Bola 22

2.8K 169 34
                                    

CHAPTER 22

IBANG-IBA ang atmospera kinabukasan sa practice ng CISA Varsity. Kompleto ang lahat at aktibo rin sila sa paglalaro. Balitang-balita nga rin kaagad sa school ang una nilang panalo. Marami ang nagulat at marami rin ang hindi bumilib lalo pa't isa rin daw mahinang team ang kanilang tinalo. Ngunit kahit ganoon, may ilan din namang natuwa lalo pa't achievement iyon ng team at school.

Shooting, drills, passing at one-on-one plays ang masasaksihan sa practice ng varsity team. Ilan lang nga ito sa ginagawa ng mga players sa loob ng maliit na covered court ng CISA. Naroon din nga sa gilid ang ilang mga estudyante na nanonood.

Si Ricky? Patuloy lang ito sa pagtakbo nang pabalik-balik. Tumatakbo rin ito nang paikot sa loob ng walang tigil. Kung titingnan nga ay parang hindi siya player ng varsity kundi isang runner. Ito kasi palagi ang ginagawa niya sa tuwing may practice sila.

Sandaling tumigil si Ricky sa may gilid ng court. Hinihingal na siya at pawisan na sa ginagawa. Tumingin nga siya sa hawak na maliit na timer. Limang minuto nga siyang walang tigil sa pagtakbo. Naisipan nga muna niyang tumigil ng dalawang minuto. Napatingin din si Ricky sa mga nanonood. Nakapokus lang nga ang tingin ng karamihan kina Romero, Cunanan at Alfante. Kung sabagay, sikat na raw ang mga ito sa CISA.

Pinagmasdan nga ni Ricky ang ginagawa ng kanyang mga kasama. Katulad niya, napapagod na rin ang itsura ng mga ito at pawisang-pawisan na rin. Naririnig nga niya ang pagtalbog ng bola sa court na nakasanayan na nga niya. Napangiti rin siya nang makitang masiglang naglalaro ang mga kasamahan sa court. Si Cunanan nga ang nagdadala ng bola. Ipinasa naman nito iyon kay Romero at ipinasa naman ito nito sa team captain nilang si Alfante. Doon na nga tumalon nang mataas si Reynan at inilagay sa basket ang bola.

Hangang-hanga naman ang mga manonood sa ipinakita ng mga ito. Sa mga hindi nakapanood ng laban kahapon, ay iniisip nilang dahil sa tatlong ito kaya natalo ang CLCC.

Nabigla na lang din si Ricky nang ipinasa sa kanya ni Ramil Reyes ang bola. Nakatingin nga sa kanya ang kanyang mga kakampi. Seryoso ang mga ito na parang hinihintay siya.

"Ricky! Sumali sa ka sa amin. Huwag kang kj!" wika ni Alfante na pagkatapos ay sinundan ng ngiti.

Hawak nga ni Ricky ang bola nang sandaling iyon. Nakatingin pa rin nga sa kanya ang mga kasama niya na parang nagsasabing i-drive na niya ang bola papunta sa basket at i-shoot iyon.

Huminga nang malalim si Ricky. Bakit nga ba siya mahihiya pa sa mga ito? Kasama niya sa team ang mga manlalarong ito at alam niyang wala siyang dapat ikatakot. Bumagsak na nga ang bola sa semento at bumalik ito sa kanyang kamay. Pinatalbog niya uli iyon at pagkatapos ay doon na nag-umpisang tumakbo ang kanyang mga paa habang pinapatalbog ito.

Isang mahinang tawanan namanmula sa likuran ni Ricky ang narinig ng mga kakampi niya. Tumama kasi sa tuhod ni Ricky ang bola na naging dahilan upang tumalbog ito palayo.

"Hanep! Simpleng dribbling lang, 'di marunong," wika ng isa.

"Bangko siguro iyan kahapon sa game. O baka taga-dala ng gamit at tubig?" Nagtawanan pa ang maliit na grupo ng mga kalalakihang iyon pagkatapos noon. Inisip nga nilang hindi mananalo ang CISA sa laro, kung kaya hindi sila nanonood kahapon, at wala rin silang ideya sa kung paano ba talaga nanalo ang mga ito sa CLCC. Samantala, pinalampas lang naman ni Ricky iyon sa kabilang tainga niya at pagkatapos ay tinakbo ang lumayong bola.

Okay lang nga para sa kanyang pagtawanan. Nasa loob siya ng court at isa siyang basketball player. Pagkakuha nga niya ng bola ay pinatalbog niya uli iyon. Maingat na siya sa pagkakataong iyon. Nailapit niya iyon papunta sa basket. Sandali rin siyang tumigil at pagkatapos ay tumalon. Inalala nga niya kung paano gumawa ng lay-up ang kanyang mga kasama. Nang nasa ere na siya ay doon na nga niya binitawan ang bola.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now