Bola 20

2.6K 168 21
                                    

CHAPTER 20

77-80! May natitira na nga lamang na tatlumpung segundo at apat na minuto bago matapos ang laro ng CISA at CLCC. Lamang pa nga rito ang CLCC, ngunit nakagawa ang Flamers ng limang puntos at wala silang nagawang sagot kontra rito. Iyon nga ang naging dahilan upang tumawag si Coach Wilson ng time-out.

Seryosong tingin ng coach ng CLCC ang sumalubong sa mga nagpunta sa bench niyang mga players. Hindi nga niya maisip kung paanong ang isang player na hindi naman pumupuntos ay makakagawa ng impact sa game na ito. Tila namimiligro raw tuloy ang iniisip nilang sure win kung magpapatuloy ito.

"Gumising kayo! Nasaan ba ang mga isip ninyo?" medyo may inis na tanong ng coach sa kanyang mga hinihingal na players.

Si Castillo naman ay mabilis na uminom ng tubig at seryosong tiningnan ang buong team.

"Hindi tayo matatalo! Kasama ninyo ako! Ako ang bahala!" kampante nitong winika at tumayo na kaagad pagka-inom.

"Set-up-an ninyo ng screen si Castillo. Huwag kayong tumigil sa isang lugar. Kailangang kumalat kayo. Kailangang hindi siya madikitan ng number 3 na iyon! Malinaw ba iyon?" wika nga ng kanilang coach at malamyang pagsagot naman ginawa ng mga kakampi ni Castillo.

"Ulitin ninyo! Para kayong mga hindi lalaki!" gigil na wika uli ni Coach Wilson at isang malakas na "Yes Coach!" nga ang nag-echo sa buong gym.

Samantala, sa kabilang team naman. Sinabi naman ni Coach Erik sa kanyang team na ipagpatuloy raw ang ginagawa. Sinabi rin niya na tulungan si Ricky sa depensa. Huwag din daw silang tumigil sa isang pwesto at panatilihin palagi ang pag-ikot ng players para makahanap ng butas sa depensa ng kalaban.

Nagsibalik na nga muli ang mga players sa loob. Mas nilakasan naman ng mga taga-CLCC ang kanilang sigaw at cheer. Kailangan kasi nilang ipakita sa team ng CISA na homecourt nila ito at hindi sila dapat matalo rito.

Dinala na ni Castillo ang bola at binantayan kaagad ito ni Ricky. Nang sandaling iyon, kalmado lang nga ang star player ng CLCC Hunters. Nagawa nga nitong maibaba ang bola sa side nila. Doon ay nagkatinginan din sila ng kanyang center at lumapit din agad ito. Pagkatigil nga nito ay siya namang pagdaan ni Castillo sa ginawa nitong screen.

Doon na nga naiwanan si Ricky. Doon na rin pumalit sa depensa si Alfante. Tumakbo na nga rin palapit ng basket si Dela Cruz at matagumpay ang pick-n-roll play na iyon ni Castillo. Naiwanan nga sa likuran si Mendez dahil doon.

Si Castillo naman ay bahagyang tiningnan ang mga kakampi sa paligid. Kasunod noon ay ang isang pasa patungo sa kanilang sentro ang kanyang ginawa. Pagkasambot nga nito sa bola ay tumalon din agad ito at ginawa ang isang lay-up.

"Wala iyan!" bulalas naman ni Alfante na pinilit na ma-block iyon. Umangat na nga ang bola patungo sa basket, ngunit dahil sa ginawa ni Alfante ay nagmintis ang tirang iyon ni Dela Cruz.

"Rebound!" bulalas ni Castillo.

Pagkalapag naman ng dalawang sentro ng magkabilang team ay siya namang pagtingin nila sa bolang nasa ere. Doon ay mabilis na nai-boxout ni Dela Cruz ang team Captain ng CISA.

"Hindi..." Pinilit pa nga ni Alfante na labanan iyon ngunit hindi na niya nagawa. Naunahan na nga siya sa pwestuhan. Tumalon na si Dela Cruz at dinakot nito mula sa ere ang bola.

"Pasa!" sigaw naman ni Castillo nang makita si Ricky na papalapit sa center nila.

Mabilis ngang nasambot ni Xander ang bola. Isang pagpapatalbog dito ang kanyang ginawa, at pagkatapos ay tumalon na siya palapit sa basket. Doon ay naipasok nga niya ang isang lay-up at dumagundong ang nakakabinging hiyawan sa loob ng court matapos iyon.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now