Bola 72

1.9K 211 41
                                    

SINALUBONG ng kantyaw at panlalait ang buong DWCC team mula sa CU Fans. Nanalo ang CU sa score na 100-87.

Sina Reynan, seryoso lang na nakaupo sa crowd. Nakita nila ang ginawa ng DWCC noong 4th quarter. Mga reserves ang naglaro at ni isa sa mga starting players ng Green Archers ay nagpahingang pinanood lang ang natitirang sandali ng laro.

Napatingin si Macky sa mga players ng DWCC habang nakapila sa gitna. Sina Trey at Troy, tila hindi natalo kung titingnan kasi masaya ang dalawa sa resulta ng laban. Napatingin din sila sa coach ng team na iyon, isang matandang babae na tila masungit kung titingnan dahil nakataas ang kilay nito.

May ilang nakakakilala sa kanya, alam nilang terror na prof ito at sinasabing maraming estudyante na itong ibinagsak kahit na ang subjects niya ay hindi naman major. Si Ma'am Valentin, Rhodora! Pero sa kabila ng pagiging matapang nito, pagdating sa team na kanyang hinahawakan-- Gusto niya ay lagi silang nananalo, at may mga larong bigla nitong ipinapahinga ang mga starting players niya para bigyan ng experience ang iba sa kanyang koponan.

Isa pa, kilala ang coach na ito sa may pinakamahirap na training sa CBL. Ngunit sa kabila noon, dalawang players lang ang kanyang kinukunsinti sa DWCC. Iyon ay ang kambal na Agoncillo. At minsan ay ang kambal ang nagdedesisyon sa gagawin nila.

"Coach, paglaruin na ninyo ang mga reserves-- Magpapahinga na kami. Hindi naman natin kailangang manalo. Pasok na tayo sa Final 4," nakangiting sinabi ni Trey sa kanyang coach.

Ngumiti si Coach Rhodora sa paborito niyang player na si Trey. Pagkatapos ay ginamit ang kanyang abanikong laging hawak-hawak tuwing may laban sa CBL.

"Parang naiisip ko ang naiisip mo. Pero hindi ba't you told their fans na ibibigay mo ang unang talo nila rito?" winika ni Coach at si Trey ay tumingin sa kanyang kakambal na kasalukuyang umiinom ng tubig.

"Acting lang iyon Coach. Para mas galingan nila--" sumeryoso si Trey at tumingin sa bench ng CU.

"Ang Final 4 ang dapat nating pag-igihan. Isa pa coach, gusto kong makita ang reaksyon nila kapag natapos ang game," nakangising sinabi ni Trey na muling uminom ng tubig.

Sina Xi at Williams ay nagulat na lang nang hindi na sila pinaglaro sa huling quarter. Hindi nila naintindihan ang sinabi ni Trey at si Coach ang nagpaliwanag sa dalawa kung bakit.

"We need to reserved your knees. Final 4 was the real deal. Then this year, we will win the crown in this tournament," paliwanag ni Coach Rhodora at tinapik ang balikat ng dalawa.

"So, sit and relax. We already secured a spot so, be ready for the real games!" Dagdag pa ni Coach at naisip nga iyon ng dalawa. Kailangan mas paghandaan nila ang Final 4 at pagkatapos ay ang Finals.

Nakangiting pinagmasdan ni Trey ang pagod na mga players ng CU nang pumila na sila nang magkaharap sa gitna ng court. Naiirita ang ilang players ng CU dahil doon, pero pinipigilan nilang patulan ito.

Sila ang nanalo pero, ang pakiramdam nila ay hindi sila kontento rito. Hindi ito ang panalong gusto nila. Lalo na nga si Karlo at Rommel na mabilis na umalis sa gitna. Seryoso ang dalawa at nagdidilim ang paningin sa resulta ng laro.

Seryoso ngang nagkamayan sina Coach Wesley at Coach Rhodora. Walang salitang lumabas sa bibig ng dalawa pero ang tensyon sa dalawa ay tila may pwersang naglalaban.

Ang rivalry ng dalawang school ay mas uminit dahil sa naging resulta ng larong iyon.

Si Williams, pinuri pa ang tila disappointed na si Rojas. Gusto rin sana nitong makipagkilala kina Karlo at Rommel, kaso umalis kaagad ang dalawa.

Umalis nga ang team ng DWCC na kinakantyawan ng CU fans. Kasama na rin sa mga kinantyawan ng mga ito ay ang patuloy pa ring nag-iingay na mga Divinista.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now