Bola 55

1.9K 204 52
                                    

CHAPTER 55

TAHIMIK lang na umupo sa bench si Karlo nang matapos ang first half. Nakakaramdam nga siya ng pagod na makikita sa kanyang paghingal. Mabilis nga siyang uminom ng tubig matapos iyong iabot ng isa niyang kasamahan. Ininom niya kaagad iyon at pagkatapos ay tumingin sa scoreboard sa itaas.

Napahigpit siya ng pagkakahawak sa tubigan na kung malambot ay siguradong mapipisa iyon. Kaso bigla na lang ding may tumapik sa kanyang balikat nang mga sandaling iyon.

"Okay lang iyan, idol..."

Sinabi iyon ng katabi niyang player na may numero na 1 sa likod ng jersey nito.

"Sa basketball, hindi lang naman opensa ang basehan ng pagiging number 1. Hindi rin sa depensa..."

"Hindi ba ikaw ang nagsabi sa akin na para maging magaling, kailangang gumamit ng utak? Diskarte?" dagdag pa nito kay Karlo.

Kumalma ang naiinis na si Ibañez nang marinig iyon mula sa kanyang katabi. Ito ay ang rookie nila ngayong season. Wala pa itong naiilaro magmula nang magsimula ang CBL. Palagi lang ito sa bench at palaging nanonood. Hindi ito naghihintay na ipasok ng kanilang coach, bagkus, alam niya kung kailan talaga siya maglalaro.

"Oras na yata para maglaro ako idol? Hindi kaya?" winika muli ng katabi ni Karlo na nagsimula nang ayusin ang pagkakatali ng sintas ng sapatos. Tumayo na rin ito upang mag-warm-up.

"Oras na nga siguro Ken. Natalo ako ni Romero sa one-on-one... pero hangga't hindi niya natatalo ang ating team... Walang silbi ang ginawa niyang iyon." Napangisi na lang silang dalawa. Alam ni Karlo na hindi agad siya dapat ma-frustrate dahil nasa CU siya. Sila ang pinakamalakas na team sa CBL!

Sa bench naman ng CISA, ay napagod nga si Macky sa ginawa niya kanina. Kailangan niyang makipagsabayan kay Ibañez dahil kung hindi ay siguradong lalamunin siya nito ng buhay sa loob ng court. Isa pa, hindi pa siya dapat magpakakampante hangga't hindi natatapos ang laro.

"Macky, magpahinga ka muna ng ilang minuto?" winika ni Coach Erik dito. Nakikita niya kasi ang pagod ni Romero matapos ang second quarter at kung palalaruin niya kaagad ito ay siguradong mauubusan ito ng gas pagdating ng 4th quarter.

"H-hindi pwede coach... Kahit natalo ko si Ibañez sa one-one-one... Hindi nangangahulugan na makakahabol na tayo. May tiwala ako sa mga kasama natin, pero CU ang kalaban natin... Hindi ako dapat ilabas hanggang matapos ang game. Kung gusto natin silang talunin, dapat ay stick tayo sa original line-up."

"Sa ngayon, wala sa mga reserves natin ang pwedeng pumalit sa akin. Kaya kasing pumuntos ng lahat ng players ng CU. Sa oras na may isang butas silang makita sa line-up natin... Sigurado akong gagamitin nila iyon para muli tayong tambakan..." dagdag pa ni Macky na makikita ang kaseryosohan sa mga mata. Maging ang mga bench players na nakarinig noon ay aminadong tama ito. Oo, may determinasyon sila, pero hindi iyon ang kailangan sa larong ito, sa pagkakataong ito. Dapat may kasama rin itong abilidad na ikinalamang ng kalabang team.

Natahimik si Coach at tiningnan ang kanyang mga players. Tama si Macky sa mga sinabi nito. Ang starting line-up niya ang pinakamalakas niyang player na kayang sabayan ang CU. Susugal ba siya? Papagurin ba niya ang mga ito para manalo? Nakikita niya ang pagod sa katawan ng mga ito pero wala siyang ibang pagpipilian.

"Okay lang coach kahit hindi kami makalaro. Ipinapangako naming magpapatuloy kaming mag-practice para sa susunod na game, hindi na kayo mag-aalinlangan na ipasok kami laban sa CU!" seryosong sinabi ni Ramil Reyes na pinaboran ng iba pa nitong mga kasama.

"CU ang kalaban natin dito... At alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang makipagsabayan kay Rommel Alfante..." wika naman ni Cortez.

"Ang tanging magagawa namin ay suportahan sila coach sa pamamagitan ng pagchi-cheer..." seryoso pang sinabi ng mga ito. Napangiti na lang si Coach Erik nang marinig iyon. Nagbago na nga raw ang kanyang team.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon