Bola 17

2.4K 149 26
                                    

CHAPTER 17

ANG inaakalang unang puntos para sa CLCC ng mga manonood ay hindi inaasahang napigilan ng isang player ng CISA na walang nakakakilala. Isang block nga mula kay Mendez ang natanggap ni Castillo. Nakita rin nila ang mabilis na paghabol nito na ikinabigla rin ng marami.

Alam nga nilang maliksi si Castillo, subalit ang block na iyon... patunay iyon na may isang pares pa ng mga binti at paa ang kayang sabayan ang galaw nito.

Napangisi na nga lamang si Castillo habang pinapatalbog ang bola sa harapan ng player ng CISA na si Mendez. Nakikita nga niya ang kaseryosohan nito sa pagbantay sa kanya. Gaano na nga ba raw karami ang bumantay sa kanya simula nang maglaro siya ng basketball? Marami na! Marami rin dito ang matinik dumipensa katulad ng kaharap niya ngayon... Ngunit iyon ang naging mitsa upang mas magpirsige siya. Hindi nga siya tumitigil sa pagpapabilis ng kanyang galaw. Araw-araw siyang tumatakbo at patuloy na pinag-iibayo ang galing sa dribbling. Aminado siya na may mga mas magagaling pa sa kanya sa CBL at inspirasyon niya iyon upang mas maging malakas pa.

"Sigurado ka? Gusto mong maglaro ng basketball?"

Pinagtawanan nga siya noong elementary pa siya dahil sa taas na mayroon siya. Sa reyalidad, ang sports na ito ay para raw sa mga matatangkad. Sila kasi ang may advantage sa larong ito... at ang mga katulad niyang hindi katangkaran ay mahihirapan sa sports na ito. Kaso, wala sa bokabularyo ng isang Xander Castillo ang magpadaig dito.

Isang inspirasyon din sa kanya ang NBA player na si Allen Iverson. Isa iyong patunay na hindi kailangang maging matangkad para maging magaling sa sports na ito. Kaya nga magmula noon, ay pinagsikapan na niya ang larong ito.

Napa-wow na nga lang ang mga manonood nang biglang natumba si Mendez nang subukan nitong hulihin ang malikot at magaslaw na dribbling ni Castillo. Isang three-point shot din ang naipasok nito na nagpakalampag kaagad sa mga manonood mula sa CLCC.

"Depensa!" sigaw pa ni Castillo sa lahat ng kanyang kakampi at isang full-court press na depensa ang ibinigay nila sa CISA.

Kinuha nga ni Cunanan ang bola at isang madikit na depensa ang ibinigay kaagad sa kanya ni Karl Santos. Kilala nga ang player na ito sa CLCC na magaling pagdating sa depensa.

Tumakbo agad si Cunanan para itawid ang bola. Bantay na bantay nga siya, kaya mas naging maingat siya sa pagdi-dribble. Iniikot niya rin kaagad ang kanyang tingin. Nakita nga niya ang tumatakbong si Romero.

Nagkatinginan ang dalawang magkakampi.

Isang mabilis na pasa nga patungo kay Alfante ang ginawa ni Cunanan. Doon ay napatingin ang bumabantay sa kanya sa direksyon ng sentro ng CISA, ngunit isa lang iyong fake. Nakuha nga ni Romero ang bola at naitawid nila iyon bago matapos ang 8-seconds limit.

Si Romero na nga ang nagdala ng bola. Todo-cheer nga ang mga fans niya mula sa CISA at malakas na sigaw ng "Defense!" naman ang nagmula sa karamihan ng mga manonood.

Napatingin naman si Castillo sa binabantayan niyang si Mendez. Paikot-ikot lang ito at palipat-lipat ng pwesto. Doon ay naisipan niyang hindi ito bantayan nang ilang sandali. Dinipensahan niya nga rin si Romero. Isang double-team iyon laban dito!

Alisto pa rin naman si Castillo dahil batid niyang isang pasa ang gagawin ni Romero patungo sa player na may number 3... Ngunit walang pasang naganap kahit walang bumabantay kay Mendez.

Doon na nga napangisi si Castillo. Iniikot agad niya ang tingin sa pwesto ng mga kalaban. Nakita niyang pinipilit takasan ni Cunanan ang defender nito, habang si Alfante ay sinusubukan namang pumwesto nang maganda sa painted area. Si Reyes naman ay nasa three-point area lang at nag-aabang ng pasa, kaso, guwardyado rin ito ng kanyang kakampi.

KINBEN I (Basketball Story) - Completedजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें