Bola 23

2.9K 182 34
                                    

CHAPTER 23

ISANG magandang ngiti ang nakita ni Ricky mula kay Andrea nang oras na iyon. Nang mga oras ding iyon, ay sandaling napatitig ang binata rito nang hindi niya namamalayan. Simple lang ang itsura ng dalaga pero hindi niya maiwasang mapangiti rito.

"Kilala mo siya Andeng?" tanong ng nanay ng bata na kasama nito.

"Yap! Tropa ni Andriano. Classmate. Minsan ay nasa bahay siya," wika naman ni Andrea rito.

Tila napatingin naman sa ibang lugar si Ricky. Nabigla siya dahil nakatitig pala siya sa dalaga, iyon ay upang hindi ipahalata rito. Nginitian naman niya ang kasama ni Andrea.

"Kaibigan ko po ang kapatid niya," dagdag pa ni Ricky na parang nahihiya nang mga oras na iyon.

"Salamat nga pala sa iyo. Siguro, pumalakat na ng iyak itong anak ko kanina. Paborito pa naman nito ang ice cream," wika ng ina ng bata habang hawak sa tabi ang anak.

"Muntik na nga pong umiyak," wika ni Ricky na napatingin pa sa bata.

"Siya, sige na. Uuna na kami. Andeng, salamat. Sa iyo rin..." wika ng ina ng bata at pumara na nga ito ng tricycle.

Si Andrea naman ay nilapitan ang bata at niyakap.

"Pa-kiss muna ang ninang!" Halos idiin na ng dalaga ang mukha sa cute na pisngi ng bata na nagpupumiglas na nga. Si Ricky naman ay napapangiti na lamang nang oras na iyon.

"Ba-bye!" wika ni Andrea sa mag-ina nang makasakay ang mga ito sa tricycle. Pagkatapos, ay doon na nga lumayo ang mga ito. Naiwanan naman sa tabi ng kalsada sina Ricky at Andrea.

Ilang mga sasakyan ang dumaan sa harapan ng dalawa. Tila nga nagpakiramdaman sina Andrea at Ricky. Pareho nga nilang gustong magsalita pero pareho rin nilang hinihintay ang isa't isa.

"Nasaan---"

"Nasa pla---"

Sabay na nagsalita ang dalawa nang magharapan. Sabay rin silang tumigil sa pagsasalita dahil doon.

"Ikaw muna..." sabay rin nilang nasabi. Napangiti tuloy sila sa isa't isa. Hindi nga nila malaman kung sino ang unang magsasalita.

"Ladies first. Before the monkey," biro ni Ricky at si Andrea ay napangiti naman nang pilit sa joke na iyon.

"Grabe. Monkey talaga?" Pinasadahan pa ng tingin ni Andrea si Ricky. Kumpara raw nang huling nakita niya ito noon, nang sinamahan niya itong bumili ng sapatos, ay napansin niyang nagmukhang tao ang porma nito ngayon.

"May monkey bang ganyan pomorma?" dagdag pa ni Andrea at napangiti naman si Ricky.

"Nasaan ang ka-date mo?" tanong nga ni Andrea, at ang ngiti naman ni Ricky ay unti-unting naglaho nang marinig niya ang tanong na iyon.

"Wala. Hindi nakapunta. May emergency." Natawa na lang si Ricky at kita sa mga mata niya na may lumbay ang tawang iyon.

"Aw! Sad naman!" wika naman ni Andrea at tinapik na lang ang balikat ng binata.

"Okay lang iyan! Sino ba iyang ka-date mo sana?" tanong ng dalaga.

"Si Mika." Ang sagot na iyon ni Ricky ang umalis naman ng ngiti ni Andrea. Dito na nga niya naramdaman na nalungkot si Ricky dahil doon. Alam niyang may gusto ito roon at ramdam niyang siguro, excited si Ricky kanina.

"Hindi ka pala okay..." wika ni Andrea.

Ngumiti si Ricky habang nakatingin sa dalaga.

"Okay na! Hindi naman ako dapat malungkot. May emergency kasi. Baka may nextime pa!" wika ni Ricky.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now