Bola 35

503 41 0
                                    


Bola 35

DUMIRETSO si Von sa parking area ng coliseum. Kinuha niya sa loob ng kanyang dalang bag ang susi ng kanyang pulang kotse. Pinindot niya ang button sa gitna nito at tumunog kaagad ang kanyang mamahaling sasakyang naroon. Pagdating niya sa oto niya ay naroon ang kanyang kuya na si Mover. Napatingin pa siya sa kabilang parking area kung saan ay may isang itim pang kotse. Naroon ang blonde na girlfriend ng kanyang kapatid at nakatingin lang sa kanilang dalawa.

"Yow!" bungad ni Mover na nakapamulsa habang nakasandal sa kanyang kotse.

Pasimple namang bumuntong-hininga si Von at nginisian ang kanyang kuya.

"Ita-transfer ko sa account mo mamaya," wika niya at nginitian siya ni Mover.

"Thank you. By the way, ano'ng masasabi mo sa game? I didn't expect na matatalo kayo. May isang player ang biglang bumago sa resulta ng larong iyon. What do you think?" seryosong tanong ni Mover sa kanyang kapatid. Dito ay sandaling umihip ang hangin at nagkatinginan ang magkuya.

"Yap," munting tugon ni Von. Parang may kung anong epekto sa kanyang kalooban ang pagkatalong iyon. Sandali nga niyang naalala ang sinabi sa kanya ni Semeron kanina nang pumila na sila sa gitna para magpasalamat sa isa't isa.

"Tatalunin kita sa sunod tayong magkita! Saan ka ba naglalaro? Dadayuhin kita!" wika nito na hindi niya malaman kung dapat ba siyang matakot sa tingin nitong tila papatay kung pagmamasdan.

Isang seryosong tingin naman ang ibinigay sa kanya ni Martin Suarez at nagkamay pa silang dalawa. Napangiwi pa nga siya nang higpitan nito ang pagkakahawak sa kanyang kamay. Nginisian pa siya nito matapos iyon at umalis kaagad ito nang gusto sana niya itong bawian.

"Kuya! Nice game! Hindi pa talaga ako ganoon kagaling para matapatan kayo. Salamat sa magandang larong iyon! Nextime uli!" masigla namang wika ni Ricky Mendez sa kanya at nagkamay silang dalawa matapos iyon. Napatingin pa si Von sa binata at ngiting-ngiti ito habang nakikipagkamay sa kanya. Hindi pa talaga ako ganoon kagaling para matapatan kayo,umulit-ulit ito sa kanyang sarili. Ang salitang sinabi ni Mendez ay tila nagpangiti sa kanya nang hindi inaasahan.

Ayaw na niyang makipagpustahan kay Mover sa mga larong lalaruan niya. Sa sunod na magkaroon siya ng oportunidad na makakapaglaro muli sa isang liga, maglalaro siya kung paano naglaro si Ricky Mendez. Maglalaro siya, manalo man o matalo.

"Masyado kang pa-humble. Give me your contact number, or kahit your facebook name," wika ni Von at nang ibigay kaagad ito sa kanya ni Mendez ay ginulo niya ang buhok nito.

"I'll contact you one of these days. Umiinom ka ba?" tanong nito at sabi naman ni Ricky ay konti lang daw.

"Ipapakilala kita sa kuya ko!" nakangiting wika pa ni Von at pagkatapos ay umalis na siya para lumabas at umuwi.

"I want you to meet Ricky Mendez kuya! Pwede mo siyang isali sa binabalak mong Calapan Team!"

Napangiti kaagad si Mover sa sinabing iyon ni Von. Tinapik niya kaagad ito sa balikat at nagsalita. "He's one of my prospects as of now. Pwede siyang mapasali kung gugustuhin niya."

Napangiti nga kaagad si Von nang marinig iyon. "Thanks kuya! Sayang ang talent ng isang iyon. He's one of a kind na player... Parang ikaw," sabi pa ng binata at napatawa ito sa harapan ng kanyang kuya.

"So you're now a fan of Mendez?" simpleng tanong ni Mover at siya naman ang tumawa nang malakas. Umalis na siya sa harapan ng kanyang kapatid at pagkatapos ay nagpaalam na siya matapos iyon. Nagdilim ang paningin ni Mover ay pasimpleng napangiti. Alam niyang fan ito ang niya pagdating sa basketball at kahit na ilang beses niya itong matalo ay wala lang ito kay Von.

KINBEN II (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora