Bola 18

2.6K 153 22
                                    

CHAPTER 18

TILA napagod ang mga players ng CLCC nang bumalik ang mga ito sa bench nila. Kasisimula pa nga lang ng laban, ngunit ang mga biglaang pangyayaring ginawa ng CISA ay tila nagpatamlay sa mga players nito.

"Gising team! Ganito rin ang nangyari last time, may oras talaga na nakakahabol sila... Pero tandaan ninyo. Sila ang winless team. Hindi tayo dapat matalo."

"Gagamit tayo ng Small Ball Line-up. Magpahinga ka muna Dela Cruz at Marquez."

"Salazar at Miranda! Mag-ready kayo... Papasukin ko kayo."

"Kagaya last year, papagurin natin ang CISA. Sa oras na mangyari iyon ay hihina ang kanilang depensa," seryosong winika nga ng kanilang coach.

Si Ray Salazar (6'1) #13 at Mikael Miranda (5'9) #21 ay ipinasok na nga nito. Sila ang magiging center at power forward ng team sa pagkakataong ito. Dito ay muli na ngang nagpatuloy ang game at sa CLCC ang possession.

Kalmado ngang nagdi-dribble ng bola si Castillo. Dinidepensahan naman siya ni Mendez na hindi pa rin siya layuan. Sandali nga siyang bumabagal, na susundan niya nang mabilis na paggalaw. Dito nga ay hinuhulaan niya ang gagawin ng kanyang defender.

Isang dribbling nga pakaliwa ang ginawa ni Castillo. Pagkatapos nito, ay isang biglaang dribbling sa pagitan ng hita ang sunod niyang pinamalas. Pagkatapos din nito ay maliksi siyang tumakbo pakanan. Nang sundan nga siya ni Ricky ay bigla na lamang itong bumangga sa isang player ng CLCC. Si Salazar! Bumagsak tuloy si Mendez dahil sa screen na iyon.

Si Castillo naman nga ay ginamit ang pagkakataong iyon upang pumuntos. Dumiretso siya papunta sa basket. Doon ay binantayan naman siya ni Alfante. Huminto naman bigla si Castillo at isang mababang dribbling na sinundan niya ng pagpapatalbog ng bola sa pagitan ng mga paa ni Alfante ang kanyang ginawa.

Napa-cheer kaagad ang mga manonood dahil doon. Nasambot nga ni Salazar ang bola mula sa bounce pass na iyon. Doon nga ay libreng-libre ito habang nakaharap sa basket. Tumalon na nga rin ito para ilagay ang bola sa basket, subalit biglang lumitaw si Romero sa harapan nito. Sinabayan din nito ang kanyang pagtalon.

Isang malakas na tunog nga ng bolang tinamaan ng kamay ang umalingawngaw sa buong court. Isang malinis na block ang napagtagumpayan ni Romero. Pagkalapag nga rin nito ay kumaripas agad siya ng takbo patungo sa side nila. Seryosong-seryoso nga ang mga mata ng ace player ng CISA.

Nakuha naman ni Cunanan ang bola at doon na nga nagsitakbuhan ang lahat. Napasigaw agad ng defense ang bench ng CLCC na sinabayan pa ng mga taga-suporta nila.

Tila bumagal naman ang dribbling ni Cunanan at doon ay naging alerto ang bumabantay rito. Isang mababang dribbling ang ginawa rin ng ball handler na agad na nasundan ng isang pasa patungo sa likuran nila.

Nasambot nga iyon ni Romero. Isang mabilis na double-team din kaagad ang nakita niyang paparating sa kanya, kung kaya ay agad niya iyong ipinasa kay Alfante na dinadasik ang medyo maliit na bantay sa may painted area.

Pagkasambot nga nito sa bola ay isang post move ang ginawa niya. Sinandalan niya ang depensa at hindi nagpatalo sa lakas noon. Nang mapansin niyang ayos na, ay doon na nga siya tumalon. Sinabayan din nga kaagad siya ni Salazar, subalit wala itong nagawa at bigla na lamang din itong natumba. Pagkatapos noon ay walang kahirap-hirap na ipinasok ni Alfante ang bola sa ring.

Tumunog din nga ang silbato ng referee at kasunod noon ay ang pagpasok ng bola sa ring.

"Foul Number 13! Basket counted!" bulalas ng referee at kasabay noon ay ang pagsigaw ni Alfante sa ilalim ng basket.

"Mananalo kami rito!" sabi pa niya sa sarili at pagkatapos ay walang kahirap-hirap din niyang naipasok ang bonus free throw na ipinagkaloob sa kanya.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now