Bola 47

1.9K 198 26
                                    

CHAPTER 47

NAGKAROON nga ng bali ang ilong ni Ricky at namaga rin ang parteng gilid ng kanyang mata dahil sa dalawang suntok na tinamo niya. Tila raw may suot na kung ano sa kamao ang lalaking sumuntok sa kanya na naging dahilan upang mangyari iyon.

Si Ricky nga ay nakatulala lang sa puting kisame ng ospital na hindi makapaniwala sa nangyari sa kanya. Kanina lang kasi ay masaya siyang naglalakad dahil nanalo sila, pero ngayon, heto na siya at may benda na ang mukha niya. May ilang tinahi rin ang doktor sa mukha niya kanina nang lapatan siya ng lunas nito.

Nararamdaman pa rin nga ni Ricky ang kirot ngunit hindi na ito katulad kanina. Ito'y dahil may inilagay na rin sa kanyang gamot upang mabawasan ang sakit nito. Ang sabi ng doktor ay mga ilang araw raw muna siya dapat sa ospital para mamonitor siya. Mabuti na lang daw at walang damage sa mata siyang natamo. Kumbaga, maswerte pa rin daw siya... kahit para kay Ricky ay parang hindi.

Medyo madilim ang paningin ni Ricky nang sandaling iyon. Medyo hirap pa kasi siyang imulat nang maayos ang kanyang mata. Ang kanyang magulang naman ay tinanong siya kung ano'ng nangyari. Doon nga ay sinabi niya ang buong naganap sa dinaraanan niyang shortcut.

Ipinaalam na rin nila iyon sa pulis at tila mahihirapan nga lang ang mga ito dahil wala palang CCTV na nakalagay sa dinaanan ni Ricky.

"Nasanggi mo lang pero iyan na agad ang ginawa sa iyo?" May kataasang boses na tanong ng kanyang ama sa kanya. Halata nga sa mukha nito ang labis na pag-aalala sa anak kanina pa.

"H-hindi ko rin po alam. Bigla na lang niya akong sinuntok..." sagot ni Ricky na may kahinaan ang boses.

"Sa susunod, huwag ka ng dadaan doon," dagdag pa nito at si Ricky naman ay hindi na nagsalita matapos iyon.

Kapag nakita raw uli ni Ricky ang nakasalubong niyang iyon ay kanyang maaalala raw kung ito iyon. Kaso, wala rin naman siyang ideya kung kailan niya iyon makikitang muli. Isa pa, parang may impact din sa kanya ang nangyaring ito. Ngayon lang niya kasi ito naranasan at ni minsan ay hindi niya naisip na may gagawa ng ganito sa kanya.

"Magpahinga ka muna... Naipagpaalam ka na namin sa CISA," sabi ng kanyang nanay na hawak-hawak ang kamay ni Ricky habang pinagmamasdan ito.

"Nangyari na... Wala na akong magagawa," sabi na lang ni Ricky sa kanyang sarili at pumikit na lang siya para hindi maisip ang nangyari sa kanya.

Samantala, si Andrei ay kaagad na kinuha ang susi ng kanilang sasakyan para puntahan si Ricky. Kakakuha lang din niya ng kanyang driver license kaya pwede na siyang magmaneho.

"A-ano raw ang nangyari kay Ricky?" Mahahalata naman sa mukha ni Andrea ang pag-aalala na mabilis na nagbihis para sumama sa kapatid niya.

"Sabi ng nanay niya, may kumursunada raw. Sa ospital na lang natin alamin," sabi ni Andrei na binuksan ang sasakyan at sumakay sa loob nito. Binuksan na rin ng yaya nila ang gate dahil lalabas sila.

"Dadaanan muna natin sina Mike at Roland," dagdag pa ni Andrei na ini-start na ang sasakyan.

Si Andrea nga ay napahawak nang mahigpit sa kanyang phone. Nag-send pa nga siya ng message kay Ricky para kumustahin ito, ngunit hindi online ang binata. Inisip na lang niya na sana ay okay lang ito. Makikita nga talaga sa itsura nito ang pag-aalala magmula nang sabihin ng kanyang kapatid ang nangyari rito.

Lumabas na nga mula sa gate ng bahay nila ang sasakyan nina Andrei at doon na nga ito umandar palayo.

Si Reynan naman ay tinawagan kaagad ang mga kasama sa CISA nang malaman mula sa kanilang coach ang nangyari kay Ricky. Hindi na nga ito nagdalawang-isip na magpalit ng damit, upang puntahan kaagad ang kanyang kaibigan.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu