Bola 46

2K 232 34
                                    

CHAPTER 46

HUWEBES, ito na nga ang araw ng ikaapat na laro ng CISA kontra sa ACLC. Nakakapanibago nga kung titingnan ang bilang ng mga manonood sa maliit na covered court ng kanilang paaralan. Punong-puno kasi ito. Hindi nga ito kagaya ng ibang school na may mauupuan ang mga manonood sa palibot. Kumbaga, kailangang matangkad ka at handa kang tumayo nang matagal para makita ang mga nasa loob ng court. Maswerte nga ang mga manonood na nauna sa stage at ang mga nauna sa mismong gilid ng lugar dahil hindi na sila mahihirapang manood. May iba rin namang mautak na nagdala na ng mga upuan na matatayuan, ang kaso nga lang, ang daming magrereklamo na nasa likuran ng mga ito kapag nagkataon.

May ilan ring mga taga-ibang schools din ang nagpunta rito, kaso, walang mapwestuhan ang mga ito dahil puno na agad ang palibot ng paglalaruan. Wala tuloy silang choice kundi pagmasdan ang mga ulo ng mga manonood na nauna sa kanila. Mabuti na nga lang at may mga teachers na gagamitin ang kanilang phone para mag-live sa kanilang social media accounts. Ang gagawin naman ng iba ay manonood na lang sila sa kanilang facebook... Ngunit iba pa rin kasi ang pakiramdam kapag nakikita mismo nila ang laro, iyon nga lang, no choice sila dahil naunahan na sila sa pwestuhan.

"Mabuti na lang at nauna tayo rito sa stage. Kung hindi, nandiyan tayo sa gilid at nakikipagsiksikan," ani Roland na katabi sina Mike at Andrei. Nakaupo nga ang tatlo sa stage sa dulo ng covered court. Okupado na nga rin ang lugar na iyon ng mga estudyante ng CISA.

"Hindi ko akalaing dudumugin ang larong ito... Ngayon ko lang nakitang full support ang mga estudyante rito sa CISA sa basketball team natin..." wika naman ni Mike habang may kinukuha sa bag niyang may lamang mga pagkain.

"Mabuti na lang ate at sumabay ka na... Kung nahuli ka pa, baka, nandun ka sa damuhan. Nanonood ng mga bunbunan," wika naman ni Andrei na katabi nga ang ate niyang si Andrea.

"Kaya nga... Hindi ko rin ini-expect na ganito karami ang tao rito ngayon," wika ni Andrea na pinagmamasdan ang mga nagkalat na manonood sa school ground. Ito nga ay ang mga wala ng pag-asa na makita nang maayos ang laro maya-maya.

Sandali rin ngang sumulyap si Andrea sa bench ng CISA. Nakahanda na nga ang lahat ng naroon. Lahat sila ay nagre-ready na para sa warm-up. May mga taga-ACLC Team na rin nga sa loob ng court ang nagpapasahan ng bola at nagso-shooting. Pagkatapos nga noon ay binuksan na ni Andrea ang kanyang phone at ini-open ang kanyang messenger.

"Gudlak, nandi2 ako sa stage. Ksama nina andriano. :)" chat ni Andrea at pagkatapos ma-send ay napangiti na lang ito.

Biglang kinalampag naman ng crowd ang buong lugar nang magsipasok na sa loob ang mga players ng CISA. Isang nakakarinding tili nga kaagad ang ginawa ng mga Romero fans na nasa likuran lang ng bench ng CISA.

Napangiwi na lang nga ang mga kakampi ni Macky nang marinig iyon. Maging si Coach Erik ay ganoon din, na pasimple pang napalingon sa likuran. Napapangiti na nga lang siya dahil ngayon lang daw yata niya nakitang punong-puno ang audience area dahil lang sa isa nilang laro sa CBL.

"Nakakatuwang maglaro ngayon lalo... Homecourt na homecourt advantage tayo," nakangiting nasabi ni Reynan habang nagpapatalbog ng bola.

"Tss. Hindi na bago sa akin ang ganito... Isa pa, wala akong pakialam sa homecourt-homecourt na iyan," sambit naman ni Kier na biglang nag-drive patungo sa basket.

"Zalameda! Depensahan mo ako!" bulalas pa ni Kier nang makita si Rodel sa kanyang daraanan.

Napangisi naman si Rodel at mabilis niyang inihanda ang kanyang sarili. Papalapit na nga si Kier kaya binigatan na niya ang kanyang pagkakatayo.

Nakangisi lang si Kier na umatake at pagkatapos ay malumanay siyang huminto sa harapan ni Rodel. Binabasa naman ni Rodel ang kilos ni Kier sa pamamagitan ng pagtingin sa mga paa nito at sa bola. Umaalingawngaw nga sa tapat nila ang sal-itang pagtalbog ng bola. Kasunod din noon ay nagkatinginan ang dalawa at nagkangisian.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now