Bola 63

1.8K 247 58
                                    

NAGSIMULA nang muli mag-practice ang team ng CISA. Sa darating na Friday ay ang team ng Southwestern naman ang kanilang makakalaban. May tatlo ng talo ang SW, mula sa CU, SA at DWCC. Ito ang team nina Rio Umali.

Isa na namang malakas na team. Noong practice game ay tinambakan sila nito. Pero para kay Ricky, ibang team na sila ngayon lalo't mayroon silang Macky Romero.

Kagaya ng madalas gawin ni Ricky sa practice nila, isang walang katapusang pagtakbo habang nagpapatalbog ng bola. Sa loob ng court ay naroon sina Macky at Kier na walang sawang nagpapagalingan. Sina Rodel at Reynan naman ay nagpapagalingan sa ilalim.

Pero isang bagay ang napansin ni Ricky na tila nagbago sa team nila. Ang mga bench players nila. Ibang-iba ang ipinapakita sa practice. Minsan nga ay napadaan siya sa court kahapon at kaninang may klase siyang pupuntahan. Nakikita niya rito ang mga ito, hindi man kompleto, ay tila nagpa-practice lagi basta walang klase.

May oras nga na nakita niya ito kahapon na kasama si Reynan at Kier. Noong hapon nga ay nagpaiwan pa ang mga ito at si Macky ay ganoon din para samahan ang mga ito. Patuloy si Ricky na pinagmamasdan ang kanyang mga kasama sa mga ginagawa nila. Inaalala niya ang madalas practice-in ng mga ito. Kung shooting ba o kung sa pagdepensa. Tinitingnan din niya kung sino ang mabilis at kung sino ng hindi.

Nagpapatuloy ang routine ng team CISA tuwing hapon, habang papalapit ang araw ng Biyernes ay mas nagiging matindi ang kanilang practice. Tumatakbo sila nang mabilis habang nagpapasahan. Minsan ay buong oras na tumatakbo lang sa loob ng court. May oras din na shooting. Sa lumipas na Lunes hanggang Huwebes, tuwing umaga ay nagpatuloy si Ricky sa pagpa-practice ng shooting sa court na malapit sa kanila.

Si Rodel ang testigo niya sa ginagawa ni Ricky. Sinasanay niya ang kanyang sarili na gumawa ng jumpshots lalo na iyong malayuang tira. May 100 jumpshots. Mayroon ding 100 three point shots. Lahat ng area ng court ay tinitirahan niya. Magmintis man o makatsamba siya ay hindi siya tumitigil.

"Ano'ng ginagawa mo p're?" tanong ni Roland kay Ricky nang sila ay nakatambay sa labas ng classroom ng next subject nila. Nakita kasi niyang gumagalaw sa hangin ang kanang kamay ng kaibigan.

Napatawa si Ricky. Madalas niyang ginagalaw-galaw ang kanyang kanang kamay na tila may hawak na bola. Ayaw niyang kalimutan ang pakiramdam na may hawak na bola sabay ititira papunta sa basket.

"Wala, wala ito... Manood kayo ng game namin sa SW bukas. Hapon pa naman iyon."

"Oo naman, mawawala ba kami? Syempre hindi!" sabi ni Mike na inakbayan pa si Ricky.

*****

KINAHAPUNAN ng Huwebes ay lumabas ng campus si Ricky ng alas singko. Binuksan niya ang kanyang phone at dumiretso sa messenger. Bigla niyang naalala si Andrea. Ilang araw na itong hindi nagcha-chat sa kanya. Ang huli nga niyang chat ay ang pag-thank you sa cookies na ibinigay nito. Pero seen lang ang ibinigay ng dalaga sa chat niyang iyon.

Dahil nga sa focus si Ricky sa practice ay hindi na niya napansing ilang araw na niyang hindi nakaka-chat si Andrea. Alam niyang manonood ito bukas, pero, gusto niyang sabihan pa rin ito na panoorin siya.

Naisipan niyang yayain ang dalaga sa night market sa may palengke. Inisip pa niya ang laman ng kanyang wallet at inisip kung may pera ba siya para ilibre ang dalaga. Meron pa!

Nag-chat siya sa dalaga. Sa pagkakaalam niya ay lumalabas na ito ng mga 4:30, pero madalas ay 5:00 pm. Pero hindi online ang dalaga kaya naisipan niyang pumunta sa CU. Madali sana kung magta-tricycle siya, pero naisipan na lang niyang maglakad papunta roon.

Samantala, nang nakaraang Martes ng hapon, sa labas ng CU, nang lumabas mula sa campus si Andrea ay nabigla na lang siya nang makita si Rio. Dala nito ang motor nito at nang makita siya ay nakangiti siyang nilapitan habang hawak ang black nitong helmet.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now