Bola 32

2.6K 293 48
                                    

CHAPTER 32

MASAYANG umuwi si Reynan sa bahay nila pagkagaling sa ospital kinahapunan. Pagbukas nga niya ng gate ay narinig kaagad niya ang tunog ng tumatalbog na bola sa halfcourt na nasa loob ng kanilang bakuran. Bukas na ang ilaw roon dahil madilim na rin. Nakita nga niya ang kanyang kapatid na nakahubad ng damit pantaas habang naglalaro nang mag-isa.

Hindi na sana niya pupuntahan ang kapatid pero dahil masaya siya, ay gusto niyang ipaalam sa kanyang kapatid na panalo sila.

"Rommel!" tawag ni Reynan sa kapatid. Doon nga ay napahinto naman si Rommel sa pagpapatalbog ng bola. Ni isang salita nga ay walang lumabas mula sa bibig ng nakababatang kapatid ni Reynan. Seryoso pa rin ito na nakatalikod dahil alam na ni Rommel ang sasabihin ng kuya niya.

"Panalo kami! Masaya palang manalo..." nakangiting winika ni Reynan. Alam naman niyang tatawanan lang siya ng kanyang kapatid pero, gusto niyang ipaalam pa rin dito na masaya siya sa mga nangyayari. Isa pa, dating malapit sa isa't isa ang dalawa at para kay Reynan... Gusto pa rin niyang i-share sa kanyang kapatid ang improvements ng kanyang team... Kahit alam niya na tatawanan lang siya nito.

Ngumisi naman si Rommel nang marinig iyon.

"Magpasalamat ka kuya, kasi may kasama kang Romero sa team mo... Dahil kung wala... Hindi ka mananalo sa CISA hanggang sa grumaduate ka..." winika ni Rommel at pagkatapos ay seryoso niyang pinagmasdan ang basket. Pinakawalan nga niya ang bola at pumasok iyon sa basket.

"Pero congrats pa rin... Kuya."

Alam ni Reynan na tama ang kanyang kapatid. Kung wala si Macky ay baka tinalo sila ng Minscat. Ni hindi kasi niya nagawang talunin sa rebounding ang center ng kalaban kanina. Pero napangiti pa rin nga siya nang marinig niyang tinawag siyang kuya ng kapatid. Isa pa, pagkatapos niyang mapanood ang pagbalik ng laro ni Macky... ay mas naging determinado pa siyang mas maging malakas na manlalaro.

Inilapag nga ni Reynan ang dala niyang bag sa tabi ng pinto ng kanilang bahay. Hinubad niya ang kanyang pantaas at tumakbo papunta sa court.

Si Rommel ay biglang natahimik. Parang gusto nga niyang umalis kaso...

"Matagal na rin nang huli tayong naglaro na magkasama sa court na ito," seryosong wika ni Reynan sa kapatid.

"Ilang taon na ba?" nangingiting tanong ni Reynan kay Rommel na tila nailang sa kanyang kuya... Kay Reynan na simula pagkabata ay kalaro na niya sa court na ito.

"One-on-one tayo?" paghahamon pa ni Reynan. Napangisi na nga lang si Rommel nang marinig iyon.

"Alam mo namang wala kang panama sa akin..." may dagdag na yabang ngang wika ni Rommel. Pero, ipinasa pa rin nito sa kanyang kuya ang bola. Ibig-sabihin, ay tinatanggap niya ang hamon nito.

"Tingnan natin 'tol!" masayang winika ni Reynan. Si Rommel naman ay napailing na lang nang sambutin uli niya ang bola.

Magkakampi palagi ang magkapatid sa school basketball team simula noong elementary hanggang sa mag-highschool sila. Palagi nga silang magkasama sa paglalaro at dahil sa basketball ay mas naging magkasangga ang dalawa... Subalit nagbago lang iyon nang tumuntong na ng kolehiyo si Reynan. Mas pinili nga nito na sa CISA pumasok kahit pwede naman sa CU.

Magmula noon ay naging iwas na si Rommel sa kanyang kuya. Pagtatampo lang ito dahil hindi sila magkapareho ng school na papasukan. Isa pa, ayaw ni Rommel sa CISA sapagkat palaging natatalo ang mga ito sa CBL. Pakiramdam niya kasi ay masasayang ang kanyang talento sa school na ito.

Pinatalbog nga ni Rommel ang bola at pinagmasdan niya ang kanyang kuya na naka-depensa. Alam ni Rommel na malulusutan niya ito... Kahit noon pa man, dahil mas maliksi at mas mabilis siya kumpara rito.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang