Bola 86

1.4K 199 71
                                    

ILANG minuto ang lumipas sa unang quarter ng laro. Nanatiling dikit ang score ng magkalabang koponan. Nanatili ring maingay ang buong coliseum dahil sa init ng labang nagaganap.

Apat na minuto bago tuluyang matapos ang unang quarter ay tumawag na si Coach Erik ng time-out. Iyon sa dahil nakikita niyang pagod na ang kanyang starting 5. Full-court press ang ibinibigay nila sa DWCC kaya mapapagod talaga ang mga ito.

24-25 ang score, lamang ang DWCC. Nang sandaling iyon at pawisan at medyo hinihingal sina Macky sa pagbalik ng mga ito sa bench. Pagkaupo ng lima ay mabilis na nagsi-inom ng tubig ang mga ito.

Si Rodel, pagod na pagod dahil sa pagbabantay kay Williams. Si Reynan naman ay ganoon din, si Comia ay may outside shooting kaya napipilitan siyang iwanan ang ilalim ng basket.

Si Kier, nasasabayan niya si Troy ngunit, malikot ito kaya wala siyang ibang choice kundi ang habulin ito palagi. Si Benjo Sy naman ay halos himatayin sa pagod sa pagbalik nito sa bench. Masaya itong nagawa ang trabahong depensahan si Xi, ngunit kapalit din noon ay ang pagod na tila ngayon lang niya naranasan.

Si Macky naman ay napagod din pero kinakalmahan lang niya ang kanyang sarili. Sa lumipas na mga minuto ay pinilit niyang magtimpi sa pang-aasar ni Trey sa kanya. Pero ayaw pa niyang magpahinga-- isa pa, dikit ang laban at habang siya ay nasa loob, may laban sila kontra sa malakas na koponang kanilang kalaban.

Sa bench naman ng DWCC, ang kambal na Agoncillo ay makikitang pawisan, pero hindi pa pagod ang dalawang ito. Si Harvey Williams ay ganoon din na kasalukuyang umiinom ng tubig.

Si Comia at Xi naman ay pawisang-pawisan na rin at ang dalawang ito ang pinakapagod sa lima.

Si Coach Rhodora ay napatingin sa bench ng CISA.

"Sa oras na mapagod ang starting five mo Erik, wala kang choice kundi gamitin ang reserves mo. Naalala ko nang kalaban ninyo ang CU-- Walang naglaro ni isa sa mga reserves mo," sabi ni Coach Rhodora na napatingin sa dalawa niyang malalaking defender na nasa bench.

"Mike and Xei Pen... Take a rest for now," wika ni Coach sa dalawa.

"Cordova, Hernandez! Mag-ready na kayo. Papalaruin ko kayo!" Sabi pa nito at mabilis na sumagot ang dalawa. Binubuo ang DWCC reserves ng mga magagaling na defenders. Sa koponang ito, nasa starting 5 ang mga talagang pumupuntos na kapag hinaluan ng mga reserba nila ay nagiging balanse ang mga naglalaro.

May opensa at depensa!

"Ricky, maglalaro ka na!" Wika ni Coach Erik at si Ricky ay mabilis na tumayo at nagbanat ng mga braso't binti. Kasabay noon ay ang pag-ingay ng kanyang mga taga-hanga sa bench.

Si Macky ay tumayo na rin para sa pagpapatuloy ng laro ngunit biglang nagsalita si Coach Erik.

"Magpahinga muna kayo... Ang mga bench players ang ipapasok ko!" sambit ng coach dahilan upang mapaseryoso si Macky at Kier.

Si Reynan ay naisipang magsalita, ngunit bago pa man bukas ang kanyang bibig ay nakita niya ang kaseryosohan ng kanilang coach nang mga sandaling iyon.

Isa itong malaking sugal para sa coach ng CISA-- Pero hindi lang lilima o aanim ang kanyang mga players. Alam niyang malakas na team ang kanilang kalaban, pero paano matututo ang mga bench players niyang ang ilan ay nasa team pa rin sa susunod na taon?

"Inaasahan ko ng kokontra kayo, pero ako ang coach ninyo. Kung ano ang desisyon ko ay sana ay respetuhin ninyo," seryosong winika ni Coach Erik na nagpayuko kay Macky at Kier. Napaupo nga muli ang dalawa at humingi ng sorry sa kanilang coach.

Seryosong pinagmasdan ni Coach Erik ang mga bench players niya.

"Kinakabahan ba kayo? Marco, Raven, at Troy?" Tinanong ni Coach Erik ang tatlong 3rd year niyang mga players.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon