Bola 36

2.2K 199 30
                                    

CHAPTER 36

LINGGO ng umaga. Maaga na namang nagising si Ricky para sa nakagawian niyang practice sa basketball court na malapit sa kanilang bahay. Tulad nga ng mga madalas mangyari, ay siya ang nauuna rito dahil madilim pa lang ay naglalaro na siya. Ilang araw na rin nga niyang nakakalaro si Rodel rito, ang kanilang back-up center ngunit sa araw na ito ay wala ito. Iyon ay dahil maaga itong pupunta sa palengke para tulungan ang magulang nito na nagtitinda ng gulay roon.

Pagkatapos nga ng halos walang tigil na dribbling at shooting, si Ricky naman ay sandaling namahinga sa gilid. Napaupo nga siya at hinawakan ang bola, pagkatapos noon ay napatingin na rin siya sa kawalan. Bigla kasi niyang naalala si Mika. Kahit nga ayaw niya itong isipin ay bumabalik ito sa kanyang utak. Ilang araw na rin nga niyang hindi ito nakikita. Ni wala rin ito sa practice ng cheerdancer ng CISA. Ang tanging narinig nga niyang dahilan, ay may sakit daw ito at nagpapagaling. Ayaw niyang mag-alala ngunit hindi niya maiwasan, lalo't nang huli niya itong makita ay alam niyang may dinadala itong mabigat sa dibdib nito.

"Akala ko ba p're, magmo-move on ka na kay Mika?" tanong ni Roland sa kanya habang naghihintay sila ng professor sa loob ng classroom nila noong Friday.

Iyon din ang tanong ng dalawa niyang kaibigan sa kanya matapos sabihin ni Ricky na nagkausap sila ni Mika noong isang araw... at nasabi niyang parang malungkot ito.

"Baka break na sila ni Ibañez?" biglang sabi naman ni Andrei na sinigundahan naman ni Mike.

"Oo nga p're? Alam mo ang babae, kapag may lovelife iyan... Makikita mo na masaya sa mata. Kung makikita ko siya ay baka masabi kong malungkot talaga si Mika," dagdag pa ni Mike na umupo sa katabing silya ni Ricky.

"Baka naman may problema lang sila. Imposibleng mag-break iyon. Kakasimula pa lang pati nila," sagot naman ni Ricky na biglang inakabayan ni Andrei.

"So, concern ka kay Mika? Mahirap talagang kalabanin ang first love? Hindi ba?" wika nito at inasar pa si Ricky ng mga kaibigan niya.

"H-hindi naman sa ganoon. B-basta! Wala ito p're. Si Mika... Wala na siya. Hindi ko na siya dapat pang abalahin. Nasabi ko na pati sa kanya ang nararamdaman ko. Kaya okay na kami noon," ani Ricky na may kasamang ngiti sa kanyang mga kaibigan nang oras na iyon.

"Ulul!" wika ng tatlo sabay tawa sa sinabi ni Ricky.

"First love... Never dies!" dagdag pa ni Mike at si Ricky ay natawa na lang na hindi.

"Mga gago kayo! Hindi totoo iyan. Tingnan ninyo!" wika naman ni Ricky at dumating na nga ang teacher nila, dahilan upang magsibalik sila sa kanilang mga upuan.

Si Ricky naman ay mabilis na kinuha ang kanyang notebook na sinusulatan mula sa kanyang bag at pagkatapos ay binuklat iyon. Habang nakatingin nga siya sa papel noon ay bigla niyang naalala si Mika dahilan para mapailing siya.

"Wala na siya Ricky... Okay na! Okay na!" sabi ng binata sa sarili.

Napatayo nga si Ricky at pinatalbog ang bola. Napatingin din siya sa basket. Sa pagkakataong ito ay ayaw niyang isipin si Mika. Ang gusto lang daw niya ay ang mas maging matuto sa basketball. Gusto niyang makatulong sa team nila, lalo na nga sa sunod na game kung saan ay kulang sila. Isa pa, inaalala niya ang hindi magandang lakad ni Macky. Hindi siya sigurado pero parang may hindi maganda sa kabilang paa nito.

Ilang araw na nga siyang nagpa-practice ng dribbling at shooting. Hindi nga niya namamalayan na naa-adopt na niya ang basics nito. Kung sa simula ng pagsali niya ay katawan niya ang pinapalakas niya... Ngayon naman ay ang paghawak naman sa bola. Kailangan na lang daw niyang masanay sa pagdadala nito. Ang shooting? Tila hindi naman ito magiging madali pero dahil sa exercise na ginagawa niya palagi sa kanyang mga bisig at binti ay pwedeng magbigay ito ng magandang pagpulso at pwersa sa bola. Ang tanging kailangan na nga lang niya ay ang tamang pagtantya sa bawat tira niya rito. Hindi ito mabilisan, subalit kapag magpapatuloy ito... ay baka hindi mamalayan ni Ricky na gumagaling na rin siya dahil sa sarili niyang pagsisikap. Pinagpaguran nga niya ang talentong kanyang natutunan. Pinaghirapan niya ang abilidad na ito sa basketball, hindi dahil marunong na siya nito, kundi dahil pinag-aralan niya ito.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now