Bola 76

2K 226 69
                                    

SA LABAS pa lamang ng CISA ay maririnig na ang malakas na cheer ng crowd mula sa loob ng maliit na paaralang ito. Kasalukuyang nagtitipon ang mga ito sa kanilang covered court. Narito rin nga ang mas nadagdagan pang bilang ng Romero's fans club na may sarili na ring uniform na kasalukuyang isinisigaw ang pangalan ni Macky Romero. Ang cheering squad ng varsity na nakasuot ng puti at may halong pula sa gilid ay kasalukuyan namang sumasayaw sa gitna ng court. Punong-puno ng paghataw at enerhiya ang mga ito.

Halos wala na ngang paglagyan ang mga manonood sa magaganap na laban ng CISA at SA dahil sa mainit na suporta ng homecrowd sapagkat, bukod sa hindi na sila ang winless team-- sigurado na rin silang nakapasok sa Final 4. Ang dumating na supporters ng St. Anthony ay hindi makapaniwala sa dami na kaagad ng tao sa labas ng court nang mga sandaling iyon. Tila kinansela na nga ng paaralan ang natitira nilang klase nang hapong iyon at makikita naman iyon sa dami ng kanilang estudyante na nag-aabang na sa mangyayaring laban.

Upang ang lahat ay makapanood, nag-provide ang CISA ng isang malaking projector sa loob ng hindi nila kalakihang hall na malapit sa school faculty. Doon ay pwedeng manood ang ilan na gusto pa ring makapanood ng live.

Nagsidatingan na nga ang team ng St. Anthony na nakasuot ng sky blue colored jersey. Nagsibabaan ang mga ito mula sa dumating na tatlong school van.

Nag-ingay nga ang mga taga-St. Anthony na nasa CISA na rin nang makita iyon. Naunang bumaba si Reynold Martinez, ang ace player at Shooting Guard ng SA. Kasunod noon ay si Mike Ocampo na isang magaling na dribbler at isa sa pinakamabibilis sa CBL. Naroon na rin si Lester Ocampo, ang 6'11 nilang sentro na malakas din pagdating sa rebounding.

"Ang Big 3 ng Thunder!" Sigaw ng isang babaeng taga-CISA na may crush kay Martinez. Ilan sa mga ito ay mabilis na nagsilapitan dito.

"R-reynold! P-pwedeng pa-pa-picture?" Nauutal na tanong ng isa na nakasalamin nang malaki na babaeng estudyante ng CISA. Nakalabas ang cellphone nito at halos mautal pa nang salubungin ang team ng SA na kakapasok pa lang sa campus. Kasunod pa nga nito ang ilang taga-CISA na mga babae at ilang mga binabae.

"Sure," nakangiting wika ni Reynold sa babae.

Ang babae ay tila nagdeliryo dahil nangisay ito na parang sira.

"Omg! Pi-pic-ture-an n-n'yo k-kami!" Mabilis na inabot nito ang kanyang cp sa nasa likurang babaeng hindi naman nito kakilala.

Mabilis itong tumabi kay Reynold at humawak agad sa binata. Hindi nga mapakali ang babae kung titingnan habang kinukuhanan.

"Kami rin Reynold!" Ani ng iba pa at nakangiting pumayag si Reynold.

"Reynold, uuna na kami sa court," wika ng kanilang Coach na 6'11 ang height. Si Coach Allan, isa itong dating player ng SA na ngayon ay isa ring guro rito.

"Sige po coach!" Ani Reynold na ngumiti bigla nang kinuhanan na sila ng kanyang katabi ng litrato gamit ang cellphone nito.

"Ang bait ni Reynold!" Sabi ng iba.

"Oo nga, kaya crush ko iyan e," ani ng isa na ngiting-ngiti habang pinagmamasdan ang nakangiting ace player na makakalaban ng kanilang varsity team.

Samantala, sa loob ng covered court, nakaupo na kaagad sa may stage ang tatlong kaibigan ni Ricky na sina Mike, Roland at Andrei.

"Nasaan na ba si ate? Bago pa siya makapunta rito? Siguradong dadaan siya sa butas ng karayom," wika ni Andrei habang nakapwesto sa tabi niya ang bag ng kanyang ate upang dito umupo pagkadating. May mga upuan na kasing inilagay sa stage upang nakaupong makapanood ang mga pupwesto rito.

"Baka pupunta kay Ricky? Napapansin kong laging masaya ang kaibigan natin nitong mga nakalipas na araw ah. May ideya kayo kung bakit?" Tanong ni Mike sa dalawa na kasalukuyang inaayos ang pampaingay nilang walang-lamang 1.5 na lagayan ng softdrinks.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon