Bola 13

2.3K 154 15
                                    

CHAPTER 13

LINGGO, isang araw ang lumipas matapos ang practice game ng CISA at SW. Alas-onse na nga ng umaga ang oras nang sandaling iyon. Pagkamulat ni Ricky ng kanyang mga mata ay naramdaman niya kaagad ang pananakit ng kanyang katawan, idagdag pa nga ang ilang sugat na nakuha niya mula sa nangyaring practice game kahapon. Gusto nga niyang bumangon mula sa pagkakahiga pero pakiramdam niya ay hindi niya pa kaya. Napalingon na lang siya sa kanyang kaliwa at hinanap niya ang kanyang cellphone. Iginala niya ang kanyang dalawa kamay upang kapain kung saan ito napunta. Nang may maramdaman siyang kung ano sa may tagiliran niya ay kanyang kinuha agad iyon.

"11 na pala," wika na lang niya sa sarili matapos tingnan ang oras. Doon ay pinilit na nga niyang makabangon dahil masyado na raw tanghali para humiga pa siya. Lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa CR para maghilamos. Iika-ika pa nga siya sa kanyang paglalakad patungo rito.

"O? Ano okay ka lang?" Napansin nga siya ng kanyang nanay sa pagdaan niya sa harapan nito.

"O-okay lang po. Nanibago lang po ako sa paglalaro ng basketbol," nangingiting sagot naman ni Ricky at pagkatapos ay pumasok na siya sa CR. Napatingin naman din siya sa salamin pagkatapos maghilamos. Napansin niya ang sugat sa kanyang mukha, sa kanyang kanang pisngi. May gasgas ditong makikita dahil sa laro kahapon.

"Napansin mo kaya ako Mika?" wika niya sa sarili habang dinadama ang sugat na iyon sa kanyang pisngi.

LUNES.

Normal na araw na naman ito para kay Ricky. Dire-diretso nga agad siya sa kanyang unang klase gaya ng kanyang ginagawa.

"P're! Wait!" Narinig iyon ni Ricky habang siya ay naglalakad at kilala na rin niya kung sino iyon.

"Pare! Pasabay na!" wika pa ng isa at ang mga kaibigan niya itong sina Roland.

"Ang galing mo p're, biruin mo, inalok kang sumali sa CU team ni Ibañez?" nasabi naman ni Andrei na nasa kaliwa ni Ricky.

"Oo nga, inalok ka! Ibig-sabihin, magaling ka," dagdag naman ni Roland na nasa kanan nito.

Napangiting-pilit na lang si Ricky nang maalala iyon.

"Wala namang magaling sa ginawa ko. Zero points nga," wika ni Ricky na may kaunting pagtawa.

"Alam mo kasi pare, hindi kasi sa pag-score ang nakita nila siguro," ani naman ni Mike na nasa kanan ni Roland.

"Ang depensa! Ang lupit mo pare! Biruin mo, nagawa mong depensahan ang isang Rio Umali?" wika ni Roland na may kasama pang pag-akbay sa kaibigan.

"Kahit na, baka, nagbibiro lang ang mga taga-CU na iyon," ani naman ni Ricky na hindi maniwala sa papuri ng mga kaibigan.

"Uy! Si Mika!" bulalas naman bigla ni Mike. Si Ricky tuloy ay nabigla at napatingin sa paligid.

Napatawa agad ang tatlong kaibigan ni Ricky nang makita ang reaksyon niya. Ang totoo'y wala naman talaga si Mika.

"Hanep kayo! Kinabahan ako..." natatawa na lang si Ricky matapos sabihin iyon. Pero, biglang may tumawag sa kanyang pangalan mula sa kanilang likuran nang mga sandaling iyon. Boses ito ng isang babae.

"Ricky!"

Tila may tumamang kidlat kaagad sa puso ni Ricky nang marinig iyon. Kilalang-kilala niya ang pinagmulan ng malumanay at magandang boses na iyon. Kinabahan tuloy siya at tila 'di kaagad makagalaw.

"Good morning!" nakangiting bati ni Mika sa apat habang nakatingin kay Ricky.

"Goodmorning Mika!" wika naman ng tatlong kaibigan ni Ricky na parang nakakita ng anghel nang mga oras na iyon.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now