Bola 54

2.5K 272 58
                                    

CHAPTER 54

27-38 ang score nang ang CU ay tumawag na nga ng time-out. Seryoso ring pinagmasdan ni Coach Wesley ang mga nagsidatingan niyang players... Mas lalo na nga nang si Rommel na ang nakita niya.

"You did a good job Rommel noong simula, but for now, you should rest and be ready for the second half," ani Coach Wesley rito. Pinagpahinga rin nga niya sina Marquez at Rosales. Ibinalik naman niya si Rivera at ang player na si Ren Chavez na isa ring madikit na defender.

"Karlo, I want you to play the way you want... then the rest of you, focus on rebounding and defense!"

Napatingin pa nga si Coach Wesley sa napaseryosong si Karlo Ibañez.

"Unleashed your skills! You're the number 1 player in this league, right?"

"Then you should show them what a top player does inside the court!" Seryosong tiningnan nga ni Coach Wesley si Ibañez.

"Alright coach... Just sit and watch!" sambit naman ni Karlo na tumayo na mula sa pagkakaupo at handang-handa na itong ipakita kung paano ba maglaro ang binansagang pinakamagaling na player sa liga.

Ang home crowd nga ay muling nag-ingay sa muling pagpasok ni Ibañez sa loob ng court. Kinalampag nila ang buong gymnasium ng CU. Mula naman sa bench ng CISA ay makikita si Macky na seryosong pinagmamasdan si Ibañez. Alam niyang magaling itong manlalaro at sa game na ito ay gusto niyang subukan kung sino talaga ang mas magaling sa kanilang dalawa. Ito ang unang laban nila sa loob ng apat na taon kung saan ipapakita niya ang totoo niyang laro. Sa larong ito, gusto ni Macky na malaman kung sino ba ang totoong pinakamagaling na manlalaro sa CBL!

Samantala, seryoso rin ngang tiningnan ni Ricky si Ibañez na mas pinapalakas pa ang cheer ng crowd sa pamamagitan ng pagtaas ng dalawang kamay nito. Tila kumirot nga ang mukha niya, at bumalik sa kanya ang sakit nang sandaling masuntok siya. Napakuyom na lang siya ng kamao dahil doon. Sinabi nga niya sa sarili na pagkatapos ng game na ito ay ipapakita niya sa lahat kung paano niya tatalunin ang number 1 player ng CBL na si Ibañez.

Tumunog na ang silbato ng referee. Dito nga ay muling pumasok sa loob ng court ang mga players. Nanatili nga ang dating line-up ang CISA at napansin naman ng mga manonood na nagbago na naman ng line-up ang CU.

Si Ibañez na ang tumayong Point Guard. Siya bga ang sumambot ng bolang ipinasa ni Rojas mula sa labas at pagkatapos noon ay napatingin agad siya kay Romero. Naalala nga niya ang huling ginawa nito kanina bago siya bumalik.

"Magaling Macky Romero..."

"Sa wakas, ipinakita mo na ang galing mo na matagal mong itinatago..."

"Ngayon, ipapakita ko sa iyo kung sino ang mas magaling sa ating dalawa..."

Dito na nga bumilis ang dribbling ni Ibañez. Kasabay rin noon ay ang pagwawala ng crowd na mas lalong dinaig ang crowd ng CISA.

"Ricky... Ibigay mo sa akin si Ibañez!" sambit ni Macky kay Ricky.

"P-pero..." Gusto sanang tumanggi ni Ricky dahil sa gusto niyang mangyari, kaso, tumakbo na si Romero papunta rito para depensahan ito. Wala ng choice si Ricky kundi ang tumakbo papunta kay Chavez.

Ang mga players ng CU ay biglang humawan, dahilan upang habulin sila ng mga taga-CISA. Doon nga ay muling umugong ang crowd ng CU dahil isa itong play na kung saan ay si Ibañez ay mag-a-isolation.

Isang one-on-one play laban sa star player ng CISA na si Romero!

Napatingin pa nga si Macky sa kanyang mga teamates sa loob ng court. Tila sinasabi niya sa mga ito na huwag mag-alala. Sinasabi niyang kaya niya itong kanyang bantayan. 6'0 ang height si Romero, habang 6'7 naman si Ibañez. Kung sa tangkad ang pagbabasehan ay nakakalamang na si Karlo kung iisipin.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now