Bola 40

2.2K 269 35
                                    

CHAPTER 40

NABIGLA ang buong bench ng CISA sa pagdating ni Kier. Si Macky nga ay nagulat din sa pagdating nito, dahilan upang mapatanggal siya ng talukbong na towel sa kanyang ulo. Si Ricky naman ay pinagmasdan ito at nahalata niyang puyat pa ito, pero natuwa rin siya dahil dumating ito.

"K-kier? B-bakit ka nandito?" tanong ni Reynan na kaagad itong nilapitan para kumustahin.

"Nalaman kong na-injured si Romero, siguro pagkakataon ko na para palitan siya sa pagiging star player ng CISA," ani Kier na kahit hindi ito kalakasan ay halatang inaangasan niya pa rin si Macky na napangisi na nga lang.

"Magpahinga muna kayo... Kami muna ng mga players na hindi pa nakakalaro ang maglalaro. Ireserba ninyo ang lakas ninyo sa pagpasok ninyo..." seryosong wika ni Kier na ibinaba na sa bench ang dalang bag at nag-warm up kaagad ito sa tabi.

Napangiti nga si Coach Erik nang makita ito. Kahit hindi man daw aminin ni Kier, ay halatang concern ito sa team niya.

"Magpahinga muna kayo Reynan, Rodel at Ricky. Si Kier muna ang magmamando ng laro."
Doon ay sinabihan na rin ni Coach ang mga players na ipapasok niya. Si Ramil Reyes ang tatayong sentro, si Troy Martinez ang magiging power forward at si Benjo Sy ang SF. Si Kier ang shooting guard at si Arnold Cortez naman ang magiging point guard.

Mapapansing maliit ang line-up na ipinasok ni Coach Erik. Small-ball nga ang gagawin ng mga ito. Napansin din nga rin ng mga taga-CCC ang pagdating ni Kier Cunanan at kilala rin nila ito, na dating player ng CU at alam nilang magaling din itong maglaro.

"Romero..." Bago pumasok sa loob ng court si Kier ay may sinabi pa nga ito kay Macky.

"Panoorin mo kung paano maglaro ang isang Kier Cunanan!"

Napangisi na lang si Macky nang marinig iyon.

"Sige! Tingnan ko ang galing mong kumag ka..." ani Macky na seryosong pinagmasdan ang likod ng jersey ni Kier.

"Kumag talaga ah..." sabi na nga lang ni Kier na inayos na ang pagkakasuot ng kanyang jersey sa shorts niya.

Si Ricky naman ay napatutok ng tingin sa pagpapatuloy ng laro. Hindi niya alam kung okay si Kier dahil sa lola nito, pero ibinigay niya ang kanyang tiwala rito.

"Tambakan ninyo sila..." sambit naman ni Coach Martin sa team niya bago magsibalikan ang mga ito sa loob ng court.

"Yesss! Coach!" bulalas ng mga ito na naging dahilan upang kalampagin ng buong CCC supporters ang loob ng gym. Nakakabingi iyon at ipinapakita nilang lahat ang lakas ng homecourt laban sa underdog team na CISA.

Tila kinabaduhan naman ang ilang players na ipinasok ni Coach Erik sa loob nang marinig ang napakalakas na cheer para sa kanilang kalaban ng mga manonood.

Napansin din nga kaagad iyon ni Kier.

"Huwag kayong kabahan... Sanayin na ninyo ang mga sarili ninyo na maglaro sa harapan ng napakaraming supporters ng kalaban..." seryosong winika ni Kier na inayos pa ang kanyang nagulong buhok. Inayos din niya ang arm band niyang itim na nasa kanan niyang braso. Galing kasi iyon sa lola niya. Napatingin din nga si Kier dito at biglang nangilid ang kanyang luha. Bago pa man nga iyon lumabas ay inagapan na niya kaagad iyon ng punas gamit ang kanyang palad.

"Para sa iyo ang laro kong ito 'La..." sambit ni Kier sa sarili at nagsimula na nga ang 4th quarter. Lumipas ang unang dalawang minuto at 68-78 na ang score.

Tila hindi nga maganda ang laro ng mga players ng CISA sa pagsisimula ng huling quarter. Napakadali ngang nalulusutan ni Zuñiga ang defender nito at sinamantala naman ni Perez ang bumabantay sa kanyang si Reyes.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now