Bola 26

2.7K 162 35
                                    

CHAPTER 26

ANG mga fans ng CISA ay natahimik na lamang nang lumipas ang unang limang minuto ng game. Kumpara nga sa CLCC, ay ibang team ang Minscat. Napatawag nga ng time-out si Coach Erik para mapahinto ang momentum ng kalaban. 2-20 agad ang score at nakikita naman niya na maganda ang laro ng players niya ngunit hindi iyon sapat. Pagod na nga kaagad ang kanyang starting 5, at sa oras na palitan naman niya ang mga ito ay mas lalong lalaki raw ang lamang ng kalaban.

Mahigpit na depensa at ang malakas na laro mula kay Avenido at Gado! Iyon ang kaagad nagpahirap sa CISA. Matapos ang turnover ni Avenido sa pagsisimula ng laban ay hindi na ito mapigilan ni Ricky. Napipilitan tuloy silang i-double team ito. Subalit naging sakit din sa ulo nila ang player na si Gado na tila mas lumakas pang maglaro mula nang lumipat ito ng school. Isa pa ring problema nila ay ang rebounding. Nakakakuha nga ng offensive rebounds ang center na si Teng, dahilan upang makakuha rin ng second-chance points ang Minscat.

Napainom na nga lang ng tubig si Kier matapos makaupo. Wala pa siyang naiipuntos dahil hindi siya makalusot kay Gado. Kung makalusot naman daw siya ay hindi siya mapagbigyan ni Teng. Ramdam niya ang pagod pero alam niyang hindi siya pwedeng magpahinga. Kung magpapatuloy raw ito, ay mahihirapan silang makahabol sa mga susunod na quarter.

May inis namang nararamdaman si Macky habang uminom ng tubig. Hindi niya maisip na parang mas magaling na raw sa kanya si Gado ngayon. Dati-rati'y hindi raw ito manalo sa kanya sa one-on-one, pero kanina, may isang possession nga kung saan dinepensahan niya ito... At doon ay naiwan siya dahil sa ginawa nitong crossover sa kanya.

Si Reynan naman ay nanginginig ang binti sa pagod. Hirap na hirap siyang makipagpwestuhan kay Teng. Ni hindi raw siya basta makaagaw ng magandang rebound dito. Bawat ginawa rin niyang tira ay hindi makalusot sa kanyang katapat dahil sa depensa nito. Sa madaling-salita, ay wala siyang binatbat sa player na iyon.

Pinilit ngang hanapan ni Coach Erik ng butas ang ginagawa ng Minscat sa kanila pero masyadong mahirap daw ito, lalo't nakikita niyang pagod na ang mga players niya. Isa nga lang ang nakikita niyang paraan at iyon ay ang sabayan ang Minscat. Subalit, sa itsura ng mga players niya, ay parang napakahirap daw na gawin iyon. First quarter pa nga lang daw ito, at paano pa raw kaya sa natitirang tatlong quarters?

Si Ricky naman, matapos uminom ng tubig ay muling napatingin sa kanyang sapatos. Maluwag nga ang sintas noon. Ramdam na nga niya iyon kanina pa, bago pa man siya pumunta sa court... kaso, hindi na niya naayos iyon dahil sa mga nangyari. Napatingin din nga siya sa bench ng Minscat. Alam niyang magaling si Avenido... pero hindi pa raw natatapos ang laban, at marami pa raw na pwedeng mangyari. Doon nga ay napatayo siya bigla, dahilan para mapatingin sa kanya ang mga kasama niya. Makikita man sa mukha ni Ricky ang dami ng pawis, ngunit ang totoo ay hindi pa siya pagod. Dahil kasi ito sa araw-araw niyang pagtakbo. Dahil din sa walang tigil niyang pagtakbo sa loob ng court tuwing practice nila... Hindi na raw sapat ang limang minuto para mapagod siya kaagad, kung ikukumpara dati.

Iginalaw-galaw pa ni Ricky ang kanyang paa. Parang naging komportable na raw ang kanyang paghakbang, kumpara kanina. Pakiramdam kasi niya kanina ay madadapa siya o madudulas na hindi naman niya inintindi dahil mas lalo raw siyang maiiwanan ni Avenido.

"Ri-ricky? Okay ka lang?" biglang tanong naman ni Coach Erik sa kanya.

"Okay lang ako Coach! Ano po ba ang gagawin namin? Hindi pa tapos ang laro, hindi po ba?"

Napailing na lang si Kier nang marinig iyon mula kay Ricky. Tumayo na rin nga siya at ngumisi. Nilapitan din niya si Ricky at ginulo ang buhok.

"Saan mo ba nakukuha ang mga salitang iyan Mendez?" tanong ni Kier at pagkatapos ay tiningnan naman niya ang kanyang mga kakampi.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now