Bola 45

1.9K 209 18
                                    

CHAPTER 45

CALAPAN University.

NANG matapos ni Andrea ang kanyang dalawang subjects ay agad siyang pumunta sa school cafeteria. May dala nga siyang paper bag kung saan ay laman noon ang kanyang jersey. May practice kasi sila mamaya sa gymnasium. Magkakaroon kasi ng Sports Fest next week ang university at kasali siya sa mga players ng basketball na magre-represent ng kanyang department.

"Andrea!" Isang boses nga ang tumawag sa dalaga matapos siyang umupo sa isang bakanteng mesa sa may parteng gitna ng lugar.

Si Arlene ito, isa sa mga kakampi niya na magre-represent ng kanilang department, ang AB department.

"Arlene! Upo ka!" ani agad ni Andrea nang makita ito na may dalang pagkain. May dala rin itong paper bag na may laman ding jersey.

"Meryenda muna tayo bago pumunta sa gym..." ani Andrea matapos niyang buksan ang nakabalot na burger na kanyang binili. Kumain nga ang dalawa at pagkatapos ay biglang nagsalita si Arlene.

"Last placer na naman sigurado tayo sa basketball girls..." ani Arlene matapos uminom ng softdrinks.

Napangiti naman si Andrea nang marinig iyon. Never pa kasi siyang nanalo tuwing Sports Fest sa basketball. Sa nakalipas nga na dalawang taon ay naka-set na ang mind niya na para lang ito sa curriculars. Para lang masabing may participants ang kanyang department. Isa pa, officer din kasi ang dalaga sa departamento nila, kaya medyo nagpapaka-active siya sa mga events na tulad nito.

"Hindi na ako nag-e-expect na mananalo tayo..." pabiro pang sabi ni Arlene na katulad ni Andrea ay third year student din.

Big fan si Andrea ng basketball, kaya masaya siyang maglaro nito. Kaso, katulad ng kausap niya, hindi na rin siya umaasa na mananalo dahil pagdating sa basketball ay talo palagi ang kanilang department. Kaso, ngayong darating na sports fest ay tila iba ang mentality ng dalaga.

Napatingin nga si Andrea kay Arlene at nginitian ito.

"Bilog ang bola... Malay mo, we can get atleast one win? Walang masama kung gagalingan natin?" wika ni Andrea sa kaibigan.

Napatingin si Arlene sa dalaga. Iba nga raw ang ngiti nito nang sinabi nito iyon.

"Iba ang smile mo? Inspired kang maglaro?" biglang naitanong ni Arlene dito. Naglaho naman bigla ang ngiti ni Andrea nang marinig iyon. Umiling siya pero biglang lumitaw sa isip niya si Ricky nang hindi inaasahan.

"Hindi! Wala!" sagot kaagad ni Andrea, samantalang si Arlene ay napangiti na lang.

"Nakita kita dati sa mall. May kasama ka?" may lamang sinabi ni Arlene sa kaibigan. Doon nga ay napansin na naman niya ang pag-iba ng timpla ng itsura ni Andrea. Natatawa na nga lang siya dahil nababasa niya kaagad ang kaibigan. Hinihintay na nga lang niya itong magsabi sa kanya.

"K-kailan? Wala kaya?" ani Andrea na tinawanan naman ng kaibigan niya.

"Inspired ka... Kahit hindi ka magsabi. Hinihintay lang kitang magkwento sa akin," wika pa ni Arlene na pasimpleng nginitian ang kaibigan. Pagkatapos nga ay inayos na nito ang dalang paper bag. Tumayo na ito at niyaya ang kaibigan na papunta na sa gym. Sa ngayon kasi ay sila ang pinayagang mag-practice doon, base sa schedule.

Napangiti na nga lang si Andrea. Tumayo na rin nga siya at sinabayan ang kaibigan.

"Inspired nga ako... Kay Ricky Mendez..." mahinang winika ng dalaga na naging dahilan upang tila kiligin ang kaibigan niya.

"Sabi ko na nga ba!" masiglang wika ni Arlene na inakbayan bigla si Andrea.

"Inlove ka na niyan?" mahinang tanong pa nito na ikinapula ng mukha ni Andrea.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now