Bola 78

1.6K 227 26
                                    

RAMDAM sa bench ng CISA ang kaseryosohan pero naisip ni Reynan na bilang team captain, kailangan niyang ibalik ang competitive mode ng kanyang mga kasamahan. Pinalakpakan niya ang kanyang mga kasama at tiningnan isa-isa.

"Babalik si Ricky! Isa pa! Malakas na ang team natin. Hindi lang si Ricky ang nag-improve mula noong game 1--" sambit ni Reynan at tiningnan niya ang lahat.

"Lahat tayo ay nag-improve kaya ipakita natin sa kanila kung gaano tayo kalakas!" Malakas na sabi ng CISA's team captain at napangiti nang bahagya ang ilan sa mga naroon.

Tumayo na si Macky at Kier. Nagbanat ng braso at minasahe ang kani-kanilang mga hita. Parang nagsasabing may ipapakita sila sa pagpapatuloy ng laro. Tumayo na rin si Rodel, malakas na ang team nila ngayon at mas lumakas pa siya kaya mas pagbubutihin pa lalo niya ang kanyang paglalaro.

"Team! Sa darating na semis-- ipapakita natin na malakas tayo, kaya talunin natin ang SA! Hindi na tayo dapat panghinaan ng loob dahil hindi na tayo ganoon! Malinaw ba?" Malakas na sabi ni Coach Erik at isang malakas na "Yes Coach!" ang ibinulalas ng buo niyang koponan.

Si Arnold Cortez ang pumasok sa laro dahil sa pagkawala ni Ricky Mendez. Sa muling pagpapatululoy ng laro ay sinambot na nga niya ang bola mula sa inbound pass ni Rodel.

Si Macky, dinipensahan na kaagad ni Reynold.

"Pre, hindi sinadya ng teamate ko ang nangyari kay Mendez. Sayang, nagulat ako sa ginawa niya kaninang reverse," sabi ni Reynold sa binata habang dinidepensahan niya ito.

"Alam ko. Pero huwag kang mag-alala. Tatlong taon mo akong tinalo sa CBL-- Ngayon, puputulin ko na ito," seryosong winika ni Macky na ikinaseryoso ni Reynold.

Si Macky, mabilis na tumakbo upang takasan ang depensa ni Reynold.

Si Reynold Martinez ay ang kanyang kababata na sa Maynila rin nakatira noong doon siya nakatira. Magkasama sa team ang dalawa noong highschool dahil magkaklase sila roon.

"Tatlong taon kitang hindi nakitang maglaro na kagaya nang nasa Maynila tayo," sabi ni Reynold habang seryosong hinahabol si Macky.

"Masaya akong bumalik ka na..."

Alam ni Reynold ang isa pang rason kung bakit naglaho ang laro ni Macky sa nakalipas na tatlong taon. Kilala niya ang kaibigan. Napaka-compitetive nito at masaya palaging naglalaro ng basketball.

Naalala pa nga niya nang nasa elementary sila, dito niya ito unang nakilala. Dahil sa basketball!

Gumulong ang bola papunta sa tapat ng mga paa ng isang batang kapareho ni Reynold ng grade at edad. Kasalukuyan siyang naglalaro sa tapat ng kanilang bahay. Pambata pa ang gamit niyang bola noon at ang taas ng basket ay iyong akma lang din sa kanyang edad at tangkad.

Dinampot ng batang iyon na kapitbahay lang din pala niya ang bola at nginitian siya nito.

"Laro tayo!" Masaya nitong alok at napangiti ang batang si Reynold.

Magmula noon, ang dalawang bata ay nagkaedad hanggang sa umabot sila sa pagiging high school. Kapwa sila magaling maglaro. Pero mas nakikita ang talento ni Macky kumpara sa kanya.

"Bro, ang galing ng ginawa mong buzzer beater kanina. Tayo pa nga ang nanalo," sabi ni Reynold sa kaibigang si Macky. Kasalukuyan silang papaakyat sa sakayan ng LRT.

"Tss. Ayos kasi ang ginawa mong steal. Kung hindi mo naagaw ang bola, baka natalo tayo," wika naman ni Macky habang sinasabayan ng dalawa ang pag-akyat ng maraming tao sa pataas na hagdan sa terminal.

Kahit na paulit-ulit na pinupuri ni Reynold si Macky noon-- patuloy naman si Macky na kinikilala ang kanyang mga ginagawa.

Aminado si Reynold, naiinggit siya sa atensyong nakukuha ng kanyang kaibigan mula sa mga manonood. Gusto rin niyang makilala ng lahat-- Na magaling din siya.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now