Bola 49

1.9K 260 28
                                    

CHAPTER 49

PUMILA na nang magkaharap sa gitna ang buong team ng magkalabang koponan. Ang CU Ballers laban sa CISA Flamers. Puti ang suot ng CU habang pula naman ang sa CISA. Dito ay nagkaharap-harap ang bawat isang manlalaro at lahat sila ay seryosong pinagmasdan ang kanilang mga katunggali.

Dati-rati'y hindi iniisip ng CU na malakas ang CISA, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi nila dapat maliitin ang koponang ito. Hindi na raw ito ang team ng mga winless dahil ibang team na ito na posible ring maging banta sa kanilang pagka-kampeon.

Nakangiti namang nagkamayan ang coach ng dalawang koponan na si Coach Erik ng CISA at Coach Wesley na isang half-American.

"Goodluck to us Coach Erik," wika ni Coach Wesley na kumislap pa ang suot na salamin sa mata matapos iyon.

"Thank you! We will do our best to beat you," ani naman ni Coach Erik na napangiti na lang habang kasama ang kompyansang mananalo sila.

Si Rommel at Reynan ay nagkamayan din at pagkatapos ay isang seryosong tingin sa isa't isa ang kanilang ginawa.

"Goodluck," munting sabi ni Reynan sa kapatid matapos itong bigyan ng isang mahinang tapik sa balikat. Napangisi naman si Rommel sa kanya.

"Walang masama kung susubukan ninyong manalo, pero kami pa rin ang mananalo rito," kompyansang sagot naman ni Rommel sa kanyang kuya.

Inaasahan na naman iyon ni Reynan mula rito. Napatingin na rin nga lang siya sa ibang members ng CU. Napansin nga niyang nanliliit sila kung ikukumpara sa team na ito, lalo na nga't sa Power Forward position maglalaro ang Fil-Am player ng mga ito na si Arjay McHenry. Mukhang ito raw ang makakatapat niya.

Seryoso namang tiningnan ni Kier ang dati niyang team. Nginisian nga lang siya ni Ibañez at binati na parang may laman.

"Goodluck Kier. Mukhang nakita mo na ang team na bagay sa iyo..." winika ni Ibañez, kasunod din nga nito ay ang kanyang pagtawang kasama rin ang ilang mga bench players na madalas ding gawin ito kay Kier.

Imbis naman na mainis si Kier ay kumalma lang siya at bahagyang napatingin sa kanyang mga kasamahan sa CISA. Napangiti na nga lang siya at ngumisi kay Ibañez.

"Tama ka Ibañez... Bagay nga ako sa team na ito kumpara sa team mo..." ani Kier sabay tingin nang maangas dito.

Pagkatapos naman noon ay si Ibañez at Romero naman ang nagkaharap. Inalok nga ni Ibañez ng pagkakamay ito, pero hindi iyon pinansin ni Macky.

"Tingnan ko ang galing mo Silent Mamba..." kampanteng winika ni Ibañez.

"Ipapakita ko sa crowd na hindi mo pa rin ako kaya," dagdag pa nito at si Romero ay napatapik na lang sa balikat nito.

"Hindi ako ang babantay sa iyo... Ipapaubaya kita sa player naming may number 3 sa jersey," winika ni Romero, sabay alis sa harapan ni Ibañez.

"Diyan kayo lalong matatalo Romero..." sabi naman ni Ibañez, ngunit hindi na ito pinansin ni Macky at dumiretso na lang ito sa kanilang bench para maghanda.

Bago iyon ay nagkaharap din si Ibañez at Mendez. Seryoso lang na tiningnan ni Ricky si Karlo at pagkatapos ay nilampasan na niya ito na tila hindi nakita. Napangisi na lang dito si Karlo. Natawa pa nga ito at ang ilan niyang kakampi dahil sa nakitang maliit na player na iyon.

"Huwag kang umasa Mendez na matatalo mo ako, dahil hanggang dito ay pababagsakin kita..." pahabol pa ni Ibañez dahilan para mapahinto si Ricky at iangat ang kanyang kanang kamay sa tapat ng kanyang ulo.

Nakakuyom ang kamao ni Ricky kasunod noon ay ang pag-angat ng gitnang daliri nito sabay ngisi habang naglalakad papunta sa kanilang bench.

Si Ibañez ay bahagya na namang nakaramdam ng inis sa ginawang iyon ni Mendez, pero kinalmahan niya ang kanyang sarili. Doon nga ay kinausap na ng kani-kanilang coaches ang magiging starting 5 nila.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon