Bola 60

1.7K 247 38
                                    

MARAMING pagbati at papuri ang sumalubong kay Macky nang dumating siya sa school. Marami ang nakaalam na nagawa niyang sabayan at ilampaso sa match-up nila si Ibañez kahapon. Kahit nga natalo sila ay para sa marami, ipinakita niyang pwede siyang maging number 1 player sa CBL.

"Macky!" wika ng tatlong babae na biglang humarang sa kanyang lalakaran. Tila kinikilig ang mga ito na may hawak pang mga sobre na kulay pink. Alam na niya kung ano iyon, mga love letters.

Sanay na siya sa mga ganoon tuwing pumapasok at kapag nasa school. Minsan nga ay may mga pumupunta pa sa kanyang room para magbigay nito. Minsan din ay hindi puro babae dahil may mga lalaki rin na nagbibigay rin sa kanya ng kung ano-ano.

Nilampasan lang niya ang mga iyon at hindi pinansin. Ni isa sa mga binibigay sa kanya noo pa man ay wala siyang tinatanggap. Wala siyang interes sa mga ganitong bagay. Ang nasa isip lang niya ay basketball, mag-aral at umuwii sa bahay.

Pagpunta niya sa una niyang klase ay sinalubong kaagad siya ng papuri ng mga kaklase niya. Lumampas lang iyon sa kanyang pandinig na tila wala lang.

Sandali siyang tumingin sa kanyang orasan sa kaliwang bisig. Naalala niya na mamaya ay major subjects na nila hanggang hapon. Binuksan na nga niya kaagad ang kanyang maliit na bag at kinuha ang isang notebook ng kanyang mga notes.

Masipag mag-aral si Macky, kahit na karamihan ng oras nito ay sa paglalaro ng basketball. Ayaw niyang bumagsak lalo't graduating na siya sa kurso niyang BSIT.

Maya-maya pa'y may narinig siyang maingay na dumating. Ang ilan sa mga babae niyang mga kaklase ay nag-ingay sa isang parte ng classroom. Naririnig niya ang tili ng mga ito habang nagpapakitaan ng mga pictures ng kanilang korean crushes sa kani-kanilang phone.

Sandaling iginalaw ni Macky ang kanyang mga mata at sumulyap sa pinagmumulan ng ingay na iyon. Parang naiingayan siya. Pagtingin niya roon ay napatingin kaagad siya sa kanyang binabasa.

Nagkatinginan sila ni Kristlyn. Ang kapatid ng kaibigan ng kanyang ate. Ito ang babaeng nirereto sa kanya ng mga iyon noong isang gabi sa bahay nila.

Napailing na lang siya. Inisip niyang wala siyang nalalaman, isa pa, wala siyang pakialam dito. Isa kasi sa ayaw niya sa babae ay ang maingay.

"Takot iyan sa babae..."

Napasara sa binabasa niya si Macky nang biglang pumasok iyon sa kanyang isip. Hindi niya alam sa sarili niya kung bakit siya nahihiyang kumausap ng babae. Tumingin na lang siya sa labas habang hinihintay ang kanilang professor na dumating.

BREAKTIME, kagaya ng madalas na ginagawa ni Macky. Pupunta siya sa cafeteria at bibili ng pagkain doon. Pagkatapos ay pupunta sa maliit na park sa CISA para doon kumain. Sa dami ng bumabati at tinatawag siya ay wala siyang pinapansin sa mga ito, maliban na lang kung kakilala niya o kasama sa team.

Isang juice na nasa baso at isang tinapay na may palamang spread. Ito ang madalas niyang bilihin. Isa pa, hindi mahilig sa softdrinks si Macky.

Tipikal na oras para kumain ito. Kaso, sa paglakad niya ay tila may kung ano'ng bagay ang nagpatalisod sa isa niyang mga paa bago makalabas ng cafeteria. Gumalaw ang hawak niyang plastic cup na may lamang juice at tumapon iyon.

Napatingin pa siya sa kanyang nilakaran, may gumulong palang empty bottle na softdrinks sa kanyang daraanan.

Napailing na lang siya, mukhang nahulog iyon at walang nakakuha para ilagay sa basurahan. Napatingin pa siya sa kanyang baso, at may natira pa naman daw na kalahati. Pwede na raw iyon, ngunit ang hindi niya napansin ay may natapunan pala siya sa kanyang harapan.

Basa ng juice ang harapang bahagi ng puting blouse na suot ni Kristlyn. Bumabakat nga doon ng suot niyang pink na bra dahil sa pagkabasa ng kanyang damit.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ