Bola 42

2K 236 30
                                    

CHAPTER 42

KINABUKASAN naman inilibing ang lola ni Kier, at lahat ng CISA Varsity ay naroon para samahan ang kanilang kasamahan sa paghahatid dito sa huling hantungan. Ramdam nga nila ang kalungkutan mula kay Kier, ngunit tila binawasan din iyon ng larong ipinanalo nila kontra CCC kahapon. Naglaro pa rin nga si Kier at humabol para sa kanyang lola. Iyon ang larong inialay niya sa mahal niyang lola kaya siniguro niyang magiging maganda ang kanyang laro.

Masakit para sa binata iyon, pero masaya siya kasi bago ito umalis ay nakita na niya ang kanyang totoong team. Ang kanyang mga kaibigan sa paglalaro ng basketball. An mga kasamahang... katulad niyang lahat ay masayang naglalaro nito.

"Kier, hihintayin ka namin sa school?"nakangiting wika ni Reynan bago umuwi ang mga ito matapos ang libing.

Isang tapik naman sa balikat mula kay Macky ang ibinigay nito kay Kier.

"Tuturuan mo pa ako ng dribbling," ani naman ni Ricky rito na may kasamang ngiti.

Si Coach Erik naman ay sinabing hindi pa nito kailangang sumama sa practice. Pero kung sasama na raw uli ito ay mabuti rin iyon at walang magiging problema. Pagkatapos nga noon ay nagpaalam na nang may ngiti ang mga kakampi ni Kier sa kanya. Lahat nga raw sila ay hihintayin siyang bumalik sa kanilang team practice.

Kinabukasan din nga, matapos ang pagkapanalo nila sa CCC ay mabilis na kumalat sa buong Calapan ang nangyaring iyon. Tinalo lang naman ng CISA ang number 3 team sa CBL noong isang taon. Kumalat ngarin ang nangyari kay Ibañez, subalit mas naging matunog ang ginawa ng CISA, dahilan tuloy iyon upang ang mga teams sa CBL ay pag-igihan ang kanilang ginagawang paglalaro. Naisip nga nilang maging tutok na lalo sa practice at huwag magpa-easy-easy sa paglalaro.

Si Ricky nga aynagpatuloy ang pagpa-practice tuwing umaga, bago siya pumasok sa paaralan. Si Mika naman ay umalis na ng CISA kinabukasan din, matapos ang laro nila sa CCC. Para nga kay Ricky ay naging maayos ang pagiging magkakilala nila. Nakilala siya ni Mika, at nakilala niya ang basketball dahil dito.

Nag-deactivate na rin si Mika sa facebook at wala ng paraan si Ricky para i-message ito. Inisip na lang nga niya na gusto muna siguro ng dalaga na lumayo sa social media at pansamantalang manahimik. Isa pa, marami rin kasing estudyante ang nakaalam sa nangyari sa kanila ni Ibañez. Inisip ng binata na marahil ay gusto raw muna ni Mika na magkaroon ng space mula sa mga issue na ito. Magkaganoon man, masaya si Ricky dahil naging maayos ang pamamaalam nila at naipakita niya rito kung paano siya maglaro ng sports na gusto nito.

Pinatalbog nga ni Ricky ang bola habang mabilis na tumatakbo paikot sa court. Paulit-ulit niya itong ginagawa tuwing practice. Wala nga siyang sinasayang na oras at napapansin ito ng kanyang mga kasamahan, dahilan upang maging magana rin ang mga ito sa pagpa-practice. Next game naman ay makakalaban nila ang school ng ACLC, ar ito ang number 7 sa standing last CBL. Kahit nga 3-0 na sila, ay hindi makikitaan ng pagkakampante ang varsity ng CISA. Makikita sa practice ng mga ito na seryoso ang bawat isa sa kanilang paghahanda.

Isa rin ngang pagbabago sa CISA na napansin ng marami ay tuwing practice ng varsity ay mas marami na ang nasa court para panoorin ang mga ito. Kung dati nga ay Romero fans lang ang makikita, ngayon, ay hindi na. Ito na nga ay ang mga basketball fans sa paaralan na nawalan ng gana na panoorin ang kanilang varsity noong bihira itong manalo... at ngayon, narito muli sila dahil tila nahatak sila sa ipinakitang efforts ng kanilang mga players sa taong ito.

Ika nga ng karamihan, ibang CISA ang napapanood nila.

Noong Biyernes ng hapon, lahat naman ng CISA team players ay pumunta sa bayan. Pinapunta kasi sila ni Royce Avenido ng Minscat, sa Ricardo's Restaurant. Isa nga itong mamahaling kainan sa bayan. Mahal ang pagkain dito subalit sulit naman sa lasa ang bawat putahe na talagang nag-iiwan sa dila ng kumakain ng kakaibang sensasyon. Halata ngang excited ang lahat dahil libre ito. Ito kasi ay ang pustahan ni Avenido at Kier nang maglaban ang team nila.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon