Bola 43

2.1K 274 60
                                    

CHAPTER 43

MAPAPANSIN ngang halatang interesado si Chloe kay Ricky. Alam din nga ito ng kanyang mga pinsan na pinasusundan pa talaga nila ng kantyaw, dahilan para si Ricky ay bahagyang mahiya.

Hindi rin naman kasi akalain ni Chloe na mapupukaw ang tingin niya sa player na may number 3 sa jersey ng CISA sa laban ng school nilasa mga ito. Ang hustle at ang tibay sa paglalaro ng binata ay tila naka-agaw sa kanyang atensyon nang sandaling iyon. Isa pa, ang nakapukaw lalo sa kanyang atensyon dito, ay ang ginawa nito kay Karlo Ibañez na alam niyang mahilig manloko ng babae.

"Chloe, pero crush mo si Ricky?"biglang kantyaw ng isa sa mga pinsan nito na kumakain ng salad.

Napangiti na nga lang nang bahagya ang dalaga. Hindi ito sumagot at mas pinili na lang na kumain ng nasa mesang lumpiang shanghai.

"Ricky, single ka ba?"tanong naman ng isa pa sa mga pinsan ni Chloe.

Napangiti na nga lang si Ricky, ang totoo nga ay gusto na niyang umalis sa pwesto niya dahil hindi na siya komportable sa mga pinsan ni Andrei.

"May girlfriend ka ba bro?"tanong uli ng isa pang pinsan ni Chloe sa binata.

Umiling na lang si Ricky bilang pagtugon dito. Iyon nga ang kanyang isinagot at nang makita iyon ng mga ito ay todo ulot agad sila sa pinsan nilang si Chloe.

"Chloe... Single daw. Ikaw na ba ang manliligaw?" Kasunod noon ay ang pagtawa ng mga ito.

"Sira! Shut up!"napapangiting tugon ni Chloe at pagkatapos ay nginitian niya si Ricky na naging dahilan para asarin silang dalawa lalo.

Sa kabila naman nga ng ingay at kantyaw sa paligid ni Ricky ay pasimple siyang napapasulyap kay Andrea. Iniisip niya nga kung kumusta na kaya ito? Pakiramdam nga niya ay matagal na niyang hindi nakakausap ito. Kung tutuusin nga naman ay siya rin daw ang pumiling hindi na ito kausapin o i-chat. Ni hindi man lang daw niya nasabihan ito, bagkus ay bigla na lang siyang nawala.

Nang mga oras ding iyon, ay tila si Andrea lang ang walang pakialam sa nangyayari sa paligid. Nakatutok lang nga siya sa telebisyon habang kumakain ng ice cream... Pero sa loob-loob niya ay nakaramdam siya bigla ng inis sa pinsan niyang si Chloe na kasalukuyang katabi sa sofa si Ricky. Naiinis din nga siya sa mga pinsan niyang kinakantyawan ang mga ito.

"Maarte iyang si Chloe!"

"Playgirl iyan!"

Tila gustong magsalita ni Andrea at sabihin iyon kay Ricky, ngunit hindi pwede. Doon nga ay mas pinili na lang niyang kumain ng malamig na ice cream. Isa pa, naiinis din siya kay Ricky dahil bigla na lang itong nawala nang walang pasabi sa kanya. Ni hindi man lang daw ito nagpaalam sa kanya. Kaso, napaisip din siya kung kailangan pa ba nitong magpaalam sa kanya?

"Sino ba ako sa lalaking iyan?"

"Kapatid lang ako ng kaibigan niya. 'Yun lang iyon!"

Maya-maya pa nga ay tumayo na si Andrea at pumunta na lang sa kusina para uminom ng tubig. Parang ayaw na nga rin niyang bumalik sa salas dahil parang nainis siya sa mga nagaganap doon.

Binuksan niya ang refrigerator at kinuha ang kanyang tumbler. Pagkatapos noon ay uminom na siya ng tubig. Nagdesisyon na nga lang din siya na huwag ng bumalik sa salas. Napatingin na nga lang siya sa mga pagkaing nasa mesa na kuhanan ng mga ihahain sa labas. Nakita niya rito ang spaghetti at ang carbonara. Kakaunti pa lang daw naman ang nakakain niya at parang gusto niyang kumuha rito.

Pasimple pa muna siyang tumingin sa paligid. Walang tao! Pagkatapos noon ay kumuha na si Andrea ng plato mula sa lagayan. Pasimple nga siyang sumandok sa mga lalagyanang target niya. Tila nga isa siyang magnanakaw ng pagkain sa sarili niyang bahay nang mga sandaling iyon.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now