Bola 29

2.7K 203 115
                                    

CHAPTER 29

SANDALING nahinto ang laro dahil sa nangyari kay Ricky Mendez. Ang magkabilang team nga ay nakaupo na sa kani-kanilang bench. Sa team ng CISA, ay makikita ang katahimikan ng bawat isa. Akala kasi nila ay hindi napapagod si Ricky. Ngunit nagkamali sila. Inaalala nga nila kung okay lang kaya ito? Gusto nga sana nilang samahan ito sa ambulansya ngunit may laro pa silang kailangang tapusin. Isa pa, dahil wala na si Ricky ay wala ng magaling na defender ang babantay kay Avenido. Kung wala raw babantay rito ng kagaya ng depensa ni Ricky, ay magagawa na raw nitong makapuntos nang malaya kung magpapatuloy ang game.

"Gawin nating inspirasyon si Ricky! Gusto kong kapag pumunta tayo sa ospital ay masaya tayo!"

"Gusto kong manalo tayo para sa efforts niya!" seryosong sinabi ni Reynan sa kanyang team.

Napangisi na lang si Cunanan nang marinig iyon. Napakuyom din nga siya ng kamao at pinagmasdan ang score nila sa Minscat. Tila nga naalala niya ang laro ni Ricky. Naalala rin niya ang pagpuntos nito sa free-throw line. Hindi nga niya nakikitang pina-practice iyon ni Ricky sa practice nila. Ibig-sabihin...

"Pinapahanga mo ako Mendez..." sambit ni Cunanan sa sarili.

"Mananalo tayo..." Bigla namang may isang boses na narinig si Cunanan. Mula nga iyon kay Macky na tinapik pa siya sa balikat. Kalmado pa rin si Macky sa kabila ng nangyari. Iba nga ito sa Macky na nakita ni Cunanan noong second quarter.

Napalingon din naman sandali si Cunanan sa kanyang mga kakampi. Napaseryoso na lang siya nang makita ang mata ng bawat isa. Hindi na nga ito ang mga players na nakita niya sa unang araw niya sa practice game dati.

"Naimpluwensyahan mo talaga kahit itong mga nasa team natin na magpasikat lang ang dahilan... Tss." Inayos na nga ni Cunanan ang tali ng kanyang sapatos.

Si Romero naman ay inayos ang wristband sa magkabila niyang bisig. Inayos din nga niya ang pagkakatali ng kanyang sapatos. Bumalik na rin nga sa court ang dalawa, kasunod nina Alfante, Reyes at Zalameda.

Dalawang matangkad na player nga ang ipinasok ni Coach Erik. Sinalubong na nga kaagad ng malakas na cheer mula sa crowd ang lima.

Nakabalik na rin ang players ng Minscat sa loob ng court dahil kanila ang possession. Si Avenido nga ay tila nanibago. Tila nasa isip pa rin nga niya ang depensa ni Mendez. Hindi siya natuwa sa nangyari rito, ngunit wala siyang magagawa dahil parte ito ng laro. Isa pa, oportunidad na rin daw ito upang ipakita naman niya ngayon ang kanyang galing sa basketball.

"Wala ng babantay sa akin. Wala ng makakapigil sa akin," sambit nga ni Avenido sa sarili.

Sinalubong nga ng malakas na cheer ang magkabilang koponan nang bumalik ang mga ito sa loob ng court. Sa Minscat ang possession at si Manalo ang nagbaba ng bola. Tila nga nag-iba ang atmospera ng laro nang mga sandaling iyon.

"Pasa!" bulalas ni Avenido at mabilis nitong sinambot ang bola mula sa kakampi.

Kalmado nga niyang hinarapan si Romero. Ito na nga ngayon ang bumabantay sa kanya. Dito ay nginisian niya ito at isang malumanay na dribbling ang kanyang ginawa. Sinundan din niya iyon ng paggalaw pauna, at isang maliksing pag-atras ang kanyang isinunod.

Hindi nga iyon nabasa ni Romero at isang step-back jumper ang ginawa ni Avenido. Napahanga nga noon ang ilan sa mga manonood. Pumasok rin ang tirang iyon at seryosong tiningnan ni Avenido sa mata si Romero.

56-65.

Pero imbis na mainis naman si Romero sa nangyari ay naging kalmado pa rin ito. Wala kasing ibang nasa isip niya kundi ang ayusin ang kanyang laro. Gusto niyang puntahan si Ricky na dala ang pagkapanalo. Napatingin siya sa shot oras at may natitira pang 20 seconds bago matapos ang 3rd quarter. Nilampasan na nga siya ni Cunanan na dala-dala na ang bola.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon