ang mga ito at tila kanina pa nagpa-practice. Hindi... Pero mukhang isa itong one-on-one match! Naabutan nga ni Ricky na dinidepensahan ni Kier si Macky.

Parehong may hingal na sa dibdib ang dalawa. Si Macky nga ay bumigla ng step-back jumpshot. Hindi naman iyon nagawang abutan ni Kier at ang tirang iyon ay pumasok sa basket.

"32-20!" sambit ni Macky na nginisian pa si Kier matapos iyon. Doon nga ay si Kier naman ang nagdala ng bola.

Kalmado lang ito at seryosong pinapatalbog ang bolang hawak. Malumanay at mababa ang ginawa nitong dribbling. Pagkatapos din noon ay isang hakbang pauna ang kanyang ginawa. Kasunod din nito ay isang biglaang jumpshot ang ginawa niya nas harapan ng kanyang defender.

Nakalusot iyon, ngunit sumablay ang tirang iyon. Doon nga ay tumakbo ang dalawa papunta sa ilalim ng basket. Si Macky ay mabilis na b-in-ox out si Kier. Masyado ngang madikit iyon, dahilan upang hindi ito malabanan ni Kier.

Isang malakas na tunog nga ang umalingawngaw sa buong court nang makuha ni Macky ang rebound. Mabilis nitong inilabas ang bola mula sa painted area at pagkatapos ay mabilis niya iyong din-rive patungo sa basket. Dinipensahan agad siya ni Kier at pagdating sa ilalim ng basket ay sabay na tumalon ang dalawa.

"Wala iyan," sambit ni Kier. Ngunit biglang iniikot ni Macky ang bola habang nasa ere. Isang reverse lay-up ang ginawa nito. Kasunod din noon ay bumagsak ito sa sahig ng court at ang bola... tila kumayap naman iyon papunta sa basket.

Ang mga manonood ay hindi nga maiwasang humanga sa nakita nilang iyon.

Itinayo naman ni Kier si Macky. Nagngisian ang dalawa at tila natapos na nga ang laro. Pumunta sila nang sabay sa kanilang gamit sa gilid ng court at agad na kinuha ang kanilang tubigan. Uminom ang dalawa upang ibsan ang pagod at hingal na dulot ng laban nilang mag-iisang oras na nilang ginagawa.

Huminga naman muna nang malalim si Ricky. Parang nahihiya siyang pumunta sa dalawa pero... Kinuha ni Ricky ang bolang nasa tapat ng basket. Naglakad siya papunta sa gilid at ibinaba ang bag niyang dala.

Naalala nga niya si Ibañez kung kaya ay napahawak siya nang mahigpit sa bola. Binitawan niya iyon, pinatalbog at pagkatapos ay dumiretso siya patungo sa basket.

"Kaya ko ring pumuntos..." Nang malapit na siya sa basket ay doon na siya tumalon at ginawa ang isang lay-up.

May ilang tumawang manonood nang makita ang sunod na nangyari. Bumangga sa ilalim ng ring ang bola at mabilis na bumalik kay Ricky. Diretso iyon sa mukha nito. Napaupo na nga lang si Ricky at napahimas sa mukha. Napatingin din siya sa paligid at doon na nga siya nakaramdam ng hiya.

"Bakit ka nandito? Akala ko, manonood ka ng laban ng CU at SA?"

Napatingin si Ricky sa kanyang harapan, si Macky iyon.

"Hindi naman importante kung sino ang mananalo sa kanila..."

"Bumalik na lang ako rito para mag-practice. Gusto kong mas matutong mag-basketball..." wika ni Ricky habang nakatingin sa bola sa kanyang harapan. Isang kamay naman nga ang dumampot doon, si Kier.

"Mendez, one-on-one tayo..." seryosong wika ni Kier sa binata.

Napatingin naman si Ricky sa paligid. Marami na ang nanonood at isa pa, alam niyang wala siyang laban kay Kier. Isa pa rin sa sumagi sa isip niya ay pagtatawanan lamang siya ng mga makakakita kung tatanggapin niya ang hamon nito.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now