Bola 69

1.9K 222 66
                                    

SABADO.

Mga alas-otso pa lang ng umaga ay nagbihis na nga si Ricky dahil may pupuntahan siya ngayon. Pupunta siya ng CU para manood ng laban nito sa DWCC.

Gusto niya uling mapanood ang paglalaro ng CU at ng DWCC. Ang DWCC ay ang huli nilang makakalaban sa darating na sunod na linggo. Pero bago iyon, sa darating na miyerkules ay ang St. Anthony College muna ang kanilang lalabanan.

Lumabas na siya ng kanyang kwarto at nagpaalam na siya sa kanyang nanay na may pupuntahan siya. Alam ni Ricky na malakas ding team ang DWCC, lalo na ang dalawang bagong player ng mga ito na mula sa Maynila. Isa pa, nanatiling wala pa ring talo ang school na ito katulad ng CU.

Malinaw na ebidensya iyon na pareho talagang malakas ang dalawang team na ito.

Pagkasakay ni Ricky sa tricycle ay binuksan niya ang kanyang phone. May chat si Reynan sa GC na manonood sila ng laban ng CU at DWCC. May ilan na sasama at mayroong hindi.

Napangiti na lang si Ricky nang mabasa ang dahilan ng ibang hindi sasama.

"Captain, mgpa2raktis kmi sa skul."

"Pghhndaan nmin next game ntin."

"Gus2 nmng mas gumaling cap!"

Ilan sa mga reply na nabasa ni Ricky sa GC nila. Maya-maya ay nag-pm sa kanya si Reynan kung pupunta raw ba siya.

Sinabi ni Ricky na manonood siya pero baka hindi siya makakaya sa mga ito. Isang maraming smile emoticon naman ang reply ni Reynan dahil tila may kutob ito na babae ang kasama niya.

Isang like na lang ang nireply na nilagyan naman ni Reynan ng Haha reaction.

Mga ilang minuto ang itinagal ng byahe hanggang sa huminto na nga ang tricycle sa tapat ng CU. Kapansin-pansin na naman nga ang dami ng mga pumapasok sa loob at napansin din niya ang dami ng mga naka-park na sasakyan sa parking.

Napatabi na nga lang si Ricky nang may isang grupo na nakasuot ng green ang biglang dumaan. May dala pa ang mga ito na malaking bandera ng DWCC Green Archers. Papunta pa lang sa gymnasium ng university ay nag-iingay na ang mga ito.

"DWCC! Fight! Fight! Fight!"

"Green Archers! Win! Win! Win!"

Sinusundan pa iyon ng malakas na sigaw ng mga taga-DWCC na dumarating na rin.

Ibang-iba iyon nang sina Ricky ang naglaro rito na marami rin namang taga-CISA, pero hindi kagaya nito.

Wala pa man sa gym si Ricky ay may kung sino na kaagad ng umakbay sa kanya mula sa kanyang likuran.

"Mendez! Sabi na nga ba at narito ka!" Wika ni Rio Umali na nasa kaliwa niya.

"Interesado ako sa labang ito. Pareho silang walang talo at gusto kong malaman kung sino ang mananalo!" sabi naman ni Kurt Asinas na nasa kanan ni Ricky.

Pagkatapos noon ay nilagyan ng dalawang player ng SW ng pwersa ang kanilang pagkakaakbay rito. Si Ricky nga ay muntik nang mapaupo sa bigat noon. Pero bago pa iyon mangyari ay binitawan siya ng dalawa at siya ay tinawanan.

"Mga sira ulo kayo ah!" Sambit ni Ricky na tila hindi nagustuhan ang ginawa ng dalawa. Kaso, hindi na siya pinansin ng mga ito at nagpaalam na sa kanya habang tumatawa. Nagmadali na silang pumunta sa loob ng gym dahil baka raw maubusan ng pwesto.

Habang papalapit nga nang papalapit si Ricky sa gym ay naririnig na ng dalawa niyang tainga ang ingay ng mga nasa loob noon. Mukhang marami nang tao roon.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now