Bola 44

2.2K 233 70
                                    

CHAPTER 44

SABADO.

Niyaya nga ni Andrea si Ricky na pumunta sa Divine Word College of Calapan, ito ay upang panoorin nila ang laro ng ACLC at DWCC. Sa darating na Huwebes kasi gaganapin ang 4th game nina Ricky kontra sa ACLC. Mabuti na rin daw na panoorin ng binata ito upang makita nito ang mga players ng makakalaban nilang team.

"Tinalo ng ACLC ang CLCC sa una nilang game at base sa nakuha kong balita ay tinambakan nila ang kalaban," paliwanag ni Andrea habang magkatabi sila sa loob ng tricycle habang papunta sa DWCC.

"Number 7 ang ACLC last season nang matapos ang season. Base rin sa napanood kong laro ninyo ay malaki ang tsansa na talunin ninyo sila. Tinalo na ninyo ang Minscat at CCC na mas malakas na team kumpara rito," dagdag pa ni Andrea.

"Kahit na. Kailangan ko pa ring pag-igihan ang laro ko. Mahina man o malakas ang kalaban... Gusto kong consistent ang laro ko," seryosong nasabi naman ni Ricky.

Napangiti na nga lang si Andrea nang marinig iyon. Maya-maya pa ay huminto na ang sinasakyan nila sa harapan ng DWCC. Ang paaralang ito ang padalawa sa pinakamalaking kolehiyo sa Calapan, sunod sa CU. Isa rin ito sa may magandang lokasyon na kolehiyo rito sa lungsod dahil sa sentro ng Calapan ito matatagpuan. Marami rin ngang estudyante ang nag-aaral dito.

"Alam mo ba na ang DWCC ang dating team na nasa Finals? Nag-champion na rin sila ng maraming beses. Kaso, grumaduate na ang mga magagaling na players nila. Kaya ayun... Nawala sila sa top 4." Pagkababa nga ng dalawa ay isang tila trivia na impormasyon pa ang sinabi ni Andrea sa kanyang kasama.

"Pang-ilan ba sila last season?" tanong ni Ricky habang pinagmamasdan ang harapan ng school.

"Nasa 6th place sila," ani ng dalaga matapos iabot ang bayad sa driver.

Napatingin kaagad si Ricky sa malaking monitor sa itaas ng gate at makikita roon ang nagaganap sa loob ng gymnasium nang mga oras na iyon. Madalas niya nga rin itong nakikita kapag umuuwi siya dahil palaging madaraanan ang tapat nito ng kanyang sinasakyan.

Napansin din nga ni Ricky na may mga private vehicles na nakaparada sa gilid ng school at ganoon din sa loob ng school ground.

"Huwag ka ng magulat sa mga sasakyan. Ang mga alumnis ng DWCC na narito sa province ay full support palagi kapag may laban ang kanilang school."

"Nakapanood na ako ng mga laro ng DWCC at karamihan ng nasa crowd ay mga alumnis kasama ang mga anak nila na dito nag-aaral," dagdag pa ni Andrea habang naglalakad patungo sa entrance gate ng school.

Pumasok na nga ang dalawa sa loob ng school. Si Ricky naman panay pa rin ang masid sa paligid. Bibihira kasi siyang makarating dito, dahilan tuloy iyon upang tingnan niya ang bawat makikita sa paligid.

Nakita rin nga ni Ricky ang maliit na simbahan sa loob ng school na nasa gitna ng school. Catholic school din kasi ang DWCC, kaya hindi talaga mawawala ito.

Narating na nga ng dalawa ang entrance ng gymnasium. Kagaya ng sa CU, maganda rin ang loob ng gym. May makintab ding sahig nito. Kompleto rin sila sa gamit kapag may mga larong gaya nito. High-tech din ang orasan at scoreboard na makikita naman sa unahan.

"Ang dami na palang tao kaagad..." wika ni Ricky nang makita ang audience. Lahat nga ng mga narito ay nakasuot ng green shirt. Para tuloy silang naiiba sa loob dahil iba ang kulay ng damit nilang suot.

"Doon tayo!" biglang nakakita si Andrea ng bakante sa may likod ng bench ng DWCC. Mabilis ngang hinawakan ng dalaga ang braso ni Ricky para hilahin ito patungo roon dahil baka maunahan sila.

Nabigla na nga lang ang binata nang maramdaman niya ang malambot na kamay ni Andrea sa kanyang braso. Doon nga ay napabilis sila ng lakad at mabilis na pumunta sa bakanteng upuan na nakita ng dalaga.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt