Bola 75

2K 228 52
                                    

ALAS-ONSE na ng gabi, ngunit hindi pa rin makatulog si Ricky. Naaalala niya ang nangyari kanina sa Cocofarm. Pakiramdam niya ay nasa labi pa rin niya ang sensasyon ng malambot na labi ni Andrea.

Para siyang baliw na hindi makalimutan iyon magmula pa kanina.

"Kailangang magising ako bukas nang maaga," sabi ni Ricky na ipinikit na nga lang ang mga mata. Pinilit niyang antukin kahit nahihirapan siya.

Kanina nga pag-uwi niya, nag-chat pa siya sa dalaga, kaso, hindi man lang siya na-seen nito. Naisip tuloy ni Ricky na baka nahulasan na ang dalaga at nahiya na sa ginawa nito sa kanya. Pero okay lang naman sa kanya iyon.

Doon ay bigla niyang naalala ang sinabi ng dalaga na ang halik na iyon ang sagot nito sa kanyang tanong kung may pag-asa ba siya rito.

Kinabukasan, nagawa pa rin ni Ricky na makagising nang maaga at nagawa pa rin niya ang kanyang daily exercise. Iyon nga lang, pagpasok niya sa school ay medyo inaantok siya. Parang ang bigat ng talukap ng kanyang mga mata na parang anumang oras ay babagsak.

Wala pa silang klase nang pumasok siya sa room ng una niyang subject at pinilit pa rin ni Ricky na magbasa ng kanyang notes. Kahit na busy siya sa varsity, nagagawa pa rin nitong mag-aral na ikinakahanga ng mga kaklase niya sa kanya.

"Hoy! Hanep! Lodi ko na talaga itong si Ricky. Tingnan mo nakakapag-aral pa," sabi ni Roland na kasabay sina Mike at Andrei na pumasok sa loob ng room. Kasunod noon ay ang pagtawa ng tatlo dahil naabutan nilang natutulog na nakayuko si Ricky habang nakahawak sa notebook nito.

"Napagod sa outing kahapon," ani Mike na umupo na sa kanyang pwesto.

"Baka may hang-over," ani naman ni Andrei.

Si Roland, kinuha naman ang kanyang cellphone at kinuhanan ng picture ang natutulog niyang kaibigan. Nagtawanan na naman ang tatlo matapos iyon at ipinakita rin nito sa dalawa ang mga nakuha niyang litrato rito.

Inaantok pa rin si Ricky nang matapos ang una niyang dalawang subjects. Ni hindi na nga niya nalaman ang kalokohan ng tatlo niyang kaibigan. Naisipan na rin niyang huwag munang pumunta ng library dahil baka doon siya makatulog.

Sa paglalakad niya papunta sa cafeteria para magkape ay nakasalubong niya si Macky. Binati niya ito, pero hindi siya nito pinansin. Inaasahan na rin naman niya iyon, kasi minsan ay suplado talaga ito.

Pero napatingin lalo siya rito nang makita niyang may kasama itong babae. Nagulat siya roon. Mabilis nga niyang kinuha ang kanyang cellphone at pinicturan ito. Mabilis din niyang isinend iyon sa gc ng kanilang team.

Ito rin iyong babaeng kasama ni Macky noon sa cafeteria. Napangiti tuloy si Ricky dahil doon.

"Mukhang magkaka-lovelife na si Macky," sabi ni Ricky sa sarili. Napatingin siya sa kanyang phone at may chat si Andrea.

Binuksan niya kaagad ito at hindi niya maintindihan kung bakit siya excited.

"may klase k?" chat ng dalaga.

"ala, mamaya na uling 11am. 2 hrs aqng vacant. may klse nmn sina andrei." Ito naman ang reply ni Ricky na biglang naalala ang nangyari sa kanila kahapon sa Cocofarm.

"same tau. gus2 mo, magcoffee? may new open na coffee shop sa tapat n CU. f ok lng sau. :)" Sagot ng dalaga at binabasa pa lang iyon ni Ricky ay papunta na siya kaagad sa labasan.

"Otw na aq." Mabilis na reply ni Ricky na nakasakay kaagad ng tricycle.

"bilis ah excited ka? Lols hahaha." Reply ni Andrea. Si Ricky naman, mabilis na naglagay ng pabango sa kanyang leeg at sa may batok. Nilagyan din niya ang ilalim ng kanyang palad.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon