Bola 19

2.6K 156 26
                                    

CHAPTER 19

ISANG malakas na pagpalakpak nang isang beses ang biglaang ginawa ng coach ng CLCC ang kumuha ng atensyon sa lahat ng mga nasa gym. Pinatayo nga niya ang lahat ng kanyang mga players at pina-ikot. Doon ay may iminustra ito at umikot sila. Pagkatapos noon ay nag-akbayan ang mga ito.

"Hindi pa tapos ang laban! Xander... umayos ka! Tandaan mo! Ang goal natin!" wika ni Coach Wilson.

"Gusto ba ninyong matalo kayo ng CISA?" dagdag pa ng coach na nagsalita sa loob ng kulungang nilikha ng kanilang pabilog na pag-aakbayan.

"Hindi coach... Matalo na kami sa ibang team, huwag lang sa CISA..." seryosong winika nga ni Xander. Ganoon din nga ang naramdaman ng mga kakampi nito.

Naiinis man si Xander sa mga kakampi niya, pero wala siyang choice dahil sa huli, aasahan din niya ang mga ito. Bago nga magbitawan ang buong team ng CLCC ay isang malakas na hiyaw pa ang pinakawalan ng mga ito. Naging dahilan din nga iyon upang mapa-cheer ang lahat ng kanilang mga supporters.

Pinagmasdan pa nga ni Coach Wilson ang kanyang first 5. Nginitian niya ang mga ito nang marahan, at pagkatapos ay nagsalita.

"Gamitin ninyo ang 3-2 zone defense..." seryosong wika nito at napatango naman ang kanyang mga players.

Samantala, mula naman sa bench ng CISA... tila makikita nga sa itsura ng mga players nila ang kasiyahan. Nangangamoy na ang panalo para sa kanila. Tinambakan na kasi nila ang CLCC at para sa kanila ay sure win na itong maituturing.

"Huwag muna kayong magsaya..." sambit naman ni Coach Erik na tumingin pa nga sa oras sa itaas ng gym.

"Hangga't hindi nagiging zero ang oras ng game na ito... Marami pang pwedeng mangyari," idinagdag pa nito na seryoso pang pinagmasdan ang kanyang mga players.

Napatingin naman sa kawalan si Cunanan. Tama raw ang sinabi ng kanilang coach. Masyado pa ngang maaga para mag-celebrate. Siguro, dahil na rin iyon sa history ng mga kakampi niya... Mga kakamping hindi pa nakakalasap ng pagkapanalo sa CBL.

"Ipagpapatuloy namin coach ang ginagawa namin... Team, ako ang bahala sa rebounding!" nakangiting wika nga ni Alfante sa mga kasama.

"Hindi mo na kailangang r-um-ebound... Sisiguruhin kong papasok ang bawat tira ko..." kampante namang wika ni Romero na tumayo na para pumasok sa loob ng court.

"Ricky, tumayo ka na! Maglalaro ka uli. Kagaya ng dati... Bantayan mo si Castillo," sambit naman ni Coach Erik sa binata. Doon ay tumango naman ito at tumayo na. Sandali rin niyang pinagmasdan ang kanyang mga kasama. Marami nga sa mga ito ay masaya dahil lamang sila. Doon ay napatingin din nga siya sa loob ng court.

"Ano kaya ang pakiramdam ng manalo?" Ito na lang ang naitanong niya sa kanyang sarili na naglakad na rin patungo sa loob. Ngunit bago iyon ay may isang mala-anghel na boses ang biglaan pang tumawag sa kanyang pangalan.

"Ricky!"

Natigilan nga siya dahil doon. Kilala rin niya kung kanino nanggaling iyon. Nilingon niya nga iyon at nakita niya ang isang dalagang nakasuot ng pang-cheering. May hawak din itong pompoms sa dalawang kamay.

Nginitian siya nito sabay sabing...

"Galingan mo!"

Nang marinig iyon ni Ricky ay tila may kung anong tumama sa kanyang dibdib. Doon ay sinuklian agad niya ng ngiti ang sinabing iyon ni Mika. Sinundan niya rin iyon ng isang thumbs-up.

"Oo gagalingan ko... Panoorin mo ako... Mika ko..." sabi pa ni Ricky sa sarili na punong-puno ng kompyansa matapos marinig ang dalawang salitang iyon mula kay Mika.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now