Bola 23

477 43 0
                                    


Bola 23

SINUBUKAN pang maitabla ni Vallada sa score ng Canubing sa natitirang wala ng isang minuto ng laro na kung saan ang iskor ay 96-93. Alam niyang may pag-asa pa silang manalo lalo na nga't tatlo na lang ang lamang ng kalaban. Nang nasa kanya na nga ang bola ay mabilis niyang sinalubong ang depensa na ibinibigay sa kanya ni Mendez. Aminado siyang parang linta ang depensa nito, pero mas malaki pa rin siya at mas mabigat kumpara rito. Gamit ang pisikal niyang lakas ay isinama niya ang binata sa kanyang paggalaw.

Ramdam naman nga ni Mendez ang lakas ni Vallada kahit kapwa na sila pagod. Isa pa, halos isang buong laro siyang nasa loob ng court. Ni hindi nga niya inaasahang ibabad siya ni Kap, gayong ito pa lang ang unang beses na siya'y nakapaglaro rito.

Iba ang ligang ito kumpara sa CBL. Sigurado nga siya na pagkagising niya bukas ay baka namamaga ang kanyang ilang kalamnan. Isa pa, may mga galos na rin ang kanyang binti't tuhod dahil sa ilang play na ginawa niya sa ilang sandali ng laro. Hindi mawawala ang magdadagasa siya at mabuti't nakakaya pa rin niyang makabangon muli pagkatapos noon.

Ang apoy ng pagiging isang totoong basketbolista ay patuloy na makikita sa galaw ng binata.

Lumalakas ang cheer ng Palhi nang makitang nahihirapan si Mendez sa pagbantay kay Vallada. Pero, hindi lamang si Ricky ang naka-itim sa loob ng court. Mabilis na humarang si Alfredo sa daraanan ni Vallada dahil kailangan niyang tulungan si Ricky sa ginagawa nito.

Bahagya namang bumagal ang pag-drive ni Vallada nang makita ito. Alam niyang malakas ang isang ito at nakita niya iyon sa paglalaro nito. Matipuno ang katawan ni Gomez dahil sa trabaho nito, kaya ang pinakalakas nito sa laro ay ang kanyang durability na naii-apply niya sa kanyang matigas na pagdepensa.

Mabilis ngang umatras si Vallada dahil mahihirapan siya kung magdo-double team ng dalawa. Agad nga niyang hinanap ang binabantayan ni Gomez at nang kanyang makitang tumatakbo ito patungo sa ilalim ng basket ay buong lakas siyang tumalon upang maipasa roon ang bola.

Napalingon na lang si Mendez sa ginawang iyon ni Vallada. Nasambot ni Hernandez ang bola at pagkatapos ay napangisi ito. Dinala nito sa basket ang bola. Subalit sa pagbitaw niya rito ay isang malakas na pagbuta ang ginawa naman ni Karim na mabilis na nakapunta sa harapan nito nang bumitaw na siya ng isang lay-up.

"Hindi ko hahayaang matalo kami!" sigaw ni Florante Karim. Pero ang bola ay nasambot pa rin ni Mendoza na mabilis na lumayo at tumayo sa three-points area.

"Hindi pa kami talo!" bulalas niya at mabilis siyang bumitaw ng isang tres.

"Wala iyan!" sigaw naman sa isip ni Martin na mabilis na tumalon upang harangan ang gagawin ni Mendoza.

Dito na nga sumilay ang pagngisi muli sa player ng Palhi na may number 1. Pinakagat lang pala niya ang humahabol sa kanyang si Suarez.

Isang pag-dribble pakaliwa ang ginawa ni Mendoza dahil hindi pa pala siya tumatalon. Ang shot clock nila ay limang segundo na rin lamang at dito na siya tumalon upang bumitaw ng isang libreng tres.

Ang crowd ng Palhi ay todo na sa pag-cheer habang nangyayari ang play ng kanilang koponan. Ngunit hindi pa man nakakalayo mula sa kamay ni Mendoza ang bola ay may isa pang kamay ang biglang humuli rito at mabilis na dinakot ang bola paibaba.

Si Ricky Mendez! Agad na lumayo si Mendez na makikitang hinihingal na at pawisang-pawisan.

Napatakbo kaagad si Vallada para habulin si Suarez na kasalukuyan na ngang tumatakbo sa side nila.

Huminga naman nang maluwag si Mendez, sampung segundo na lamang ang natitira sa laro.

"I-foul mo Mendoza!" bulalas ng coach nila at dito natauhan si Ken na ang oras pala ay mauubos na.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now