Bola 28

2.8K 208 54
                                    

CHAPTER 28

ISANG malalim na paghinga ang ginawa ni Ricky, at pagkatapos noon ay malumanay niyang inilabas ang hangin mula sa kanyang dibdib. Pinakalma niya agad ang kanyang sarili, at doon na nga niya pinagmasdan ang kanyang mga kakampi.

Nilapitan na rin nga siya ni Manalo, ang point guard ng Minscat. Nakatingin lang ito sa kanya habang maingat niyang pinapatalbog ang bola. Doon nga ay bahagya siyang tumalikod para protektahan ito. May kaba pa rin sa kanyang dibdib ngunit kailangan niyang alisin iyon. Siya kasi ang nagpresintang maging point guard at kung ito ang magiging dahilan para matambakan lalo sila ay... Mahihiya na siyang humarap sa kanyang mga kasama pagkatapos nito.

"Pasa!" Narinig nga ni Ricky ang tawag ni Cunanan na papalapit sa kanya. Kasalukuyan ngang binabantayan ito ni Avenido. Pinipilit nga nitong takasan ito.

Napatingin naman agad si Ricky doon at ganoon din si Manalo. Alam nga rin ni Manalo na hindi marunong pumuntos si Mendez, kaya doon ay mabilis nitong binantayan si Cunanan.

Si Ricky naman ay patuloy na pinatalbog ang bola at nilampasan nga niya ang lumayong si Manalo. Dahil nga sa nangyaring pag-double team kay Cunanan, ay nabakante si Ricky. Doon na nga rin niya kalmadong pinagmasdan ang basket. Nasa isip niya nga ang malumanay na pagda-drive sa bola. Isa pa, gusto rin niyang maranasang makapuntos. Napatingin na nga lang si Ricky sa free-throw circle. Naalala rin niya ang kanyang pagpa-practice dito. Alam niyang kaya niyang makapagpa-shoot mula sa pwestong iyon.

"Hindi kita palulusutin..." bigla namang sambit ni Gado na biglang humarang sa daraanan ni Mendez. Nababasa na nga nito ang galaw ng bola dahil halata niyang hindi ganoon kahusay sa ball handling ang player na ito ng CISA. Nang malapit na nga siya kay Ricky ay doon na nga ginawa niya ang kanyang balak na pag-steal mula sa bola.

"Hindi pwedeng naisahan mo ako kanina..." winika pa ni Gado at napangisi na lang siya nang malapit na ang kamay niya sa bola.

Kaso, biglang napahinto si Gado nang biglang naglaho ang bolang aagawin niya sana. Narinig na lang nga niya ang tunog ng sinambot na bola at doon ay napatingin na lang siya sa kanyang binabantayang si Romero. Ipinasa na pala rito ni Ricky Mendez ang bola nang biglaan.

"Wala iyan Macky!" bulalas pa ni Gado na kumaripas agad ng takbo papunta kay Romero na nagawa ng bitawan ang isang two-point jumpshot mula sa kinatatayuan nito.

Napatingin nga ang lahat sa bola, ngunit sa kasamaang-palad ay nagmintis iyon. Napakuyom na naman tuloy ng palad si Romero dahil doon.

"Rebound!" bulalas agad ni Avenido. Doon na nga muling nangibabaw ang lakas ni Teng at kinuha na naman nito ang rebound. Napakabilis ding tumakbo si Gado patungo sa court nila. Nginisian pa nga niya si Romero matapos ang mintis nito.

Si Teng naman, pagkakuha ng rebound ay buong-lakas na ibinato sa malayo ang bola... Sa direksyon kung saan pupunta si Gado. Sa pagkainis naman ni Romero ay pinilit niyang abutan ang dating player ng CISA na si Benjo.

"Masyado ka ng yumabang!" sambit ni Romero sa sarili ngunit tila huli na nga siya. Nasambot na kasi ni Gado ang bola at papalapit na ito sa basket.

Wala ngang pangambang dumiretso si Gado sa ring. Kaso, nabigla na lamang siya nang may naaninag siyang player sa kanyang kaliwa. Doon ay nagulat siya nang makita si Mendez. Napahinto na nga lang siya nang maramdaman niyang wala na sa kanya ang bola. Doon ay napalingon na rin lamang siya kay Mendez na dina-drive na kaagad ang bola patungo sa side ng CISA.

"P-paanong?" Ito na lang ang salitang nasambit ni Gado.

Mabilis ngang dinipensahan ni Manalo si Mendez ngunit biglang lumitaw si Cunanan sa likuran nito. Nakasenyas na nga ito, ibig-sabihin, hihingin nito ang bola mula kay Ricky. Isang bounce-pass nga ang ginawa ni Mendez at nang makuha ni Cunanan ang bola ay agad naman itong dinipensahan ni Avenido.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon