Bola 6

2.9K 143 13
                                    

CHAPTER 6

HINDI makapaniwala si Ricky nang mabasa niya ang kanyang pangalan sa bulletin board ng school nang ito ay kanyang puntahan. Ang inakala nga niyang imposible, ay nangyari na nga. Siya na wala talagang experience sa paglalaro nito ay isa na ngang varsity player ng kanilang paaralan, at sa darating na CBL ay kasama siya.

"Congrats p're! Lupet mo!" winika ni Andrei na kasama siya nang oras na iyon.

"Tapos, nakipagkilala pa siya kay Mika... Ayiehhh!" wika naman ni Mike sa kaibigan at binunggo-bunggo pa niya ito gamit ang balikat. Nagtawanan tuloy ang tatlong kaibigan ni Ricky dahil doon.

"So, pare, mukhang pupunta ka mamaya sa court after ng classes natin?" wika naman ni Roland.

"Ganoon na nga... Hindi ako makapaniwala mga pare! Nakapasok nga ako! Yes!" Tila nga nang sandaling iyon lamang na-absorb ni Ricky na siya talaga ay napili.

"So paano ba iyan? Ililibre mo kami?" natatawang tanong ng tatlo.

Napangiting-ewan naman si Ricky. Gaya ng dati, nagtitipid pa rin ang binata.

"Bibili ako ng sapatos sa Linggo. Sapatos na panlaro!" wika ni Ricky sa mga kaibigan niya.

"Uy! Pasama kami!" bulalas ng tatlo, kaso, tila ba sinadya ng pagkakataon... naalala ng mga ito na may mga kanya-kanyang lakad nga pala sila nang araw na iyon.

"Saturday p're?" tanong ni Andrei kay Ricky, dahil kung sa ganoong araw ay masasamahan niya raw ito.

"Parang hindi pwede, alam ko, may practice ang team every Saturday. Iyon ang narinig ko dati..." sagot naman ni Ricky na hindi sigurado, pero pakiramdam niya ay tama.

"Ay oo nga! Halos sa ibang schools din... nasabi dati ni ate sa akin," iyon naman ang naisagot ni Andrei nang mga sandaling iyon.

"Kaya ko na namang mag-isa mga p're. Hindi naman ako mapili sa sapatos," natatawang sagot ni Ricky. Kaso, duda ang tatlo kasi, ni minsan naman ay hindi maka-sports ang binata. Baka raw pangit at madaling masira na sapatos ang mabili nito.

PAGKATAPOS ng huling klase noong hapon ay diretso kaagad si Ricky sa court ng school. Malayo pa lamang siya ay naririnig na kaagad niya ang talbog ng bola. Hindi niya alam, pero tila musika ito na humahaplos sa kanyang pandinig.

May mangilan-ngilan nga ring nanonood doon. May ilang naka-uniform pa nga ang nasa kabilang side at nag-aagawan ng bola, pagkatapos naman ay titira mula sa malayo ang makakakuha noon. Minsan ay nagkakayabangan din sila pa sasalaksak sa ilalim ng basket.

Nang makarating si Ricky sa court ay tila may kung ano naman ang nagaganap sa kabilang side, sa mga players ng varsity. Kilala niya ang may hawak ng bola, si Kier iyon. Ang kasama niyang try-outees na nakapasok din tulad niya. Syempre, inaasahan na rin naman niya iyon dahil maganda ang ipinakita nito noong Linggo.

"Macky Romero! Hinahamon kita ng one-on-one!" bulalas ni Kier at narinig iyon ng halos lahat, na naging dahilan upang mapatingin sila rito. Wala pa noon si Reynan na captain ng team at si Coach Erik. Hindi pa rin sila kompleto noon at ang ilan sa mga varsity players ay inudyukan din nga si Romero.

"Pare! Subukan mo nga... alam ko, back-up iyan sa dating school niya... at alam kong malakas ang isang iyan. Galing siyang CU. Napanood ko rin iyan noong try-out," wika ng player na iyon.

"Ganoon ba? Sige, go ako!" kalmadong sagot ni Romero na nakuha pang tingnan si Kier Cunanan. Syempre, kilala niya naman talaga kung sino ito dahil nakalaban na nila ito.

"Kapag natalo kita Romero... Gusto kong ako ang maging starting SG sa ating dalawa. Okay ba sa iyo iyon?" nakangising tanong ni Cunanan na kompyansang matatalo niya ito.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon