Huling Bola

2.5K 233 132
                                    

NAHIHIYA si Ricky kay Andrea nang makita niya ito. Kailan nga ba niya ito sinubukang kausapin magmula nang maghiwalay sila? Ni minsan ay hindi niya nagawa sapagkat hindi niya kayang makausap ang babaeng sinaktan niya.

Yumuko si Ricky sa harapan ni Andrea. Wala siyang lakas ng loob na harapin ito. Isa siyang malaking duwag. Isa siyang malaking hunghang nang mga sandaling iyon.

Si Andrea naman ay napabuntong-hininga sa inaasal ni Ricky sa kanyang harapan. Unang-una, wala na talaga siyang balak na kausapin pa ito. Isa pa, nakita niya kung gaano ito kawalang-kwenta pagdating sa nararamdaman nito. Hindi niya alam kung kumusta na ang binata o kung kumusta sila ni Mika. Pinuntahan niya ito dahil hindi niya gusto ang nakikita niya matapos ang pagkatalo ng mga ito sa laban ng mga ito sa DWCC.

"Sisisihin mo na naman ang sarili mo dahil natalo kayo?"

"Kasalanan mo ba kung bakit kayo natalo? Ano? Yuyuko ka na lang?"

Seryosong tinanong ni Andrea ang binata. Napapakuyom siya ng kamao sapagkat napakawalang-kwenta ng ipinapakita ni Ricky Mendez sa kanyang harapan nang mga oras na iyon.

"S-sorry Andrea... Sorry kung nasaktan kita..."

Nang marinig ng dalaga iyon ay nagdilim ang paningin nito at mas lalong naging seryoso.

"Hindi pa ako sigurado sa sarili ko. Duwag pa ako pagdating sa nararamdaman ko. Alam ko, nasaktan kita... Na sinayang ko ang isang tulad mo."

"Pero siguro, karma na ito sa akin. Ang matalo. Ang hindi magawa ang mga pangako ko... Puro lang ako salita..."

Napakagat si Andrea sa kanyang labi nang mga oras na iyon. Ang isa niyang kamao ay kumuyom.

"Umayos ka nga Mendez! Tama na ang pagyuko-yuko mo. Tumingin ka sa akin! Harapin mo ako!" Winika ni Andrea na medyo may kalakasan. Dahilan tuloy iyon upang mapatingin sa kanila ang mga dumaraan at ang nasa terminal sa may coliseum.

Pero wala ng pakialam si Andrea kung marinig ng mga ito ang boses niya.

"Nasaan ang angas mo kapag nasa loob ng court? Itaas mo ang ulo mo! Tumunghay ka Mendez!"

Seryosong tumunghay si Ricky kay Andrea. Nahihiya siyang pagmasdan ito pero tila kailangan niyang gawin iyon. Inaasahan na niya ang galit na mukha nito ang kanyang makikita, subalit nang makita niya ang dalaga...

Nakangiti si Andrea sa kanya at nangingilid ang luha. Isa na sigurong malaking katangahan ang kanyang gagawin ngunit gusto niyang huwag panghinaan ng loob ang binatang nasa kanyang harapan. Gusto niyang maging malakas ito pagdating sa basketball. Gusto niyang mapanood ito muli sa loob ng court. Gusto niyang makitang masayang maglaro ito.

"Kahit wala na tayo! Gusto kong malaman mo na manonood pa rin ang ako ng bawat laro mo! Kaya Mendez! Umayos ka at huwag kang tatanga-tanga..."

"Hindi ba masayang maglaro ng basketball?"

Nang marinig ni Ricky ang mga sinabing iyon ni Andrea ay napakuyom siya ng kanyang kamao. Sa kabila ng mga nagawa niya at sa kabila ng panloloko niya...

Dahil kay Andrea, natutunan niya ang depensa. Dahil sa dalaga, nalaman niyang masayang maglaro ng basketball. Dahil rin sa dalaga, naging masaya siya sa loob at labas ng court... Dahil sa babaeng nasa harapan niya ngayon-- heto ito muli at pinapalakas ang kanyang loob kahit napakasama ng ginawa niya rito.

"Tama ka... Masaya talagang maglaro ng basketball," sambit ni Ricky at dito ay unti-unting gumuhit sa labi nito ang isang kalmadong ngiti.

Naglaho ang ngiti ni Andrea nang makita iyon. Pagkatapos ay tinalikuran na niya ang binata.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now