Bola 89

1.6K 208 47
                                    

NARIRINIG ni Ricky ang pagtalbog ng bola mula sa basketball court na malapit sa kanila nang isang beses na papasok siya papunta sa school. Nakikita niya ang masasayang labi ng mga pawisang naglalaro roon. Dati-rati'y wala lang ito sa kanya at nilalampasan lang niya ito.

"Wala akong pakialam sa sports na iyan. Hindi ko gustong magpakapagod sa basketball."

Pero dahil kay Mika... Sino nga ba si Mika?

Napangiti si Ricky nang maalala ang huli nilang pagsasama ng dalaga. Nangyari iyon bago ang semis ng CBL.

Nasa bahay siya noon ni Mika. Niyaya siya ng dalaga na doon muna tumigil. Iyon ay matapos niya itong ihatid. Malakas ang ulan noon at si Ricky ay nag-aalangan pang umuwi dahil kumukulog at kumikidlat.

"Magkape ka muna," sabi ni Mika na may dala ng kape mula sa kusina.

May kalakihan din ang bahay ng dalaga. Napapangiti na nga lang si Ricky dahil dati, palagi siyang pasimpleng dumaraan sa tapat nito upang tingnan ang dalaga. Nasa kabilang barangay lang din ang bahay ng dalaga kaya minsan ay nagba-bike siya para tumanaw rito.

Napalunok na lang ang binata ng laway nang makita ang dalaga na nakasuot ng pambahay. Pasimpleng tumingin si Ricky sa kapeng inilapag ng dalaga sa kanyang mesa. Nakasuot kasi si Mika ng maluwang na tshirt at kung titingnan ay parang wala itong pang-ibaba na shorts. Na sa totoo lang ay meron naman talaga.

"S-salamat," nasambit na lang ni Ricky na napaso pa ang dila sa paghigop nito sa mainit na kapeng inihain ng dalaga.

Napansin ni Ricky na may ka-chat ang dalaga nang mga sandaling iyon. Napatingin pa siya sa orasang makikita sa may dingding sa may mataas na kabinet sa kanyang harapan.

Alas singko na ng hapon at ang lakas ng ulan sa labas. Kumukulog at kumikidlat din. Mabuti na nga lang at naihatid kaagad niya ang dalaga sa bahay nito.

Ang kaso nga lang, siya ngayon ang hindi makaalis.

"Wala pa mga kasama mo sa bahay?" Biglang nasambit ni Ricky kay Mika.

"Si Yaya, pumunta ng bayan para bumili ng mga wala sa bahay na gamit. Iyong kapatid kong dalawa, I'm sure mamaya pa ang uwi nila. Malakas pa ang ulan," wika naman ni Mika na umupo sa tapat ni Ricky, sa kabilang upuan sa salas.

"Nakakahiya yata na tayo lang ang tao rito sa bahay ninyo..." Sambit ni Ricky na parang nahiya sa dalaga. Parang naiilang siya sa pagkakataong iyon.

Ngumiti si Mika at tinawag si Ricky.

"Okay lang iyon... Boyfriend naman kita?" Sambit ni Mika na hindi man lang nailang sa sitwasyon nila ni Ricky.

Boyfriend siya ni Mika. Paano ba naging sila? Kumakabog ang dibdib ni Ricky.

Nang sampalin siya ni Andrea, nang mahuli silang magkasama ni Mika sa mall. Nagpunta sila ng dalaga sa isang pasyalan sa likuran ng establisiyementong iyon. Umupo ang dalawa sa isang pwestong mataas habang pinagmamasdan ang maliit na siyudad ng Calapan mula roon.

Tahimik lang si Ricky habang nakatingin sa kawalan. Hindi siya makapaniwalang mangyayari ito sa kanya. Pero siya rin naman ang may kasalanan sa mga ito.

Doon na nga biglang nagsalita si Mika.

"Ikaw ang reason kaya ako bumalik ng Calapan, Ricky... H-hindi ko alam na may girlfriend ka na. Kung alam ko lang-- hindi na sana ako bumalik pa."

Sa pagpasok ng mga salitang iyon sa pandinig ni Ricky ay napalingon siya sa katabi niyang nagsabi noon. Nangyari ito dahil si Mika ang pinili niya.

Nang marinig niya iyon ay niyakap niya ang dalaga. Si Mika ay bahagyang nagulat, pero ramdam nito ang lungkot ng binata.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now