Bola 56

2.3K 234 69
                                    

CHAPTER 56

NAPANGISI na lang si Macky sa sinabi ni Ibañez. Narinig din iyon ni Ricky pero hindi niya iyon pinansin, bagkus ay nasa isip pa rin niya kung paano tatalunin si Karlo.

"Mendez, ikaw muna ang bahala kay Ibañez," mahinang sinabi ni Macky kay Ricky habang nakatingin kay Ken Mendoza na kasalukuyang kinakausap ni Ibañez.

Nang marinig nga iyon ni Ricky ay napaseryoso ito. Sa wakas ay mababantayan na niya nang masinsinan ang player na kating-kati na niyang bawian.

"Ano'ng pinag-uusapan ninyo?" Bigla namang sumingit mula sa likuran ni Macky si Kier.

"Ikaw muna ang bumantay kay Rommel Alfante..." sambit ni Macky at tila pumabor naman si Kier doon. Isa pa, tila alam na nito ang gustong mangyari ni Romero.

Si Cunanan ang nag-point guard nang magpatuloy ang game. Dito nga ay seryoso kaagad itong binantayan ni Rommel.

Ipinasa niya nga agad ang bola sa paparating na si Macky. Pagkasambot nga nito sa bola ay mabilis itong dinipensahan ni Mendoza.

"Dito ko masusubukan kung gaano ka kagaling..." sabi ni Romero sa sarili. Doon ay isang maliksing dribbling ang kanyang ginawa, kasunod din noon ay isang mabilis na step-back jumper ang kanyang pinakawalan.

Sinubukan iyong i-block ni Mendoza ngunit nahuli ito. Ang tira ngang iyon ang sumira sa momentum na ginawa ni Ken matapos pumasok sa basket ang bolang pinakawalan ni Romero.

53-59. Tiningnan din ni Macky si Ken matapos iyon. Ang crowd ng CISA nga ay muling umingay matapos iyon ngunit mas nangibabaw pa rin ang cheer ng CU.

"Hinahamon mo ako Romero?" mahinang sambit ni Ken sa harapan ng star player ng kalabang team. Doon ay seryoso rin niyang tiningnan si Romero na tila tinatanggap ang paghamon nito.

Napangisi na lang si Macky at hindi nilayuan si Ken. Balak niyang guwardiyahan ito sa kung saan man ito pumunta. Nalaman naman kaagad ni Ken iyon, kaya parang na-excite siya sa mga pwedeng mangyari.

Si Karlo naman ay seryosong tiningnan ang mga nangyayari sa dalawang iyon. Alam niya na malakas si Romero, ngunit alam niyang walang pakialam si Ken kung matalo man ito o manalo. Ang gusto lang nito ay mas maging magaling at makalaban ang mga magagaling na players sa CBL. Ni isang panalo nga sa one-on-one nilang dalawa ay wala pang naiitala si Ken laban sa kanya... Kaya hindi na niya aasahang makakalamang ito kay Romero.

Ang ikinatutuwa ngayon ni Ibañez ay si Mendez ang bumabantay sa kanya. Dito na niya raw ito ilalampaso. Ipapakita niya raw na walang magagawa ang depensa nito sa kanya. Alam niyang magaling ito sa depensa kaso, dahil sa mga ginawa nito sa kanya, ay hindi na niya ito matatanggap kung lilipat ito ng CU.

"Ricky Mendez..." sambit ni Ibañez, dahilan upang pagmasdan ito ni Ricky. Nginisian niya ito at kasunod noon ay ang paghawak nito sa kanyang ilong.

Napakuyom agad ng kamao si Mendez nang makita iyon. Gusto niyang suntukin si Ibañez ngunit hindi pwede... Hindi niya iyon pwedeng gawin sa loob ng court.

Sa pagkakataong iyon ay ikinalma ni Ricky ang sarili. Dito na niya masusubukan ang kanyang depensa. Kaya ba niyang pigilan ang number 1 player ng CBL?

Nakuha ni Ken ang bola at doon ay bantay-sarado kaagad ito ni Romero.

Umingay ngang muli ang crowd at tila nga ayaw patawirin ni Macky si Ken sa depensa nito.

Napangisi na lang naman si Ken at tila naalala niya ang one-on-one nila palagi ni Karlo. Hindi rin niya ito malusutan kapag nagseryoso na ito sa pagbabantay. Ang pakiramdam na iyon ay nararamdaman din niya kay Romero.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now