Bola 71

1.8K 192 21
                                    

SIMULA pa lang ng laban sa pagitan ng CU at DWCC ay naging mainit kaagad ito. Ang shooting range ni Troy Agoncillo at ng bagong player na si Xi ay tila hindi kapani-paniwala. Idagdag pa rito ang matinding depensa ni Trey na walang sinasanto kahit ang 7 footer na si Rojas.

Si Ricky, napatahimik sa mga nakita. Inalala niya ang labang napanood niya dati sa DWCC. Hindi naglaro noon ang kambal na Agoncillo. Naalala rin ni Ricky ang pagdating ng dalawa kanina. Kahit tila wala siyang pakialam doon ay sa loob-loob niya ay may kung ano sa kambal na dapat paghandaan ng kalaban.

"Ang dalawang iyang ang ace players ng DWCC sa nakalipas na dalawang season," seryosong sinabi ni Andrea habang nagsusulat sa kanyang notebook.

"Hindi sila naglaro sa pinanood natin noon sa Divine College (DWCC) dahil nasuspinde si Trey ng isang laro dahil may hindi magandang ginawa ito kay Reynold Martinez ng St. Anthony College--" dagdag pa ni Andrea at pansamantala niya munang isinara ang kanyang notebook at tumingin sa nagpapatuloy na laro sa loob ng court.

"A-ano'ng ginawa niya?" tanong ni Ricky na napasulyap pa sa dalaga.

"Siniko niya si Martinez at ipinilit niyang hindi niya iyon sinasadya. Sa larong ito Ricky, makakakita ka ng isa pang uri ng depensa." Napaseryoso si Andrea na sumulyap din sa binata.

Si Ricky, tila nagkainteres sa mga mangyayari.

"Kilala mo ba si Calvin Abueva?" tanong muli ni Andrea kay Ricky.

Si Ricky naman ay napaisip kung sino iyon. Sa mga pinapanood niyang videos sa Youtube ay karamihan ay NBA players ang nakikita niya.

"Basketball player? Wala akong maalala kung napanood ko na sa YT iyan," sagot ni Ricky na nag-iisip pa rin.

Inaasahan na ni Andrea ang sagot na iyon mula kay Ricky.

"PBA player siya. Maraming fans ang galit sa kanya, lalo na ang Ginebra fans. Alam mo kung bakit?" ani ng dalaga sa katabi niya na naghihintay sa sasabihin pa niya.

"Dahil masyado siyang makulit. Mapang-asar din. Walang-takot dumipensa at kahit ma-foul ay okay lang. Kasi alam mo bang effective iyon?"

"Kasi nagagawa noong sirain ang laro ng isang player. Madikit na depensa at kahit magkasakitan ay wala siyang pakialam. Marami nga ang nagsasabi na marumi siyang maglaro, pero para sa akin--"

Sumulyap muna si Andrea sa seryosong si Ricky na nakatingin sa kanya.

"Magaling na pagdepensa rin iyon. Nagagawa niyang sirain ang laro ng isa at minsan ay ang buong team. Ricky-- Sa basketball, hindi lahat ay malinis. May times na makakaranas ka ng balyahan at may pagkakataon na magkakainitan ang dalawang panig. Kahit saang liga, hindi mawawala ang sakitan at dapat matutunan mong maging kalmado para hindi masira ang laro mo," wika pa ni Andrea.

"Halimbawa na lang nang nakaraan mong laro sa CU. Nag-iba ang laro mo dahil sa galit mo kay Ibañez. Idagdag pa ang pang-aasar niya sa iyo--"

"Yap! May grudge ka sa ginawa niya sa iyo. Pero gaya nga ng sabi ko, kapag nasa loob ka ng court, isa kang basketball player. Kaya kapag uminit ang ulo mo sa loob ng game at hindi mo na napigilang maasar--"

Sandaling tumahimik si Andrea at tiningnan ang binata. Nginitian niya ito at si Ricky ay tila nakaramdam ng kaunting hiya sa kanya.

"Hanapin mo lang ako sa crowd-- Iche-cheer kita nang malakas!"

May kung anong hangin ang umihip na tanging si Ricky lang ang nakaramdam nang mga sandaling iyon. Sa gitna ng ingay ng crowd ay malinaw niyang narinig iyon mula kay Andrea.

Napatingin siya sa dalaga at nakita niyang tila may pawis na dumaloy sa pisngi nito mula sa buhok nito. Sandali siyang napatitig sa dalaga.

Si Andrea ay napasulyap naman sa binata at sa isip niya'y nagulat siya at sandaling napayuko. Nahihiya siya na ayaw niyang ipahalata.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now