Bola 30

2.4K 227 48
                                    

CHAPTER 30

KARLO Ibañez.

Nasa Maynila nga siya noon, limang na taon na ang nakakalipas. Doon nga niya unang nakita si Macky Romero. Ito ay sa isang district basketball game sa isang paaralang malapit sa kanyang pinsan. Araw nga iyon ng Sabado noon. Isa pa, pwede ring manood ang kahit sinong taga-labas ng paaralan sa larong iyon, kaya nga isinama siya ng kanyang pinsan dahil alam nga nito na naglalaro rin siya ng basketball.

Pagkapasok ni Karlo sa loob ng gymnasium ng school ay napansin niyang napakarami ng manonood. Second game pala ito para ng Finals ng tournament. Sinabi nga ng kanyang pinsan na nanalo ang kalaban nilang school sa Game 1.

"Masyadong malakas si Romero, pinsan. Walang makapigil sa kanya." Iyon ang sinabi sa kanya nito.

"Romero? Malakas bang maglaro iyon?" napapaisip na tanong ni Karlo na agad ngang tiningnan ang bench ng kalabang school.

"Oo insan! Siya ang pinakamagaling na player dito sa district tournament. Binansagan nga siyang Silent Mamba!"

"Siya insan ang may number 24 na jersey..." Sabay turo ng pinsan ni Karlo sa isang player na nagpa-practice shooting.

Napaseryoso si Karlo nang makita ang sinasabi ng kanyang pinsan. Nakita niyang mas matangkad siya rito. Alam nga ni Karlo na magaling siya, dahil lagi nga silang panalo sa Calapan. Pero napapaisip siya sa player na itinuro ng kanyang pinsan. Isa pa, ang bansag dito ay parang kagaya ng bansag sa isang magaling na NBA Player.

Doon nga ay nagsimula na ang game. Pagkatunog pa lang ng silbato ng referee ay siyang pagkalampag agad ng mga taga-suporta ng magkabilang koponan. Sa unang mga minuto nga ay naging madikit ang laro ngunit nang si Romero na ang nagdesisyong magbaba ng bola para sa koponan nito ay... doon ay nabago ang takbo ng laro.

Si Karlo nga ay hindi maiwasang mapabilib sa mga napanood niya. Nagagawa ni Romero na lusutan ang defender nito kahit dalawa pa ito. Isa pa, ang fade-away at shooting skills nito... Halatang tantyado at halatang hindi magmimintis. Bihasa raw yata ito sa ganoong mga galawan. Isa rin nga sa nakita ni Karlo ay ang hustle nito at ganoon din sa pagdepensa. Isang 2-way player nga si Romero. Kaya nitong pumuntos at kaya ring dumipensa. May ball handling skills at may taglay ring bilis.

Napakuyom na nga lang si Karlo nang matapos ang larong iyon. Hindi nga niya akalaing makakakita siya ng isang player na kaedad niya na ganito na agad maglaro.

Panalo nga ang team ni Romero at ito rin ang nagkampeon.

Akala nga ni Karlo ay iyon na ang una't huling pagkikita nila ng player na iyon... Ngunit nabigla siya nang makita niya ito sa opening ceremony ng CBL, apat na taon na ang nakakalipas. Hindi nga siya maaaring magkamali... Ang player na nasa winless team na CISA ay si Macky Romero.

Highschool pa nga lang ay sikat na si Karlo sa Calapan. Lalo na nga nang pumasok na ito sa CU. Ni hindi na nga siya pinag-try out dahil pasok na kaagad siya sa team. Para nga siyang VIP sa paaralang iyon nang siya ay maging varsity player. Pero magkaganoon man, hindi naalis sa isip niya ang player na si Macky Romero. Hindi niya makalimutan ang araw na napanood niya ito. Kaya naman sa opening ceremony noon ng CBL ay lakas-loob niya itong nilapitan.

"Yow!" pambungad ni Karlo sa player na may number 24 sa jersey. Tiningnan lang naman siya ni Macky at pagkatapos ay umalis na parang wala lang.

Gusto nga ni Karlo na makipagkilala rito pero parang naging yelo siya sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam pa rin niya ay mas magaling sa kanya si Macky Romero. Ang mas ikinakaba nga niya ay napunta ito sa CISA, na alam naman ng lahat na winless team at laging kulelat.

Doon nga rin niya naisip na posibleng gulatin ng CISA ang CBL dahil kay Romero. Naisip din ni Karlo na posibleng maging karibal niya ito sa Calapan. Iyon nga ang naging dahilan kaya sinubaybayan niya ang mga laro ni Macky Romero.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now