Bola 65

1.8K 236 58
                                    

HINDI niya mapipigilan ang puso sa pagtibok nito. Wala siyang nagawa kundi sundin ito.

Bumalik sa alaala ni Andrea ang sinabi niya kay Ricky sa nakaraang laro nito. Mananatili siya rito sa ups and downs nito! Umalingawngaw iyon sa kanyang sarili habang nagpapatuloy ang laro ng CISA at SW.

Hindi na niya napigilang tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Dinala siya ng kanyang mga paa sa likuran ni Ricky. Napakuyom siya ng kamao at naalala ang nakita niya sa IG ni Clowie.

"Sorry Rio..." Ito ang nasambit ni Andrea habang naglalakad.

Binasag ng kanyang imahinasyon ang litratong nagpalungkot sa kanya noong lunes.

Ayaw niyang makita si Ricky na ganito. Ni wala siyang ideya kung bakit tila matamlay ang binata. Gusto niya itong batukan mula sa kinatatayuan niya. Gusto niya itong tanungin kung ano ang problema at ang lamya nitong maglaro.

Bahagyang napaatras si Andrea nang muling umupo si Ricky. Parang nakaramdam siya ng hiya. Bumuntong-hininga na lang siya at kinuha mula sa bag ang puti niyang towel. Inilagay niya iyon sa ulo ng binata at nakangiting nagsalita.

Isang gayumang hindi matakasan ng kanyang sarili ang hindi niya mapigilan. Sa gitna ng ingay ng paligid, isang musika ng pag-ibig ang dumadaloy sa pandinig niya nang mga oras na iyon.

Isang muling buntong-hininga.

"O-okay ka na ba? Gusto mo bang sampalin pa kita para magising ka?"

Ang kanyang dibdib ay muling dinaluyan ng mga hindi mabilang na mga daga at ang pisngi niya ay tila uminit. Hinihintay niya ang pagharap ng binata.

Ang oras ay parang unti-unting bumabagal para sa dalaga. Hindi na niya maisip ang sunod na gagawin.

Isang malungkot na mukha ba? Isang maaliwalas na Ricky? Ano ang gusto niyang makita?

Ang totoong Ricky!

Sa palingon ni Ricky ay ang siyang pagtatagpo ng dalawang mga matang tila hinintay na muling magdugtong. Aatras na sana ang mga paa ni Andrea pero nilabanan niya iyon. Nginitian niya si Ricky at muling nagsalita.

"Ano na nam---" Pero ang pagsasalita niyang iyon ay pinigil ng mga labi ni Ricky.

Nginitian ni Ricky si Andrea at bumuntong-hininga. Inalis ni Ricky ang nararamdaman niyang kung ano sa tuwing sumasagi sa isip niya si Andrea at Rio. Nasa loob siya ng court at isa siyang basketball player sa pagkakataong ito. Hindi na siya magpapatalo sa problemang walang kinalaman ang basketball.

Tumayo ang binata at lumapit sa harapan ni Andrea. Sa sandaling iyon ay paligid para sa dalawa ay napakatahimik. Tila nasa ibang lugar sila na sila lang ang tao.

"Okay na ako... No need para mag-alala ka kung bakit ako walang-gana kanina," winika ni Ricky habang pinagmamasdan si Andrea.

Gumalaw ang mga kamay ni Ricky at hinawakan sa magkabilang balikat ang dalaga.

Akala ni Andrea ay may sasabihin si Ricky pero wala. Kinuha ni Ricky ang towel na nasa ulo niya at inilagay sa ulo ng dalaga.

"Hindi ba? Sinabi ko sa iyo na magiging magaling akong player para sa iyo?"

Tumalikod si Ricky at naglakad palapit sa paparating na niyang mga kakampi.

"Magmula ngayon... Hindi na ako mada-down... Kahit na makita kitang nasa likod ni Rio..."

Ang mga huling sinabing iyon ni Ricky ay paulit-ulit na umalingawngaw sa pandinig ni Andrea. Unti-unti iyong in-absorb ng kanyang utak hanggang sa isang malakas na kabog sa kanyang dibdib ang kanyang naramdaman. Namula nang dahan-dahan ang pisngi ni Andrea at napayuko.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now