Bola 52

2.1K 218 30
                                    

CHAPTER 52

NAGPATULOY ang laro ng CISA at CU. Iba nga ang naganap nang magsimula ang second quarter dahil hindi pinalaro ng CU ang kanilang star player na si Ibañez. Sa pagkakataong ito ay binigyan ni Coach Wesley ng tungkulin si Rommel Alfante upang ito ang magmani-obra sa opensa ng kanilang koponan. Sinimulan nga ito ni Rommel sa isang hindi inaasahang pasa sa kanyang kakamping si Marquez at maging si Ricky ay hindi rin inaasahan iyon.

Dahil sa pangyayaring iyon, ang home crowd nga ay nagsimula na namang umingay. Matapos iyon ay kalmado ring bumaba para sa depensa ang CU Team. Si Rommel nga ay inaabangan na lang ang pagdating ni Mendez at wala siyang balak na agawan ito ng bola. Ang tanging nasa isip niya ay ang abangan lang ang gagawin nito. Alam kasi niyang ma-alin lang kina Romero at Cunanan ang papasahan nito. Isa pa, mahihirapan daw itong magbigay ng bola sa ilalim dahil alam daw nito kung gaano katinik sa depensa ang frontcourt nilang sina McHenry at Rojas.

Hawak na nga muli ni Ricky ang bola. Mas naging maingat lalo siya ngayon dahil iba na ang estilo ng kanyang defender. Nag-aabang lang ito ng pagkakataon, dahil katulad na lang nga kanina nang bigla itong lumitaw sa harapan niya para kuhanin ang bola.

Pinagmasdan nga rin ni Ricky ang pagtakbo nina Macky at Kier. Sa ilalim ng basket tumakbo ang dalawa na sinusubukang makatakas sa kanilang defenders. Ginamit nga nila sina Reynan at Rodel para pansamantalang i-delay ang paghabol sa kanila nina Marquez at Rosales.

Dito na nga nakakita ng pagkakataon si Mendez. Nag-dribble siya at bahagyang tumalikod kay Rommel. Nakikita niya kasing dadaan sa likuran niya ang dalawa niyang kakampi.

Si Rommel naman ay nanatiling nakaabang nang mga oras na iyon. Nakita nga niya na bahagyang nakatakas sina Romero at Cunanan sa mga kakampi niya. Dito na nga bahagyang sumenyas gamit ang isang kamay ang binata. Nakita naman iyon nina McHenry at Rojas at dito na nga kumilos ang dalawang ito. Bahagyang pumwesto ang mga ito sa tagiliran ni Mendez. Nabigla pa nga ang crowd sa kanilang nakita, dahil kinulong nina Rommel Alfante si Mendez sa pwesto nito.

"Ipasa mo sa akin," bulalas ni Macky habang papalapit kay Ricky, ngunit nagulat siya nang madikitan na naman siya ni Marquez. Ang dikit nga agad ng depensa nito sa lalo't alam niyang isang magaling na player si Macky Romero.

"Ito ang depensang CU..." sambit pa ni Marquez sa sarili. Ito ang larong CU Ballers! Kailangang maging isang magaling daw na defender ang bawat isa sa kanilang team. Hindi raw sapat na magaling lang sa opensa rito dahil halos lahat ng players ng CU ay mga two-way players, Lahat sila ay may opensa, at lalong may depensang kayang bumantay sa kahit sinong magaling na player ng kalaban.

Si Kier naman, mabilis ding nadepensahan ni Rosales. Dahil doon, kung kaya nga ay naharangan si Ricky ng tatlong taga-CU. Wala tuloy siyang makitang lusot dahil doon. Dalawang matangkad kasi ang kasalukuyang sinusubukang agawin ang bola mula sa kamay niyang nakadakot na lang sa bola.

Ito na nga ang naging pagkakataon ni Rommel, at mabilisan niyang tinapik ang bola mula sa kamay ni Mendez. Nag-ingay nga muli ang crowd dahil sa mga nakita nila. Isa na namang turnover ang na-commit ni Ricky Mendez.

Dumagundong na naman nga ang cheer mula sa home crowd. Sina Rosales at Marquez ay napakabilis ding bumaba sa side nila. Wala ngang choice sina Kier at Macky kundi habulin ang mga iyon.

Si Rommel nga ay mabilis na nakuha ang bolang tumapon mula sa mga kamay ni Ricky. Si Ricky naman ay susubukan sanang habulin ito ngunit bumangga siya sa katawan ni Rojas. Isang screen ang na-set nito, dahilan upang si Rommel ay malaya at mabilis na madala ang bola sa side nila.

Sina Macky at Kier naman ay walang magawa sa pangyayaring iyon. Hindi rin kasi nila pwedeng iwanan ang binabantayan nila dahil mga shooter ang mga ito.

Napangisi na nga lang si Rommel dahil sa mga nangyari. Libreng-libre nga niyang pinakawalan ang isang simpleng lay-up na muling nagpa-ingay sa home crowd nila.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now