Bola 12

2.3K 157 23
                                    

CHAPTER 12

"SINO sila?"

Narinig iyon ng karamihang nasa malapit sa bench ng CISA. Isang tanong na imposibleng maitanong ng isang varsity player na kasali sa CBL dahil halos lahat kasi ng mga estudyante sa bawat college ay kilala ang tatlong naka-CU varsity jacket na dumating sa loob ng gym. Kaso, hindi talaga sila kilala ni Ricky Mendez. Hindi niya kilala ang mga ito dahil ni minsan ay hindi naman siya talaga nagka-interes sa larong ito. Kaya nga ang pagdating ng tatlong iyon ay normal lang para sa kanya. Isa pa, gusto lang niyang uminom ng tubig at makapahinga dahil sa pagod nang oras na iyon.

"H-hindi mo sila kilala?" sigaw ng isang taga-SW na malapit sa bench ng CISA. Isang pagtawa naman mula kina Roland ang sunod na narinig doon.

"Hindi talaga sila kilala ng aming tropa dahil hindi naman siya naglalaro dati ng basketball!" may kalakasang wika ni Roland na napaseryoso pa ng tingin sa kanyang dalawang kaibigan, na naging dahilan din upang mapatingin ang lahat kay Ricky. Ganoon din nga ang mga nasa bench ng SW ay hindi rin naiwasang matuon ang pansin sa binata.

Isang baguhan?

Napakuyom ng kamao si Rio nang marinig iyon. Isa palang baguhan ang nagawang agawan siya ng bola-- I-block ang kanyang jumpshot-- Isang baguhan ang dinipensahan siya na kahit magkanda-bagsak ay hindi pa rin tumitigil.

Wala namang naging pakialam si Ricky sa reaksyon ng marami. Ang nasa isip niya lang nang mga sandaling iyon ay ang magpahinga. Hindi na nga siya pinalaro ni Coach sa natitirang segundo ng 3rd quarter dahil sa pagod. Sa huling segundo nga ng quarter ay nakagawa pa si Rio ng isang three-points shot. Harap-harapan niya iyong ginawa sa star player ng CISA na si Romero. 78-83 ang naging iskor matapos iyon.

"Hindi kami dapat matalo! Isang baguhan pala?"

"Hindi kami dapat matalo rito... lalo pa't nanonood ang mga iyon ng practice game na ito!" seryosong sinabi pa ni Rio sa sarili na kalmadong naglalakad pabalik sa kanilang bench. Seryoso rin niyang pinagmasdan ang bago nilang player na kanina pang hindi naglalaro.

"Kailangan mo nang maglaro! Nanonood sila," sabi ni Rio rito.

Ngumisi ang player na may number 13 ang jersey at pinagmasdan si Rio.

"Kanina ko pang gustong maglaro-- kung hindi pa sila dumating, hindi mo ako papayagan," wika ng player na iyon na tumayo na nga upang mag-warm-up.

"Coach Nate, paglaruin na natin si Kurt!" winika ni Rio sa kanilang coach at sumang-ayon naman ito.

"Sa wakas Rio! Makikilala na nila ang magiging pinakamagaling na rookie ngayong taon!" lakas-loob na sinabi ng player na iyon. Wala iyong halong pag-aalinlangan at alam nito sa sarili na magaling siya... Na siya ang magiging pinakamagaling na rookie ngayong taon sa CBL!

Napa-cheer ang mga taga-SW nang makitang nagwa-warm-up na ang player nilang may number 13 sa likod ng jersey. Si Kurt Asinas! Ang star player ng DWCC High School at ang 3x MVP ng Highschool Basketball Cup ng lungsod.

Napatingin tuloy ang mga taga-CISA sa player na iyon. Kilala rin iyon nina Romero at Cunanan. Hindi nila pwedeng hindi malaman kung sino ito dahil isang skilled dribbler at magaling na passer ang player na iyon. Nakapanood na rin sila ng ilang laro nito noong nasa high school pa ito at batid ng dalawa na hindi basta-basta ito sa loob ng court. Isa itong point guard na kaya ring pumuntos nang malaki.

Napangisi na nga lang ang tatlong player na taga-CU. Naalala kasi nila nang sinubukan nilang i-recruit ang player na ito, kaso, napakabilis nga silang tinanggihan ni Kurt.

"Paano ko kayo makakalaban kung sa CU ako papasok?" Ito ang sinabi ni Kurt sa kanila nang mga oras na iyon.

"Tingnan natin ngayon ang galing mo, Kurt Asinas," wika naman ni Karlo Ibañez habang nakatingin dito.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now