Bola 17

448 37 0
                                    


Bola 17

NAKARAMDAM si Ricky ng pagod matapos ang quarter na iyon. Nakakaramdam din siya ng kaunting hapdi sa kanyang katawan, kaya nga pagdating niya sa bench, at matapos ang masayang pagsalubong sa kanya ng mga kakampi niya ay kaagad siyang tumayo. Pagkainom niya ng tubig ay iginalaw-galaw niya ang kanyang mga braso't binti para banatin. Na-miss niya ito. Hinanap ito ng kanyang katawan. Kung dati rati'y ramdam niya agad ang hingal, ngayon ay hindi na. Alam niya sa kanyang sariling kaya pa niyang maglaro kung papahintulutan ng kanilang coach sa oras na magsimula ang second quarter.

Huminga pa siya nang malalim at naisipang iikot ang paningin sa kanyang likuran. Nakita niya ang crowd na mula sa kanilang barangay. May ilan siyang kakilala sa mga iyon na nagawa pa siyang kawayan.

Naalala niya nga rito ang CBL. Ganito rin nang unang naglaro siya sa isang liga. Ang pakiramdam na may nagchi-cheer ay tila ibinalik muli sa kanyang sarili na talagang nakapagpangiti sa kanya nang bahagya.Habang tinitingnan niya ang bawat isa ay may isang imahe ang bigla na lamang gumuhit sa kanyang isip. Naalala niya bigla ang babaeng madalas na pinapanood siya. Hinanap ito ng kanyang mata at parang inaasahang niyang makikita ito mula sa isa sa mga narito.

"Hindi na niya ako panonoorin." Pero wala na silang dalawa, kaya sigurado siyang hindi na siya nito papanoorin pa.

Bumuntong-hininga si Ricky at tumalon-talon pabalik sa upuan. Alam niyang hindi na siya panonoorin ng dalaga, ni Andrea. Isa pa, sa basketball muna siya magpopokus sa pagkakataong ito, dahil ito lang naman talaga ang kailangan niyang gawin.

Naalala rin nga niya bigla ang nanay ng dalaga. Ang sinabi niya ritong liligawan niya ang anak nito. Napakuyom na lang tuloy siya ng kamao dahil doon. Kailangan nga pala niyang gawin iyon, dahil nagbitaw siya ng salita sa nanay ni Andrea... isang salita na kailangan niyang tuparin.

Hindi niya pa alam kung paano ito sisimulan, lalo't nainis sa kanya ang dalaga dahil dito. Pero kahit na ganoon, buo na ang loob niya...

"Sa ayaw mo man o sa gusto, gagawin ko pa rin ito."

TUMUNOG nang muli ang buzzer, hudyat ito na ang second quarter ay magsisimula na. Si Baron ay mabilis na pumunta sa court kahit hindi pa man sinasabi ni Kap na maglalaro uli siya.Dahil tuloy rito kaya si Ricky ay muling ipinasok ng kapitan. Ang balak nga niya sana ay ang pagpahingahin ito, ngunit kaylangan niyang paglaruin pa rin ang binata dahil kay Baron.

Pinalitan muna ni Adolfo Karim #22 (6'6) ang kanyang kapatid. Si Manong Eddie ay nagpahinga rin, at si Kuya Kaloy naman ang pumalit para rito. Sa pagpasok nga nito ay nag-cheer kaagad ang mga kamag-anak nito na nasa sampu. Naroon din ang mga kasamahan niya sa Toda nila sa Canubing na may pa-tarpulin pa. Kagaya noong unang game, suportado pa rin nila hanggang ngayong sunod na laro nito.

"Galingan mo kuya Kaloy! Ipakita mo sa kanila ang galawan mo!" sigaw ng ilan sa mga iyon at napangiti naman si Karlo Cepillo #55 dahil doon.

Nakangiti at masaya siyang pumasok sa court. Maglalaro na uli siya sa inter barangay at excited na siya para rito.

"Kuya Kaloy, galingan natin!" nakangiting winika naman ni Ricky sa pagpasok niya sa loob ng court.

Napakibit-balikat naman si Baron nang makita ito, kilala niya si Kaloy, isa itong tricycle driver at isa rin ito sa mga itinuturing niyang gurang sa kanilang koponan.

Si Karim #22 naman ay seryosong nilapitan ang kanyang guguwardiyahan.

"Karim din," sabi ni Coron at seryoso na itong dumipensa.

Mapapansin ngang parehong line-up pa rin ang isinabak ng coach ng Palhi. Sinambot na rin ni Vallada ang bola at kaagad siyang binantayan ni Baron.

"Team! Pakitaan na natin ang mga ito ng totoong basketball," bulalas ni Vallada at sumeryoso kaagad ang apat pa niyang mga kakampi. Lahat sila ay ayaw matalo sa larong ito, at upang mangyari ito... Dapat ay mas maging agresibo sila. Nag-iba na rin ang atmospera sa koponan nila at isang mabilis na galaw ang biglaang ginawa ni Vallada.

KINBEN II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon