Bola 15

2.3K 142 26
                                    

CHAPTER 15

NGUMITI pa sa harapan ng salamin si Reynan (Alfante) habang pinagmamasdan ang suot niyang jersey. Sandali nga rin siyang napatingin sa munting altar sa loob ng kanyang silid at napadasal nang kaunti. Ito na nga ang araw ng opening ng CBL... Ang huling CBL niya dahil pagkatapos ng season na ito ay graduate na siya ng kolehiyo. Isa lang naman ang hinihiling niya, ang makapanalo ng kahit isang laro sa tournament na ito. Ilang taon na nga ba? Ito na ang ikaapat niyang season, at ni isang panalo sa nakaraang tatlong taon ay wala silang nakuha.

Ano pa nga ba ang aasahan niya mula sa paaralang laging nahuhuli sa tournament na ito?

Isang katok nga mula sa pinto ng kanyang silid ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad.

"Anak, sumabay ka na sa amin ni Rommel papuntang CU," wika ng kanyang ama. Doon na nga kinuha ni Reynan ang kanyang varsity jacket at sinuot iyon. Nakalagay nga sa likod noon ang dalawang salita.

"Team Captain."

"Sasabay na ako papa," wika ni Reynan na nagsuklay pa sandali ng buhok at kinuha na ang kanyang bag at pagkatapos ay lumabas na siya ng kanyang silid.

Sandali rin silang nagsulyapan ng kanyang kapatid na suot na rin ang varsity jacket ng CU. Napakalamig ng tinginan nilang dalawa at lumabas na nga sila papunta sa kotse ng ama. Humalik pa nga muna sila sa pisngi ng kanilang ina na binigyan naman ang dalawa ng matamis na "Goodluck."

Alam ng mga magulang nila na hindi na close ang magkapatid magmula nang pumasok sa magkaibang eskwelahan ang dalawa. Ngunit sa kabila noon, ay alam nila na mahal pa rin ng mga ito ang isa't isa.

"Good luck Rommel..." mahinang sabi ni Reynan sa kapatid na nasa likuran ng sasakyan.

Ngumiti naman nang malamig si Rommel, at makiramdam naman ang ama ng dalawa nang sandaling iyon.

"Salamat... Manalo ka na kaya kuya sa huli mong season?" tanong ni Rommel na may hindi kagandahang tono.

"Galingan ninyong dalawa..." bigla namang sabi ng kanilang ama upang putulin ang malamig na atmospera ng kanyang mga anak sa loob ng sasakyan.

"Mananalo na kami ngayon... kahit isa..." seryosong sinabi pa ni Reynan na nagpangisi sa kanyang kapatid. Pagkatapos noon ay wala ng kahit ano pang salita ang lumabas mula sa bibig ng dalawa hanggang sa makarating ang sasakyan nila sa CU.

Samantala, maaga namang dumating sa CU si Macky (Romero). Nakaupo na siya sa loob ng gym ng school, habang katabi ang isa pang player na nakasuot ng dilaw na may asul na varsity jacket.

Marami-rami na rin nga ang mga manonood sa loob. Marami na ang mga taga-CU at may ilan na ring mga taga-ibang paaralan. Nang mga oras na iyon, ay may mangilan-ngilan ding mga babaeng nag-aabang ng opening ang kasalukuyang nakatingin sa kanilang pwesto na tila kinikilig. Kahit galing sa ibang school ay sikat talaga ang player na ito. Hindi nga si Romero ang tinitingnan ng mga iyon, kundi ang katabi nitong si Reynold Martinez mula sa St. Anthony College.

"Reynold! Pa-picture!" bulalas ng isang grupo na unang naglakas ng loob na lumapit sa kanila. Hindi naman nga madamot si Reynold at pinagbigyan agad ang mga ito. Ganoon nga rin ang iba pang mga humabol.

Napangiti na nga lang si Macky nang marahan. Tuwing kasama kasi niya ang kaibigang ito ay tila hindi na siya nakikilala ng mga manonood. Pero sanay na rin naman si Macky sa ganitong sitwasyon dahil hindi naman niya gustong sumikat tulad ng katabi niyang ito.

"Mukhang wala pa si Ricky..." bulalas ni Reynold sa kaibigan nang siya ay bumalik. Si Macky naman ay tila nabibingi na dahil kagabi pa bukang-bibig ng kaibigan ang teamate niyang iyon.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now