Bola 58

1.7K 242 97
                                    

CHAPTER 58

82-95 na ang iskor at may natitira na lamang apat na minuto bago matapos ang laro sa pagitan ng CU at CISA. Patuloy pa nga ang pagkalampag ng home crowd habang nagpapatuloy ang laro. Nakikita na nga nila ang tagumpay kahit hindi pa man natatapos ang game.

Unti-unti na ring bumabagal ang galaw ng CISA habang ang mga players ng CU ay nanatiling consistent ang galaw. May isang beses ngang sa huling quarter na nagpalit ng players si Coach Wesley maliban sa Big 3 niya. Isa pa, dala rin ng kagustuhang makabawi ni Mendez kay Ibañez ay nasira ang laro nito, dahilan upang mahirapan ang CISA na makadikit sa score ng kalaban.

Napapanood ng mga kaibigan ni Ricky ang laro niya. Sina Mike, Andrei at Roland ay nag-aalala sa kanilang kaibigan. Ni wala silang ideya kung bakit ganoon na kung maglaro ito. Naisip na lang nga nilang masyado pang malakas si Ibañez para rito.

Si Andrea naman ay seryosong pinapanood ang laro ni Ricky sa simula pa lang. Napapansin niya na iba ang binata sa larong ito. Tila ba gustong-gusto nitong talunin si Ibañez. Parang ayaw nitong tumigil hangga't hindi ito napipigilan. Pero sa CU siya nag-aral at alam ng dalaga na hindi pa kaya ni Ricky na tapatan ito sa buong game.

Nakita na ni Andrea na matalo at ma-down si Ricky sa paglalaro ng basketball. Pero iba ang nakikita niyang frustrations dito nang mga oras na iyon. Tila may pinanggagalingan ito. Simula nang masuntok si Ricky at makabalik ay napansin niya ang pagiging seryoso nito. Wala siyang ideya sa kung ano man ang dahilan noon... Pero ayaw ni Andrea na makitang ganito si Ricky. Ayaw niyang makitang maglaro ang binata ng basketball nang ganito.

Hindi ganitong Ricky ang nakasanayan niya.

"Ate? Saan ka pupunta?" tanong ni Andrei sa kanyang kapatid na biglang tumayo at bumaba mula sa crowd.

Sa pagbaba ng dalaga ay nakita niya ang pagtalon ni Ricky palabas ng court upang habulin ang bola. Hindi nito nakuha iyon at nagdagasa sa harapan ng mga manonood.

Ramdam ni Andrea ang frustrations ni Ricky. Nakikita niya iyon sa laro ng binata. Ayaw niyang makitang ganito si Ricky. Gusto niyang makitang masaya ito sa paglalaro ng basketball. Gusto niyang subukang maibalik ito kahit kaunti.

Nilapitan ni Andrea si Ricky nang ito ay muling makatayo. Tumingin muna siya sa crowd. Napakarami siguradong makakakita sa kanya. Marami ring taga-CU ang narito at ang ilan ay kilala siya. Pero bahala na, aniya.

Huminga siya nang malalim. Pero ano ba ang pakialam niya sa makakakita? Alam niya sa sarili niya na may gusto siya kay Ricky at gusto niyang iparamdam sa binata na narito siya.

Manalo man o matalo, mananatili siyang number 1 fan nito.

Nabigla sina Andrei nang makita nilang niyakap ng kanyang ate si Ricky. Nagkatinginan pa ang tatlo nang sandaling iyon.

"Huwag ninyong bibiruin si ate kapag bumalik siya rito..." paalala ni Andrei sa dalawa. Alam naman niya dati pa na may gusto ang kanyang ate rito. Simula nang maglaro ng basketball ang kanyang kaibigan ay napansin na niya iyon sa kapatid.

Sina Mike at Roland naman ay sumang-ayon. Natuwa sila dahil may babaeng nahulog sa kanilang kaibigan. Hindi nila alam kung pansin iyon ni Ricky pero para sa kanila, ayos din kung si Andrea ang maging unang girlfriend nito.

Ang crowd na nakakita sa pangyayaring naganap sa player na si Mendez ay nabigla. May ilan na kinuhanan ito ng pictures. Karamihan ay mga taga-CU at ang ilan dito ay kaibigan mismo ni Andrea.

Sina Macky, ay nabigla na rin lang nang makitang may babaeng yumakap kay Ricky. Doon nga ay nakita nilang tila nag-usap pa ang dalawa. Hindi nila naririnig iyon pero tila may magandang maiidulot iyon para sa kanilang kasama.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now