Bola 3

2.3K 119 2
                                    

CHAPTER 3

DUMAAN ang mga araw, seryoso nga talaga si Ricky sa balak nitong pagta-try-out para sa school varsity ng CISA. Halos tuwing hapon ay nagpupunta siya kina Andrei upang doon mag-practice ng basketball. Para nga sa kanya, ay hindi mahirap matutong maglaro nito. Nakakapag-dribble na siya at nagagawa na rin niya ang i-drive ito. Alam din niya na hindi siya kasing-bilis ng iba, pero ang mahalaga sa kanya ay nagagawa niya ito. Nakakaya na rin niyang i-shoot ang bola sa ring nang malapitan. Tanging sa jumpshot lang talaga siya hindi makapagpapasok ng bola sa ring. May mga tira siyang lampas, at mayroon ding bitin. Nahihirapan siyang magtantya sa pagbitaw sa bola papunta sa ring. Maswerte na nga lamang siya kung may pagkakataon na nakakapagpa-shoot siya. Pero sa kabila noon, naniniwala siya na makakabisado rin niya iyon basta mag-practice lang daw siya.

Napakapositibo niya dahil kay Mika.

Tuwing umaga naman, ay gumigising na siya nang maaga. Iyon ay upang mag-jogging. Suhestyon iyon ng ate ni Andrei dahil mabilis daw siyang mapagod sa kaunting oras na pagpa-practice. Malaking dahilan noon ay dahil hindi naman talaga sporty na estudyante si Ricky.

"Ano p're? Kaya mo pa ba? Bukas na ang try-out," wika ni Andrei kay Ricky na nasa bahay nga nila muli. Kitang-kita niya sa mukha ng kaibigan ang pagod sa ilang araw na nitong pagpa-practice. Tila stress na nga ito at nangangailangan na ng isang matinding pahinga dahil parang babagsak na ang kanyang kaibigan kung titingnan.

Nang araw ring iyon, wala sina Roland at Mike, kaya nabawasan ang mang-aasar kay Ricky.

Ngumiti na nga lang ang binata nang marinig ang sabi ng kaibigan.

"Kaya pa p're. Makakapasok ako sa team!" determinadong sinabi ng binata at pumasok na ang dalawa sa loob ng bahay.

"Dumiretso ka na p're sa court. Suporta lang kami sa 'yo. Maglaro ka hangga't kaya mo," wika ni Andrei matapos tapikin sa balikat ang kaibigan.

"Pasok ka lang sa loob kapag nagutom ka. May inihanda na si Yaya. Manonood muna ako ng TV," dagdag pa nga nito.

"Salamat pare!" tugon naman ni Ricky na agad ngang nagpunta sa court sa likod ng bahay ng kaibigan.

Habang papalapit si Ricky sa court ay nakarinig siya ng pagtalbog ng bola mula roon. Mukhang may naglalaro rito. Paglabas nga niya mula sa pinto ay doon tumambad sa kanya ang ate ni Andrei. Naka-jersey na tshirt at kulay black iyon. May numero 14 din ito sa likod at naroon din ang apelyido nitong Cervantes. Naka-shorts din ito ng black na lagpas tuhod ang haba.

Maaliwalas maglaro sa lugar dahil humahangin nang oras na iyon. Isa pa, nahaharangan din ng malaking punong nasa bakuran ng bahay ang sikat ng araw kaya malilom sa court.

"Magandang hapon Ricky!" iyon ang sinabi ni Andrea nang mapansin ang pagdating ng kaibigan ng kanyang kapatid. Nagpunas din ito ng pawis gamit ang puting towel na nasa gilid ng bahay, sa may lababo.

"Sa 'yo rin ate," munting tugon naman ni Ricky na parang nahiya sa kaharap.

Ang cute ng ate ni Andrei sa suot nito.

"One-on-one tayo!" biglang sinabi ni Andrea kay Ricky na ikinabigla nang bahagya ng binata. Sinambot nga agad nito ang bolang ibinato ng dalaga.

"S-seryoso ate?" paniniguro ni Ricky at ngumiti naman ang dalaga.

"Yap! 'Di ba, bukas na ang try-out mo? So, tignan natin kung nag-improve ka na."

"'Di naman ako super galing pero... Tignan natin kung kaya mo akong sabayan!" May kaunting yabang din ang sinabing iyon ni Andrea na bahagyang nagpakaba kay Ricky habang hawak ang bola.

Naglalaro sa Sports Fest sa school ang dalaga. Basketball ang sports niya at isa siyang malaking fan nito.

"Ricky, huwag kang mahiya! Game na! Sa 'yo muna ang possesion." Mabilis at bahagyang iniangat ni Andrea ang kanyang dalawang kamay sa paglapit sa binata. Dinipensahan niya kaagad si Ricky na pinapatalbog na ang bola sa kanyang harapan.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedKde žijí příběhy. Začni objevovat