Bola 57

1.7K 251 74
                                    

CHAPTER 57

53-68.

SERYOSONG bumalik sa loob ng court si Ricky. Tanging ang pagbawi kay Ibañez ang nasa isip niya. Ayaw nga niyang matapos ang game na ito na hindi niya ito natatalo. Ayaw niyang matalo sa taong ito! Sisiguruhin niyang sa oras na matapos ang game ay matatalo niya ito.

Nagpatuloy na ngang muli ang game at sa CISA ang possession ng bola. Nanatiling maingay rin ang loob ng court dahil sa walang tigil na cheer mula sa CU supporters.

Pagkasambot ni Kier sa bola ay seryoso niyang pinagmasdan si Ricky na binabantayan na ni Ibañez. Naalala nga niya ang pagpupursige nitong maglaro ng basketball kahit hindi pa marunong. Naalala niya ang mga laro kung saan ay ginigising nito ang laro nila kapag tila matatalo na.

Alam ni Kier na tao lang din si Ricky. Isa pa, kung totoo man na si Ibañez ang may pakana ng pagkakasuntok dito dati... Wala siyang dahilan para pagbawalan si Ricky sa kagustuhan nitong bantayan si Karlo.

Pinagmasdan ni Kier si Rommel. Doon ay isang mabilis na pagtakbo pakaliwa ang kanyang ginawa upang sumunod ang kanyang defender.

Wala si Kier dahilan para mapagod. Ibibigay niya ang buong lakas niya hanggang sa matapos ang game na ito.

Nagulat nga ang crowd nang biglang nag-step-back si Cunanan papunta sa kanan niya. Hindi nga iyon nakita ni Rommel dahil biglaan iyon.

Tumalon si Kier at pinagmasdan ang basket. Matagal na nga siyang naglalaro ng basketball at hindi na rin biro ang kanyang kasanayan sa larong ito. Isa pa, gusto rin niyang pumuntos para sa team. Gusto niyang samahan ang mga ito na manalo. Gusto niyang manalo para kay Ricky Mendez! Gusto niyang talunin ang team ni Ibañez!

Isang fade-away three point shot iyon at napakaganda ng porma ng tira ni Cunanan. Pinakawalan niya ang bola na tila kabisadong-kabisado ang kontrol noon.

Huli na rin ang ginawang pag-block ni Rommel at ang bola ay umarko na papunta sa basket. Pumasok iyon sa ring at ang bench ng CISA ay napatayo mula sa pagkakaupo. Ang supporters nila ay napasigaw sa sobrang saya dahil nakapuntos kaagad sila.

56-68! Pagkapasok noon ay mabilis namang nagsitakbuhan ang CISA para dumipensa kontra sa CU.

Hiningi kaagad ni Ibañez ang bola at pagkapunta sa side nila ay mabilis itong binantayan ni Mendez.

Inobserbahan ni Ibañez ang mga kakampi niya at napansin niya ang paghigpit sa depensa ng kanilang katunggali. Tiningnan niya si McHenry at tila nagka-intindihan sila. Tumakbo palapit sa kanila ni Mendez iyon para magbigay ng screen.

Bumangga si Ricky sa katawan ni McHenry nang subukan niyang habulin si Ibañez. Kasunod din noon ay mabilis na lumampas si Karlo rito.

Napa-cheer ang home crowd nang makita iyon. Wala ngang nagawa si Reynan kundi habulin ito. Naalala niya rin ang sinabi ni Ricky na ito ang dahilan kung bakit siya nasuntok nang walang kalaban-laban. Hindi niya nagustuhan iyon.

Mabilis na dinipensahan ni Alfante si Ibañez. Dinikitan niya ito dahilan upang mapahinto sa Ibañez.

Napangisi naman si Karlo at mabilis na tumalikod para postehan ito. Muli ngang kumalampag sa loob ng gym ang CU crowd nang makita iyon.

Napangisi pa lalo si Ibañez nang makita ang paparating na si Mendez.

Isang malakas na pwersang paatras ang ibinigay ni Ibañez kay Alfante. Kasunod noon ay ang biglaan nitong pagtalon palayo mula rito. Hinarapan nito ang basket at nagpakawala ng isang fade-away jumper.

Mabilis naman na tumalon si Mendez na nasa likuran na nito at ganoon din si Alfante na sinubukang maharangan ang gagawin nito. Pero isa lang pala iyong fake shot mula kay Ibañez. Bigla nitong ipinasa ang bola patungo kay McHenry na tumatakbo sa tabi nilang tatlo.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now