Bola 34

2.7K 207 39
                                    

CHAPTER 34

NALAMAN ng team CISA ang nangyari sa lola ni Kier. Kinagabihan nga ang nagpasya si Reynan na magyakag sa kanyang teamates kung sino ang gustong sumama sa kanya papunta sa burol. Nang gabing iyon, si Macky at Ricky nga lang ang nakasama sa kanya. Ang ilan naman ay sinabing bukas sila pupunta, habang si Coach Erik naman ay gusto sanang sumama ngunit may tinatapos pa itong gawain sa school. Kaya nasabi na lang nito na pupunta siya kapag natapos ang kanyang ginagawa. Pupunta raw siya sa araw na bakante siya.

Nagpaalam din nga si Kier na hindi muna siya makakapasok hangga't hindi pa naiilibing ang kanyang lola. Naintindihan naman ito ni Coach Erik, kahit daw abutin nito ang araw ng game nila sa CCC. Ramdam kasi ni Coach ang lungkot sa boses ng kanyang player nang makausap niya ito sa cellphone. Hindi nga ito ang Kier nakasanayan niya tuwing practice.

Pinatigil na nga ni Reynan ang tricycle na sinasakyan nila sa tapat ng isang malaking puting bahay. Pagkababa nila ay namangha agad sila sa ganda nito. Napatingin tuloy si Reynan sa chat ni Kier, at mukhang ito nga raw ang bahay ng kanyang kasamahan. Hindi kasi nila alam na malaki pala ang bahay nito. Doon nga ay nakita na rin nila ang isang tarpaulin ng St. Peter na nakatali sa may gate, iyon na nga ang naging patunay na doon nga nakatira ang kanilang pupuntahan. Napansin din nila na may mga nakatayong tent sa may terrace ng bahay at may ilang nakaupo doon na kumakain ng biscuit at ang ilan ay nagkakape. Sa tapat naman ng gate ay may ilang naka-park din na mga sasakyan.

Parang nagdadalawang-isip pa nga sila na dumaan sa bukas na gate. Si Reynan kasi ay hinihintay pa na makita ang chat ni Kier. Hanggang sa nakita na nga rin niya na nag-seen na ito sa kanyang chat. Maya-maya pa nga ay may lalaking lumabas mula sa bahay at dali-dali silang pinuntahan nito.

Pagkakita nilang tatlo kay Kier ay ramdam nila ang kaibahan dito. Nakikita nga nila sa mga mata ng binata ang lungkot.

"Good eve, Kier. Condolonces sa iyo..." wika ni Reynan na tinapik sa balikat ang binata. Tumango naman si Kier at pagkatapos ay niyaya sa loob ang tatlo.

Ramdam din ni Ricky ang lungkot sa binata na hindi niya nakikita kapag nasa school. Sandali rin munang pinagmasdan ng binata ang bakuran ng bahay ni Kier. May malawak na bermuda rito at may isang halfcourt sa dulo. Hindi na nga siya nagulat nang makita iyon. Habang naglalakad sila papunta sa loob ay napansin naman niya na parang hindi maganda ang lakad ni Macky kaso, hindi na niya iyon naitanong dahil narito sila para makipaglamay sa kanilang kaibigan.

Pagkapasok sa loob ay nakita nila ang ilang kamag-anak ni Kier na nakaupo sa harapan ng kabaong ng lola nito. May ilan nga ring umiiyak dito. Umupo na nga lang silang tatlo sa may dulo.

Si Ricky nga ay umikot na naman ang tingin sa loob ng bahay. Maganda at malaki nga ang salas nina Kier. Sa likuran nila ay may isang cabinet na may nakapatong na mga litrato at sa dingding ay ganoon din. Napalingon din nga ang binata roon. Halos puro pictures ni Kier na kasama ang lola nito ang makikita roon. Magmula sa pagkabata hanggang sa magbinata na ito. Naroon din nga ang ilang medals at trophies na halos lahat ay dahil sa basketball.

Dahil nga sa nakita ni Ricky ay napagtanto niyang mukhang malungkot talaga si Kier. Hindi niya alam kung nasaan ang magulang nito pero base sa mga nakita niya, ay halatang malapit ang kanyang kaibigan sa yumao nitong lola.

Bumalik na nga si Kier na may dalang tatlong basong juice at mga tinapay. Inilagay nga niya iyon sa lamesang nasa tapat ng tatlo.

"Baka gusto ninyong kumain ng kanin? Ikukuha ko rin kayo?" tanong pa ni Kier na sumulyap pa sa kabaong ng kanyang lola at pagkatapos ay umupo na itong kasama ang tatlo.

"Okay na kami rito," wika naman ni Macky na ramdam din ang lungkot ni Kier.

"Kailan ang libing ng lola mo?" tanong naman ni Reynan.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon