Bola 81

1.8K 148 78
                                    

PUMASOK nang muli si Andrea sa loob ng court upang magpatuloy sa paglalaro. Napatingin siya sa scoreboard at napabuntong-hininga na lamang siya. Lamang na ng 30 points ang kanilang kalaban. Hindi naman siya nag-e-expect na manalo, pero magkaganoon, sa kabila ng pawis na dumadaloy sa kanyang katawan at sa pagod na kanyang nararamdaman ay pinagbubutihan niya ang paglalaro.

Sandali muna niyang pinagmasdan ang entrance ng gymnasium. Muli siyang bumuntong-hininga at sinambot ang bolang ipinasa ng kanyang kakampi.

"Okay lang. Baka may emergency kang inasikaso," sabi ni Andrea sa sarili at pagkatapos ay maingat siyang nag-dribble sa harapan ng mas matangkad sa kanyang defender.

Nakikita niyanh lamang sa height ang kalaban. Isa pa, halos lahat sila ay pagod na. Maging siya ay nararamdaman na niya ito lalo't siya ang kumakamada sa kanilang koponan.

Hindi siya ganoon kagaling, pero sa team nila, siya ang pinakamagaling.

Isang maliksing galaw ang ginawa ni Andrea ngunit biglang naglaho ang bola mula sa kanyang mga kamay nang mga oras na iyon. Napa-cheer ang Engineering Department nang isa na namang steal ang ginawa ng kanilang women team.

Mabilis itong ibinaba ng player ng Engineering department na may numero 3 sa likuran ng jersey. Si Andrea, buong-tapang at lakas na hinabol iyon.

Anong quarter na ba? Napatingin siya sa oras, 3rd quarter na pala.

May ilang cheer ang narinig ni Andrea para sa kanya. Ngunit may isang cheer siyang gustong marinig at mukhang sa larong ito ay hindi yata niya maririnig.

Halos maabutan na ng dalaga ang number 3 na iyon ngunit nang tatapikin na niya mula sa likuran ang bola mula sa kamay nito-- biglang isang maliksing paghakbang pakaliwa ang ginawa nito. Naging dahilan iyon upang mapadiretso si Andrea sa pagtakbo dahil sa kanyang paghabol.

Binitawan ng kalaban ang isang hindi kalayuang jumpshot at pumasok iyon. Sa kabilang-banda, hindi na napigilan ni Andrea ang pagod niyang mga binti at napadiretso siya palabas ng court. Kasabay noon ay ang pagkawala ng kanyang balanse.

Madadapa na si Andrea, ngunit may mga kamay ang sumambot sa pawisan niyang katawan. Mula sa entrance ng gymnasium ay humahangos na pumasok ang isang binatang tila tumakbo upang makarating dito. Pagkakita nga nito sa madadapang si Andrea ay mabilis niya ito sinalo at iniligtas mula sa inaasahang pagbagsak sana nito sa sahig.

Napatingin si Andrea sa lalaking sumalo sa kanya at ang inis niya rito ay unti-unting naglaho nang ngitian na siya nito. Mabilis siyang lumayo kay Ricky at huminga nang malalim.

"Matatapos na ang game, bago ka dumating," sambit ni Andrea na pasupladang tinalikuran ang napapangiting-hindi na si Ricky.

Lumunok muna ng laway si Ricky bago nagsalita.

"Sorry. Pero alam ko naman na maganda ang ipapakita mo. Ilan na ba ang score?" Napatingin si Ricky sa scoreboard at nang makita niya ay nilapitan niya si Andrea.

"Win or loss, panalo ka pa rin para sa akin," sinabi ni Ricky na tila nahihiya sa dalaga.

Hindi na naiwasang mapangiti ni Andrea nang marinig niya iyon. Ang importante, dumating si Ricky at ito lang naman ang hinihintay nito.

Tumakbo na si Andrea pabalik sa court. Sinulyapan pa niya si Ricky at nakita niyang nakangiti ito sa kanya.

Pagkatapos noon ay naglakad na si Ricky papunta sa likuran ng bench ng team ni Andrea ngunit, biglang may kung anong pakiramdam ang pumigil sa kanya. May kung anong bagay ang tila nagpatigil sa gagawin niya.

Nahiya siya sa dalaga, kaya naman mas pinili na lang niyang umupo sa tabi ng mga nanonood na taga-CU. Kinuha niya ang kanyang phone at nakita niyang may message sa kanyang inbox. Nang buksan niya iyon ay napatingin siya sa nagdadala ng bolang si Andrea. Pagkatapos noon ay binura niya sa inbox niya ang message na nabasa niya.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon