Bola 48

2K 263 59
                                    

CHAPTER 48

INAASAHAN na rin ni Ricky na hindi pa siya makakalaro sa next game nila. Magaling naman na ang kanyang sugat sa mukha, pero iminungkahi ni Coach Erik na huwag muna siyang maglaro. Ang Filipino Academy of Scientific Trades nga ang makakalaban nila sa ika-lima nilang game. Ito naman ang 8th sa standing last CBL. Matatangkad din ang mga players nito at karamihan ay nag-aaral sa kurso na related sa maritime.

Sa homecourt din ng kalaban gaganapin ang game. Puno na nga rin ng mga manonood ang loob ng hindi kalakihang covered court ng paaralan. Karamihan ng narito ay mga estudyante ng FAST, pero sa kabila noon ay may bilang pa rin ng mga taga-CISA ang naroon, lalo na nga ang Romero's fansclub na isa sa pinakamaingay sa loob.

Hindi naman na pumunta ang mga kaibigan ni Ricky na sina Andrei dahil hindi raw siya maglalaro. Mag-isa tuloy ang binata sa audience area sa likuran ng bench nila.

"Kumusta na ikaw Ricky?" tanong naman ni Andrea habang nakatingin sa court at hindi naman pala siya mag-isa nang sandaling iyon. Napangiti naman si Ricky nang marinig iyon. Kailangan pa ba raw itanong sa kanya ito dalaga gayong nang nasa ospital pa siya ay lagi itong pumupunta roon pagkagaling sa school?

"Okay na ako..." mahinang sagot ni Ricky.

"Goodluck sa next game ninyo... CU na ang makakalaban ninyo," seryosong sinabi ni Andrea sabay sulyap sa katabing si Ricky.

Nang marinig naman iyon ni Ricky ay bigla itong naging seryoso. May bagay kasing sumagi sa isip niya na nagpakuyom ng kanyang kamao. Maya-maya pa nga ay mga tatlong lalaki pa ang dumaan sa kanilang harapan. Ang mga manonood ngang malapit sa kanila ay napatingin din doon.

"Ang Big 3 ng CU!" sambit ng nasa likuran nina Ricky.

Pagdaan nga rin ni Ibañez ay napatingin pa ito kay Ricky Mendez. Doon ay isang pagngisi ang ipinakita nito sa binatang nakaupo sa audience area.

Si Ricky naman ay nakaramdam ng pagkainis sa nakita. Tila nga kumulo ang kanyang dugo nang mga sandaling iyon. Gusto nga niyang bumaba para suntukin uli si Ibañez pero... Pinakalma niya ang kanyang sarili. Pinigilan niya ang galit, bagkus ay huminga siya nang malalim at seryosong tiningnan si Ibañez.

Isang nakakainsultong ngisi rin ang ibinigay ni Ricky rito. Simula nga nang makita niyang kasama ni Ibañez ang lalaking sumuntok sa kanya ay may kung ano nang plano ang nabuo sa kanyang isip.

"Tatalunin kita sa laro natin... Wala akong pakialam kung ikaw pa ang pinakamagaling na player sa CBL..."

Sandali namang nabigla si Ibañez sa ginawa ni Mendez, ngunit hindi niya rin iyon inintindi. Pagkatapos noon ay humanap na sila ng kanilang malulugaran. Si Rommel naman ay pasimpleng tiningnan ang naging tinginan nina Ibañez at Mendez. Pakiramdam niya nga ay alam ng kakampi ng kanyang kuya na ito ang may pakana ng nangyari rito. Hindi tuloy malaman ni Rommel kung ano'ng gagawin dahil base sa nakita niyang tingin ni Mendez ay batid niyang babawian nito si Karlo.

"R-ricky?" biglang winika naman ni Andrea sa binata nang makitang masama ang tingin nito sa kung saan. Tila napabalik naman sa reyalidad si Ricky dahil doon.

"May problema?" tanong pa ng dalaga.

"W-wala!" sagot agad ni Ricky na napatingin sa mukha ng dalaga. Napangiti na lang tuloy si Andrea dahil doon.

Maya-maya pa ay nagsimula na nga ang laro. Kahit wala si Ricky ay makikita pa rin sa team ng CISA na hindi sila nagpapakakampante. Depensa kung depensa! Wala nganng makapigil kina Romero at Cunanan sa team ng FAST. Sa pagtatapos nga ng laro ay nagsitakbuhan sa loob ng court ang starting 5 ng CISA na nanonood sa bench. Si Ricky naman ay napangiti nang makitang masaya ang kanyang mga kasamahan.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedWhere stories live. Discover now